21

10 0 0
                                    

Kylie's PoV


My heart is still pounding as we run through the hallway passing the emergency exit row.

"Nasaan ang mga crew, Thurstin?" tanong ko dahil pansin kong wala ni isa sa kanila ang naga-assist sa mga pasahero. Yung flight attendant na sumigaw kanina ay wala na rin.

"I don't know. Nauna na siguro sila," sagot ng lalaki.

"But that's not how they should respond to emergency situation like this!" piksi ko. Nag-uumpisa na akong mainis dahil sa incompetency ng mga crew ng eroplano.

"Huwag mo na silang intindihin. Off you go!"

Tinuro ni Thurstin ang emergency exit. Pansin ko na karamihan sa mga pasahero ay nakalabas na ng eroplano, mangilan ngilan na lang siguro ang natitira, Tumingin ako sa labas ng exit May parang something na slide doon na automatic na lumalatag once na mabuksan ang emergency exit.

"I just have to slide on it?" baling ko kay Thurstin.

But the guy wasn't listening, he was looking at something inside the smoking plane.

"Thurstin?"

Lumingon ang lalaki sa 'kin. "Yes. You just have to jump. Now jump!"

"Wait----"

Pero tinulak na ako ni Thurstin kahit hindi pa ako handa. Bumagsak agad ako sa escape slide at mabilis na gumulong pababa.

"aaaaaaaahh!" sigaw ko sa sobrang pag ka bigla.

Muntik na akong sumubsob sa lupa dahil um-slide ako sa inflatable nang una ang mukha. Naagapan ko lang ang pagtuon bago pa mangyaring kumaskas ang pisngi ko.

"Damn you, Thurstin!!" nanggigigil kong sigaw habang bumabangon.

Pinagpag ko ang damit ko at dinampot ang bag na siyang naisalba ko. Tapos tumingin ako sa taas ng eroplano sa pag-asang makikita si Thurstin... pero wala siya.

Hala! Saan pumunta ang lalaking yun? Hindi naman siya bumaba gaya ko. Ano? Bumalik ba siya sa loob?

Hindi maiwasang tumubo sa dibdib ko ang paga-alala. Did that stupid monkey really go back?! Ngayong nakababa na ako tsaka ko nakitang nagliliyab ang profeller at ang right wing ng eroplano. Ganundin sa may ungos nito.

The pilot's cabin are definitely burning, holy god!! Kaya ba wala kaming makitang piloto kanina? Jezzus!! Thurstin bumaba ka na rito! Possible na sumabog na ang eroplano ano mang minuto.

Hindi ako mapakali, panay ang tingala ko sa emergency exit. Everytime people came sliding down, tsine-tsek ko kung si Thurstin yun pero unfortunately, hindi pa talaga bumababa ang lalaki.

I looked around, nagtatakbuhan ang mga tao palayo sa eroplano. Most of them ran to the nearest valley. It's dark but its definitely a valley.

Minumura ko na si Thurstin sa utak ko dahil ang tagal niyang bumaba.

"THURSTINN!!! BUWISIT KA! KUNG MAY PLANO KANG MAMATAY DYAN BAHALA KA!!" sigaw ko.

But still no sign of him.

Dumadagundong na yung dibdib ko sa sobrang kaba.

"THURSTINN!!!!"

Parang maiiyak na naman ako sa tindi ng frustration.

Gustong-gusto ko nang tumakbo palayo pero hindi ko magawa. Not without him. Binalikan niya ako kanina, there's no way na iiwan ko siya. Napakawalang-modo ko naman nun!

What the fvck is happening up there?

"THURSTINN KASSIIIII WHERE ARE YOU? FVCK!!"

Alright. I'll go up there. Ayaw mong bumaba? Ako ang aakyat!!

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon