KYLIE'S POV
Hindi traffic, thank god. Nakarating ako sa Bolivia nang hindi umiinit ang ulo.
I just parked my car and headed to the classy bar.
"Is that Kylie, the supermodel in Paris?" narinig kong sabi ng isang kasalubong ko sa kasama niya.
Yumuko agad ako para hindi ako nito makilala.
"I guess not. Magkasingkatawan sila pero mas maganda si Kylie lol! That one looked like ghost. Ang putla niya! hhahahhha" dagdag pa nito at nag si tawanan
"Well, yeah. Tama ka. Medyo pangit nga ang isang iyan." bulong pa ng isa nyang kasama
Gusto kong bumalik para sabunutan yung dalawa pero nagpigil ako. Tumigil muna ako paglalakad at bumuga ng hangin. Ang kapal ng mukhang sabihan akong pangit. Anong tawag sa kanya? Saksakan ng pangit?!
Jeez. Wala akong mapapala kung magpapaapekto ako sa kritisismo.
I composed myself and resumed walking toward Bolivia.
Bolivia as i mentioned from before, is a high end bar. Hindi ito yung tipo ng bar na dumadagundong ang sound at music. Tahimik ito at mostly sa mga kantang ipini-play ay mellow, ballad at soft music lang. It's a suited place for talking while drinking.
Nang pumasok ako sa loob ng Bolivia ay sumalubong sa akin ang pinong tunog ng violin. Napangiti agad ako.
Konti lang tao sa loob. Mostly older people na tahimik ding naguusap habang umiinom sa table nila.
Ini-scan ko ang paligid at hinanap ang pamilyar na mukha ng mga kaibigan ko.
"Huwag mo na kaming hanapin, Balin. Nandito kami sa likod mo!" anang tinig.
Nang lumingon ako nakita ko ang apat na babaeng pawang nakangiti sa akin.
"Girls!!" sigaw ko.
Sigawan sila na sabaysabay yumakap sa akin. At hinila nila ako papalapit sa isang bakanteng mesa.
"Kylie, how are you?!" tanong ni, Cali.
These girls are one of those few people na hinayaan kong tawagin ako sa pangit kong pangalan. Highschool pa lang kami ganun na sila kaya hindi ko na sila kinontra.
"I'm good! I missed you, guys!" salubong kong yakap sa mga ito
"Miss us daw, eh wala ka ngang balak magpakita sa min eh. I heard na babalik ka sa Paris next week!" simangot ni Jellai sa kin.
"Tumakas lang talaga ako. You know how busy I am." dag dag ko pa.
"Of course, supermodel and all. You're technically the queen of the world! " Tawa ni Ly.
"Shut up! I'm not."
"I'm glad to see you, Balin."
Lumingon ako sa gilid ko at ngumiti kay Ann. "Me too, Ann. How's married life?" tanong ko.
"Great, actually." Mabini niyang sagot.
Ann is the most modest among us. Siya yung tinatawag na Miss Prime and Propery nung highschool kami. Siya din ang pinakamabait at pinakamahinhin. No wonder siya ang unang lumagay sa tahimik. Nakapangasawa siya ng isang business tycoon.
Ly, on the other hand is the loudest. Siya yung bunganga ng grupo namin. Tagapagsalita. Nung nasa Rosiewood High pa kami, president siya ng Communication Club. Sa ugali, well... okay naman siya, maingay lang talaga.
Jellai is that one girl who act tough. Yung babae sa grupo niyo na parang lalaki. Yung babaeng parang manghahamon ng away lagi. Yun si Jellai. Maangas. Matigas din ang damdamin niya. Kaya siguro naging miyembro siya ng PSG noong mga panahon na iyon.
Lastly, si Cali. The "pina ka matalino" of the group. Kopyahan namin ng assignment noong highschool. Haha. Siya ang dahilan kaya nakagraduate ako. With my poor grades on Math and Science, malabo talagang makapasa ako. Pero dahil kay Cali, nakuha ko diploma ko. Nakakahiya mang aminin. Siya ang nagsalba sakin. Haha!
"Did your husband treat you nicely?" tanong ko kay Ann.
The woman smiled. "Yeah. Alfonsy is a kind man. I am happy to have him."
"That's good to hear," Sabi ko.
"Oo nga," segunda ni Ly. "At least may isa sa 'tin na succesful ang lovelife. Itong si Jellai, malabong magustuhan to ng lalaki dahil mas lalaki pa to eh! Mahihiya ang tunay na lalaki!"
Tumawa ako nang sumimangot si Jellai. Hindi siya makaangal dahil totoo ang sinabi ni Ly.
"Ako naman, iniwan ng ex ko kasi naiingayan na yata sa'kin!" dugtong pa ni Ly. "Ikaw Cali kelan ka maghahanap ng boyfriend?"
"Siguro kapag nadiskubre ko na kung totoo ang parallel universe. My time is being consumed by our experiments. As of right now, I don't have time to find a boyfriend," balewalang sagot ni Cali na inayos ang suot na salamin sa mata.
Ly scoffed and looked at me. "See, she's still a damn nerd. Bubuhayin muna niyan si Einstein bago yun ang papakasalan niya."
Tumawa ako.
"Wait. Patay na si Einstein? No way!" aklas ni Jellai. Gulat na gulat siya.
"Ang hirap nang tulog nung tinuturo yun sa Science," komento ni Ann.
Tawa lang ako nang tawa habang nakikinig sa apat. Na-miss ko nga talaga sila. At yung ingay nila. I was too busy with my work, to the point na feeling ko wala akong kaibigan. Nalimutan kong nandito lang ang Rosewood Girls.
"Eh ikaw, Balin? Kamusta ang lovelife?" tanong ni Cali sa akin.
Natigilan ako. "Lovelife? Wala ako nun."
"No way. Ikaw ang pinakamaganda sa ting lahat, dapat ikaw ang may maraming lovelife! Huwag mong sabihing singtaas pa rin ng langit ang standard mo sa lalaki?! Aba'y hindi bababa si Zeus mula sa Olympus para pakasalan ka. Delusional lang ang nag-iisip nun!" talak ni Ly.
Sumimangot ako. "Hindi mataas ang standard ko!" sikmat ko.
"Ah talaga?" taas kilay na sabi ni Ly. "Hugh Jackman? Tom Cruise? Leonardo DiCaprio? Who else, Prince Henry of Wales?"
"Shut up! Highschool crush ko lang ang mga yun!"
"Nah. Crush daw. Yet you dated Paul Jackson, a football superstar! Patunay lang yun na mataas talaga standard mo, neng!"
Hindi na ako nakipagtalo. May punto siya. Totoong medyo mataas ang standard ko pagdating sa lalaki. May karapatan naman siguro ako.
"Hayaan mo na," singit ni Jellai. "Legal siya mag-inarte. Ubod siya ng ganda!"
Umirap at hinampas sa balikat si Ly at Jellai habang tumatawa si Cali at si Ann.
Nagkuwentuhan lang kaming lima ng tungkol sa mga karanasan namin nung highschool. Reminiscing moments are the best. The best and worst memories of yesterday are brought to the surface.
"Si Mam Cleopatra, nakapangasawa pala ng Kano yun."
"Talaga? Mabuti naman, at least hindi na siya magiging masungit sa estudyante. Ang inabot kong kurot sa tainga dun grabe!"
"Remember Harold? Yung heartthrob ng Surim Institute?"
"Yeah?"
"Bading pala yun! Nagladlad na sa wakas! Guwapo nga ng boyfie niya eh!"
"Yay!"
BINABASA MO ANG
Trapped With you
RomanceShe's trapped with the man she hates the most... -- Kylie Leowfin is a beautiful, intelligent, and special model from Europe. She is living a happy life until she returns to the Philippines for the wedding of her cousin. While there, she meets Thurs...