18

7 0 0
                                    

Kylie's POV

"Wow! You look even prettier when you smile," Sabi ni Thurstin sa bata na ngumiti.

Napangiti din ako. Ewan ba. May kung ano sa ngiti ng bata na nakakagaan ng pakiramdam. Was she a fairy? An angel? Lah oa hahaha pero malay mo naman.

"Bumalik na tayo sa airport, mukhang tapos nang kumain tong bulilit na to," ani Thurstin na natatawa pa dahil sa itchura ng bata.

Lumingon ako sa waiter at sumenyas ng bill. Nang akmang maglalapag na ako ng pera ay biglang pinigilan ni Thurstin ang braso at sa halip ay binigay sa waiter ang ilang dollar bills.

"Keep the change," aniya.

Magpoprotesta na sana ako pero tinitigan ako ni Thurstin.

"The father of the family has to provide, right?" Ani pa nito nang natatawa.

What the Fvck?! Gusto kong magreklamo pero may kung ano sa mukha niya na nagpigil sa kin. Some authority huh?

"Bahala ka," nasabi ko na lang. Sa isip-isip ko, akala ko ba naiwan niya ang wallet niya kaya niya ako sinundan dahil magpapalibre siya. Tsh.

"Stalker, ayaw pang aminin." Bulong ko.

Kalong ni Thurstin ang bata at nilakad lang namin ang airport pabalik. Sinabi ng lalaki na ilalapit namin sa police station ang kalagayan ng bata. Kasi baka nga naman hinahanap na ito ng pamilya niya.

Kaso nasa entrance pa lang kami, biglang may sumalubong sa amin na isang matangkad na babae na parang maiiyak na sa sobrang frustration.

"Lucy! Lucyyy!" anang matandang babae.

Nanlaki ang mata ng bata nang makita ang matanda. Bumaba ito sa pagkakakalong kay Thurstin at nagtatatakbong sinalubong ang babae.

"Canya! Ihura maiyaa!" Marami pang sinabi ang bata pero hindi ko na magets ang iba.

The language sounds very foreign and very strange.

Niyakap ng babae ang bata. Halatang alalang-alala ito. Jusko. May kasama naman pala ang bulilit na to. Ano? Naligaw ba siya kanina?

Nagtinginan lang kami ni Thurstin habang mahinang nag-uusap ang babae at ang bata sa wikang di ko mahulaan kung ano.

"You know the language?" tanong ko kay Thurstin.

Kunot ang noo na umiling ang lalaki. "Strange. I've been to different part of the globe and this is the first time I heard of it. Oh well, I guessed they're from Wakanda."

Tiningnan ko nang masama si Thurstin at tumatawa siyang naglakad papunta sa Departure Area.

Lumingon naman ako sa batang babae, nakatitig siya sa 'kin at nakangiti siya kaya ngumiti din ako at kumaway.

"Bye!" sabi ko.

Tumango ang bata at ganundin ang ginawa ng matandang babaeng kasama nito. The woman even bowed at me. Medyo nailang ako kaya binilisan ko ang paglalakad para makasunod kay Thurstin.

Speaking of that guy, mabilis siyang nawala. Para siyang nag-evaporate sa hangin. Luh. Saan pumunta yun? Iginala ko ang tingin ko sa paligid pero di ko nakita ang lalaki.

Nagkibit-balikat ako. Tiningnan ko na lang ang oras. Akalain mong malapit na pala ang next flight ko. Ang bilis lang ng oras.

Nang dumating ang takdang panahon para sumampa sa eroplano ay pumasok na agad ako doon. I want to take the nicest seat. Hindi ko alam kung si Thurstin pa rin ang katabi ko, sana hindi.

Kaso bigo ako, bago pa lang ako lalapit sa row ko ay sumalubong na sa akin ang nakangising lalaki. Taas ang paa niya sa pagkakaupo... sa tabi pa mandin ng bintana.

Napabuga na lang ako ng hangin.

"So it's you again," sabi ko. Inokupa ko na lang ang katabing upuan nang hindi nagrereklamo.

Tumayo si Thurstin at humarap sa akin.

"Go on! Take the seat! Di ba gusto mo yung pwesto sa tabi ng bintana? Pagbibigyan na kita, baka umiyak ka eh!"

Napatingala ako kay Thurstin. Di ako makapaniwala. Talagang magpapaubaya siya? Thurstin the monkey? For real?

Pero nakatayo na siya at hindi naman siya mukhang nagbibiro. Tumayo ako at skeptical na lumipat ng pwesto.

"Baka may ano ka dito ah? Sasakalin talaga kita!" Mamaya niyan may bubblegum siyang dinikit o may ginawa siyang kababalaghan sa upuan na to. Naku!

"Paranoid. Hindi ko yun gagawin. I'm not that immature person," umupo na si Thurstin sa seat na ginamit ko kaya wala na rin akong nagawa kundi ang umupo na rin.

I immediately look at the outside of the window.

Uwaa! Hindi ako maiinip basta nakikita ko yung labas. Sixteen-hours ang flight duration papuntang Madrid. I would sleep most of the time.

Lumingon ako kay Thurstin, nagbubuklat na ulit siya ng magazine.

Humilig ako sa may bintana at ipinikit ang mata ko. Busog na ako kaya kailangan ko nang matulog. Pumapasok sa utak ko yung bata kanina at iniisip ko kung saan kaya siya nanggaling at saan siya pupunta?

Tsk.

"Kylie," narinig kong tawag ni Thurstin kaya nagmulat ako ng mata at lumingon ako sa lalaki.

"What?"

"Did you pray?" anang lalaki.

"What pray?"

"Pray for our safety," sagot ni Thurstin.

"It'll be a long flight you know. Might as well pray for some guidance..." Wow akala ko demonyo to haha.

Bumuntunghininga ako. "Yeah yeah. Let's pray."

Kinuha ni Thurstin ang kamay ko at muntik ko nang bawiin yun dahil nagulat ako sa sensasyon. His hands are warm.

"Panginoon, ingatan niyo kami sa paglalakbay namin..."

"Amen."

"Hindi pa tapos."

"Okay."

"Panginoon, gawin niyo pong ligtas ang bawat pasahero sa eroplanong ito at nawa'y makarating kami ng payapa sa aming destinasyon..."

Thurstin continues to pray. Kita kong nakapikit siya at taimtim sa ginagawa niya. I could see his long eyelashes and his thick eyebrow complimenting his smooth skin. His nose and lips..."

"Kylie, you're not concentrating!" piksi ni Thurstin.

"Kapag bumagsak ang eroplanong ito, bahala ka sa buhay mo. Hindi kita ililigtas."

Ngumuso ako.

"In the name of Jesus..."

"Amen!" malakas na sabi ko. Napalingon tuloy ang ibang pasahero sa amin. "Hehe!"

Dedma lang si Thurstin nang bumitaw nang hawak sa kamay ko. Dedma na rin ako.

Pero seryoso? Hindi niya talaga ako ililigtas?

"Thurstin! Kapag bumagsak ang eroplano, mamamatay ka rin," sabi ko.

"Nag-pray ako kaya may guidance ako. Ikaw, bukod sa tumitig ka lang sa mukha ko, nakaupo ka sa tabi ng bintana. You're the one who's most likely to die first."

Tumayo agad ako sa takot at lumipat sa tabi ni Thurstin. As in dun sa mismong tabi niya. In fact, sa hita na niya ulit ako nakaupo. "Palit na tayo," sabi ko.

But Thurstin won't budge. "Bahala ka dyan bleee," sabi lang niya.

Ay wow.

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon