40

7 0 0
                                    

Kylie's Pov






"Hello? Si Kylie 'to! Naririnig mo ba ako? I'm calling from Western---"

"OH MY G-GOOOOOODDD!!!" narinig kong suminghap ang nasa kabilang linya.



"KYLIEEE?!! SI COLE 'TO ANONG NANGYARI SAYO?! NASAAN KA NA?! KASAMA MO BA SI THURSTIN?!!"

"Yes Cole, nandyan ba si Bennet? Can I talk to him. Nandito kami sa Laayoune sa Western---"

*beep beep beep*

The call was cut.

"Hello?! Hello?!!" What the hell?!

Biglang bumukas ang pinto at hangos na pumasok si Buja kasunod si Thurstin. Galit ang expression ng maliit na lalaki ng makita akong hawak ang telepono. Napasinghap ako.

"WHAT IN THE NAME OF ALLAH HAVE YOU DONE WOMAN?!!" sigaw niya.

Patakbo lumapit ang lalaki sa kin bago hinablot ang telepono at pinakinggan iyon.

"It was cut," nanginginig na sabi ko. Tumayo ako at mabilis na yumakap kay Thurstin.

"It was cut Thurstin the phone call was cut. Andun na ko eh. Nakausap ko na si Cole tapos naputol pa.
ihingi na ako ng tulong. It was cut and I don't know why. They could have help us." Naiiyak akong sumubsob sa lalaki.

Napahikbi ako sa sama ng loob. Wala na akong pakialam sa galit ni Buja. Mas nag hi-hinanakit ako dahil parang pakiramdam ko ayaw akong bigyan ng pagkakataon ng tadhana para makatakas sa sitwasyon na 'to.

"Ssshh! It's okay," ani Thurstin.

"No. It's not okay. I wanna go home, Thurstin. I want to see my Mom. I'm scared. I don't want here anymore. Those people will kill me!"

"Sshh! I'll protect you so please stop. Makakauwi tayo, Trust me."

Hindi ko na narinig ang pagrereklamo ni Buja. Nung lumingon ako sa kanya ay na-kakatitig lang siya sa min ni Thurstin. Parang narealize na niya kung ano talagang sitwasyon namin ni Thurstin.

"I'm sorry," sabi ko lang habang nagpapahid ng luha.

Napakamot na lang sa ulo si Buja. "What can I do? I'm sorry too but you have to go away. It's dangerous now. Your call was cut by the monitoring system."

"Monitoring system?" tanong ni Thurstin.

"Of course. The Vuldus holds all of line in here. They can hear you!" turo niya sa telepono.

Napasinghap ako. "Oh no!" Sumikdo ang dibdib ko. Alam na ng mga Vuldus ang pagtawag ko? "Thurstin?"

Matiim ang tingin ni Thurstin kay Buja. "What can we do? Will you help us? I can pay."

Sumaltak si Buja. "Money doesn't matter. Go back to Max while i'll finish her documents. By tomorrow afternoon you can leave Laayoune. Let's pray to Allah that the Vuldus won't heard of this. If not... i do not know what will happen."

Tumalikod na si Buja at nagtungo sa harap ng computer niya.

Tumingin si Thurstin sa kin. "Nakausap mo si Cole?"

For some reason, malambot ang expression ng mukha niya Ah  yeah of course She's his bestfriend and the only love of his life.

Tumango ako. "At least nabanggit kong nandito tayo sa Laayoune bago naputol ang linya."

Tumango-tango si Thurstin bago bumitaw sa akin.

"Let's go back to the hotel. Kailangan kong makausap si Max."






***






Thurstin's POV


Kinausap ko saglit si Buja bago kami umalis. Sinigurado kong mapapagkatiwalaan ang lalaki. Sa totoo lang ay naghihinala ako sa kanya. Na baka isa siyang masamang tao. Pero dahil nire-komenda siya ni Max at wala naman ibang taong pwedeng tumulong sa amin ay wala na akong nagawa. Isa pa, base sa reaksyon ng mukha niya, hindi niya gusto ang mga Vuldus.

Halatang galit si Buja sa pakikialam ni Kylie sa telepono pero hindi niya masisi ang babae. Hindi ko rin masisi si Kylie. Gagawin ko ang ginawa niya kung ako ang nasa sitwasyon niya.

Sinabi ko kay Buja na babalik ako sa kanya sa kinabukasan pero tumanggi siya. Siya na lang daw ang magdadala ng mga dokumento.

"I heard from Max that you can book us a flight," sabi ko. Sinusulyapan ko si Kylie na nakatayo malapit sa may pintuan at tahimik lang na nagmamasid.

"I can, just leave it to me. Don't ask anymore question," tila banas na sagot ni Buja.

Humugot ako ng hininga at nagpaalam na sa lalaki. We invaded his privacy too much. Time to disappear, i guess.

Lumapit ako kay Kylie at hinawakan siya sa braso niya. "Let's go." Nang tumango ang babae ay iniwan na namin si Buja.

Tahimik lang kami habang binabaybay ang eskenita papunta sa sub-road. Hindi nagsasalita si Kylie. Hindi ko rin naman alam kung anong iniisip niya. Kanina pa siya hindi nagsasalita.

Sabi niya si Cole daw ang nakasagot ng telepono. Cole. Feels like a long since I heard her name. Kamusta na kaya siya? Kung ako pala ang naglakas-loob na tumawag sa telepono, si Cole din kaya ang sasagot sa 'kin? Maririnig ko rin kaya ang boses niya?

I missed her.

Baka manghina ako kung maririnig ko ang boses ni Cole. Baka lalo akong ma-homesick. I think it's for the better na si Kylie ang nakausap niya. Kung makakausap ko si Cole, baka hindi ko na alam ang gagawin ko.

*sigh*

Nakarating kami ni Kylie sa main road na hindi nag-uusap. Binabagtas lang namin ang tabi ng kalsada na walang imik. Nakakapanibago.

Sumulyap ako sa babae nang hindi ako makatiis. Deretso ang tingin ni Kylie. Blangko rin ang expression ng mukha niya kaya hindi ko alam kung may iniisip ba siya o wala.

"Kylie... are you okay?" untag ko sa babae. Pero hindi sumagot ang babae kaya tinawag ko ulit siya.

"Kylie?" sabay tapik sa pisngi niya.

Bumakas ang gulat sa mukha ni Kylie. Agad siyang bumitaw ng hawak sa 'kin at bigla siyang lumayo nang may isang yarda. Napahinto tuloy ako sa paglakad. "Hey!"

Kylie blinked at me rapidly. "W-What are you doing?!" tila panic na tanong niya. Ganun ba siya kagulat sa pagtapik ko sa pisngi niya?

"What am I doing? Wala. Tinatanong kita kung okay ka lang. Hindi ka nagsasalita diyan."

"Well, I didn't hear you. Huwag kang manggulat!" nanlalaki ang mata niyang sabi. "Okay lang ako!" Pagkasabi noon ay naglakad siya ng mabilis. Iniwan niya ako.

Tsk! Ano na namang problema niya?

Sumunod na lang ako sa babae.

"Kylie, wait for me!" sigaw ko.

Bumagal bigla sa paglalakad si Kylie at napangiti ako nang lumingon siya na buhol-buhol ang kilay. "Pwede ba Thurstin Laurence, huwag mo akong tatawagin sa pangalan kong 'yan! Ilang beses ko bang sasabihin sayo?!"

"Nasa Spain tayo, Kylie. Walang nakakakilala sa'yo dito. Kahit ipagsigawan ko pa ang buong panga--" biglang tinapik ni Kylie ang bibig ko at hinila ang ilong ko. "A-aaw! Aray!" angal ko. "Oo na. Oo na. Titigil na!"

Gigil na siguro ang babae.

Matapos niya akong irapan ay naglakad na ulit siya pero this time, hinila na niya ang braso ko at sabay na kaming naglakad. Wew. Pagod na siya siguro.

"Kylie?" tawag ko sa kanya mayamaya.


"Hmmm?"

"Did you... Mmmm... Did you really talk to Cole? I mean, are you sure it was her?"



Saglit na natigilan ang babae at agad naman itong sumagot.

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon