Kylie's POV
Kinuha ko yung bagong labang damit na suot ko kahapon. Yung pang muslim clothes na galing pa sa matandang si Norudint, sana ligtas siya. Mabuti nga at nagkataong may laundry service ang hotel, despite its poor status.
Kinuha ko rin yung sabon at shampoo ni Thurstin. Maliligo ako, kating-kati na ako dahil sa alikabok. Tutal tulog naman ang bata at nasa ibaba si Thurstin. Pagkakataon ko na.
Pumasok ako sa C.R. As expected, mahina talaga ang tulo ng tubig sa shower. Wala rin namang bathtub kaya wala akong choice kundi yun ang gamitin.
Naghubad ako ng damit at tumapat sa tubig na every ten seconds bago muli tumulo. Baka limang oras bago ako matapos maligo nito haaaays.
Habang nakatapat ako sa tubig ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang nangyari sa akin nitong nagdaang mga araw. Ni sa masamang panaginip ay hindi ko naisip na mangyayari sa akin ito.
Yung pagbagsak ng eroplano. Habulin ng mga bandido. Paglalakad sa desyerto. Habulin ulit ng mga bandido. Magkasakit at kung ano pa.
I'm a supermodel. Who would have thought I would experience this dangerous thing in my glamorous, comfortable, and safe life?
A safe life, my ass.
Eh hayan nga, kung wala si Thurstin... saan na kaya ako pupulutin nito? Baka dun pa lang sa eroplano eh natigok na ako.
Wala akong survival skills, yun ang totoo. Ewan ba? Imbes na pakinggan ko ang Scout Master ko noon sa Girl Scout na nagturo tungkol sa survival, eh nag-focus pa ako sa mga magazine ng makeup at mamahaling damit.
O ngayon? Hindi ako mailigtas ng mga makeup up. Ni hindi ko sila makain kahit nagugutom na ako.
Napabuntung-hininga ako habang nagkukuskos ng shampoo sa buhok. Nanggigigil ako. Feeling ko ang tanga-tanga ko at wala akong alam. Kung si Cole siguro ang nasa pwesto ko baka matagal na silang nakaalis ni Thurstin sa lugar na 'to. Wala eh, pabigat lang ako.
Parang gusto kong sabunutan ang buhok ko. Nagse-selfpity na naman ako. Kinuskos ko na lang nang madiin ang balat ko.
Sana gumagawa na din ng paraan ang pamilya ko para makaalis kami dito. Gusto ko nang makita si Mommy at si Ate Annie. Siguradong naga-alala na sila. Baka magkasakit pa si Mommy sa kakaisip sa 'kin.
Haaaay.
Hindi ko alam kung ilang oras akong naliligo. Kung saan-saan kasi pumupunta ang iniisip ko. Minsan kay Norudint, tapos sa mga pasahero, tapos balik ulit sa pamilya ko, pero madalas si Thurstin ang nasa isip ko. At kahit anong taboy ko sa kanya sa isip ko eh para siyang langaw na balik nang balik.
Ang ending, tumagal nang tumagal ang paliligo ko. Kung hindi pa may kumatok sa pinto ng C.R. ay hindi ako titigil.
"Who's this?" tanong ko.
"Mmmmm..." ungol lang ang narinig ko.
"Thurstin, ikaw ba 'yan?"
Pero walang sumagot.
Nagmamadali akong nagbihis bago binuksan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang batang babae na nagkukusot ng mata. "Oh! You want to use the comfort room, kid?" tanong ko. Kaya naman pala walang nagsasalita. Yung bata pala.
"Luscrea," biglang anas ng bata.
"Huh?" gulat kong sabi dahil nagsalita ang bata.
"Luscrea is my name," aniya. Balewalang pumasok ang bata sa loob C.R. Naiwan akong natitigilan.
Nagsalita talaga siya. Sabagay noon pa naman nagsasalita siya eh pero hindi kami ang kausap niya kundi yung matandang kasama niya. Akala ko kaya hindi siya nagsasalita eh dahil sa lenggwahe lang nila ang alam niya. But it doesn't seem the case. Alam niya ang English, or at least the basic of it.
Nagkibit-balikat akong naglakad palapit sa may dresser at inayos ko na lang ang sarili ko.
Nagsusuklay ako ng buhok nang bumukas ulit ang pinto at pumasok si Thurstin na may dalang malaki tray. "O wow, nakaligo ka na? Matagal ba ako? Whoa! Asan yung bata?!" gulat niyang sabi nang makitang wala ang batang babae sa kama.
"Andun sa C.R. umiihi lang ata. Panic ka kaagad dyan," ingos ko.
"Bakit hindi? Natural lang yun sa magulang kapag hindi nakita ang anak nila," aniya habang inaayos sa mesa ang mga pagkain niyang dala.
"Wow. I bet you'll be the best daddy in the world, Thurstin..." sabi ko.
"Thank you!"
Mm. Insulto dapat yun eh.
Lumapit ako sa lalaki at tiningnan ang dala niyang pagkain. Puro gulay ang nakita ko. "What's that?" turo ko sa isang green-looking plant na parang damo.
"Seaweeds yan."
Pinigilan kong ngumiwi. Eew.
"Eh yan?" turo ko pa sa isa ring mukhang damong gulay.
"Spinach."
Oh. At least kumakain ako nun. May isda din doon pero hindi pamilyar sa 'kin ang isda.
"Saan galing ang isda? Kelan pa nagka-isda sa desyerto?" tanong ko.
Napatawa si Thurstin. "In-export yan galing pa sa Mauritania. Hindi yan nahuli sa Sahara, huwag kang mag-alala."
"Okay. Eh bakit walang kanin? At ano yan? Mais ba yan?"
"Wala tayo sa Asia, Kylie. Mahirap humanap ng bigas dito. Mostly, trigo lang ang meron sila kaya tinapay ang pangunahing pagkain ng mga tao dito. Buti nga may mais eh, alternative sa bigas. Nakagawa pa ako ng corn soup. You'll like that, i'm sure," anang lalaki.
"Sabi mo eh."
Mayamaya, lumabas ang bata sa C.R. Basa ang damit niya at mukha. Siguro pinilit maghilamos.
"Oh! Your clothes are wet," sabi ko. Kinuha ko ang damit sa paperbag. "Come here Luscrea, change your clothes."
"What Luscrea?" react ni Thurstin na tumingin sa akin.
"Her name," sagot ko. "Luscrea's her name. Nagsalita na siya kanina."
Ngumiti si Thurstin. "Hello, Luscrea! What a pretty name you've got!"
Ngumiti din ang bata. "It means light and guidance in Crypts," masiglang sagot ni Luscrea.
"Crypts?" maang na sabi namin ni Thurstin. Pero ngiti lang din ang sagot ng bata.
"I am Thurstin Laurence," pakilala ng lalaki.
Tinanggalan ko ng damit ang batang babae tinulungan siya na isuot ang mga damit na dala ni Thurstin. Nakangiti lamang ang bata sa akin habang siya ay binibihisan ko nang natapos ako ay Matagal na pala itong naka titig saakin.At tsaka ko lang na realize na hinihintay niya akong magpakilala ka agad naman akong nag pa kilala rito.
"Oh! I'm Kylie. Kylie Balin Leofwin," sabi ko. First time kong magpakilala na kasama ang second name ko na Balin pangalan Nakita ko pa ang pagngisi ni Thurstin kaya agad ko naman itong inirapan.
"Kylie? I like your name hehe," anang bata habang ito ay naka ngiti.
"Thank you, i like your name too." Hinaplos ko siya ang kanyang buhok..
BINABASA MO ANG
Trapped With you
RomanceShe's trapped with the man she hates the most... -- Kylie Leowfin is a beautiful, intelligent, and special model from Europe. She is living a happy life until she returns to the Philippines for the wedding of her cousin. While there, she meets Thurs...