12

5 0 0
                                    

THURSTIN'S POV





Lumabas ako ng kuwarto na napansin kong may numerong 202. Nasa second floor ako kung ganun. No need to use the elevator. I just jogged my way to the stairs.

Maliit ang hallway ng hotel. Katunayan na hindi ito isang five star hotel. Though the designs are pretty classic and elegant, masasabi ko na highclass hotel din ang kinaroroonan ko. Just how much did I spend for a night in here? Jesus, Thurstin... nagtitipid ka diba?

Nang makarating ako sa main lobby ay nakita ko ang reception desk doon. Lumapit ako sa dalawang babaeng receptionist na nandun. Napansin ko na sa pader ay may malaking letterings ng 'Marion'. Could be the name of the hotel.

Marion.

So i'm in Marion. Sa pagkakaalala ko, ito yung hotel na katabi lang ng Bolivia.

"Good morning, Sir!" lively na bati ng receptionist.

"Hi! I'm from Room 202. Magchecheck-out na ako. Is my bill ready?" tanong ko.

"Ay Sir. Paid na po kayo. You don't have to worry about the bill."

Huh? Bayad na ako? Nagbayad na ako kagabi?

"Really? Geez. Nakalimutan ko yata, pasensya na."

Ngumiti ang babae. "Okay lang, Sir. Hindi niyo talaga matatandaan. I saw your state last night. Yung girlfriend niyo po ang nagbayad ng bill."

Nahindik ako sa sinabi ng receptionist. Para akong dinagukan sa likod. Girlfriend. May babae akong kasama kagabi? Did i suddenly pick up for some random girl?

Did we have sex?

Yay! Impossible. Wala naman akong naramdaman sa katawan ko.

"Really? My girlfriend?"

"Yes Sir. Miss Clai paid for it early this morning when she left."

Clai. Clai.??

That doesn't sound familiar. Who's Clai?

Napakamot ako sa ulo ko pero napapiksi ako nang maalala kong may bukol ako sa ulo. Tch. That Clai... hinampas ba niya ako?

"Mmm. Do you know if Clai... gave you a direct contact number or address? Referential information?" tanong ko.

"Pasensya na, Sir. Wala po. She left in a hurry. She paid through credit card."

Tumango tango ako. Tatanungin ko sana kung anong hitsura nung Clai na yun pero naalala kong "girlfriend" ko siya. Baka mahiwagaan ang receptionist sa itatanong ko.

There's only one person who can tell me who might be that Clai was.

Ej, that friggin' bartender

.

Lumabas ako ng Marion at nagtatakbo sa kalapit na Bolivia. Bukas pa rin ang bar kahit sa araw. Restaurant din kasi ito.

Nakasalubong ko ang bouncer sa may entrance. Binati niya agad ako. "Boss! Bumalik ka?"

"Si Ej, umuwi na?" tanong ko.

I'm a regular customer at Bolivia, no wonder kilala ako ng mga employees. Now baka sabihin niyo lasenggero ako. Hindi naman sa ganun. Kaibigan ko ang may-ari ng Bolivia. That's the reason why I'm a regular at this place.

Ngumisi ang bouncer bago umiling. "Nasa counter pa rin. Nagpapayaman yung batang yun di ba? Twenty four hours ang trabaho nun."

"Buti hindi pa siya namamatay?" ngisi ko.

"Masamang damo yun. Matagal pa bago kunin ni Lord," tumatawang sagot ng bouncer.

Umiling-iling ako bago nakipaghi-five sa bouncer at dumeretso sa loob ng Bolivia.

Nakita ko agad ang pakay ko na nasa counter nga at nagpupunas ng baso. Umupo ako sa stool doon bago tinawag ang pansin ng binata.

"Hey, Ej!" untag ko sa lalaki.

Ej turn around and when he saw me, his brow suddenly rose up. "Sir  Thurstin, buhay ka pa pala?" sabi niya. He set aside glass and took another to polish.

"Barely, Ej. Barely," sagot ko. "Duty ka pa rin hanggang ngayon?"

Ej shrug his shoulder. "Kailangan ko ng pera."

"Di ba galing ka sa mayamang pamilya?"

"Tinakwil Nila ako eh."

"Hindi ka nila tinakwil. Lumayas ka kamo."

"Parehas din Yun."

Ayon sa kuwento ni Ricky, yung kaibigan ko na may-ari ng Bolivia, galing daw sa mayamang japanese family itong si Ej Kaso lumayas daw, napressure sa magulang. Siya kasi ang tatayong tagapag mana ng lahat ng kayamanan ng pamilya matapos nauna nang umalis ang nakatatanda niyang kapatid na lalaki. 

Ayos lang naman daw sana kay Ej na umako sa responsibilidad, ang hindi lang daw matanggap ng lalaki eh lagi siya ikinokompara ng magulang sa kuya niya. Yung kuya niya na naging independent at ayon na rin kay Ricky ay naging lawyer at legal adviser sa isang international multicompany. His brother's success despite being independent crushed Ej's confidence. Ayon, lumayas din siya at ginustong maging independent.

That's the reason why I felt sympathy towards Ej. Somehow, nakaka-relate ako sa kanya.

"Penge ngang tubig!" sabi ko sa binata.

The young man gets a glass of water for me. "I thought the woman devoured you alive," komento ni Ej nang iabot ang baso ng tubig.

Kinunutan ko ng noo ang lalaki. Sinasabi ko na nga ba eh, may alam siya. "So you saw her! The woman who took me out last night!"

Kumiling lang ng ulo si Ej bago ipinagpatuloy ang pagpapakintab sa mga baso. "Of course I saw her. Nakita ko kung paano ka humilig sa balikat niya at inamoy-amoy ang leeg niya."

Nanlaki ang mata ko. "Hoy anong sinasabi mo?!" turo ko.

Walang ekspresyon ang mukha na nagpatuloy lang si Ej sa pagpupunas ng baso. "It's true. Lasing na lasing ka. Inagaw mo pa ang iniinom niyang scotch tapos ikinuwento mo sa kanya ang napakadrama mong buhay pag-ibig at kung paano ka nasawi."

Umuugong ang tenga ko dahil sa rebelasyon ni Ej. Hindi ako makapaniwala na yun ang ginawa ko kagabi.

"Imposible," iling ko. "Hindi ako ganun! You're just making stories up, Ej."

"Bakit? Ano namang mapapala ko kung gagawan kita ng kuwento, Sir?" ingos ng lalaki. "Ikakayaman ko ba?"

Shit! I really did those things?? Really?!

"But... but... I can't remember anything!"

"Well, you're drunk Sir. That's the use of alcohol. Make you forget things until you dump shits," walang buhay na paliwanag ni Ej. Yung expression ng mukha niya parang sinasabing 'Ang tanga mo, Sir'.

Jezuuz.

Naihilamos ko ang palad ko sa mukha nang wala sa oras. Parang nawalan ng lakas ang tuhod ko. "May kape ka ba dyan?" tanong ko sabay yupyop sa counter.

"Bar 'to Sir, Hindi Starbucks..." sagot ni Ej.

Great.

Isiniwalat ko sa isang estrangherong babae ang itinatago kong lihim na pag-ibig. Geez. Kung sinuman ang babae na yun na siya ring nagdala sa 'kin sa hotel, alam na niya ang lihim ng puso ko.

That I'm this pathetic man who fell for his best friend. Kung bakit ba naman kasi sa dami ng babae, kay Cole pa talaga ako na-inlove. That's just so pathetic of me.









































































































Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon