39

6 0 0
                                    

Kylie's POV



"Ito na yun no?" sabi ko.

Nagkibit balikat lang si Thurstin bago kumatok sa pintong kahoy. Nakarinig kami ng yabag mula sa loob at mayamaya pa ay bumukas ito. Sumungaw doon ang isang may kaliitang lalaki.

Agad din niya iyong sinarhan nang makita kami ni Thurstin. Halatang takot ang lalaki, pero humara na agad si Thurstin bago pa man iyon tuluyang sumara.

"Wait! Wait!" sigaw ni Thurstin.

"Go away!"

"Maximiliend send us here!"

Sukat sa pagkarinig sa pangalang Maximilien ay muling bumukas ang pinto. "Max you say?" anang lalaki sa tinig na di makapaniwala.

"Yes, you're Buja right?"

"You foreign?" tanong lang ng lalaki na tiningnan kami mula ulo hanggang paa.

"Yes. And we need your help, we need documents. Max said you can help us."

Hindi maipinta ang mukha ng lalaking tinawag na Buja. Parang ayaw niya kaming tanggapin pero dahil kay Max eh wala siyang magawa. Humugot ng hininga ang lalaki bago tumingin sa paligid.

Nang masigurong walang ibang tao ay pinapasok niya kami sa loob ng bahay niya.

"Come. Fast! Faster!" Nag mamadali nitong tugon.

Agad din niyang isinara ang pinto nang makapasok kami.

Nang makapasok kami ay saka ko lang napagmasdan ang buong silid. Maliit lang ang kuwarto na ginagamit ni Buja at parang pinaghalong kusina at opisina ang silid. May lababo sa gilid, may maliit na lamesa, may mga kabinet, mga salansan ng papel, desktop at laptop sa isang tabi at ilan pang appliances na hindi ko alam kung para saan. Siguro ginagamit pangi-imprenta ng kung anu-ano.

Maliit ang silid, tamang-tama lang kay Buja na maliit lang din na lalaki. Hindi ko alam pero naalala ko sa kanya si Aladdin dun sa disney movie. Kung magiging tunay na tao si Aladdin, ganun siguro ang itsura niya.

Pinaupo ako ni Buja sa isang maliit na silya. Muntik pa akong bumaliktad dahil mukhang sira yung isang paa nung silya. Buti na lang maagap si Thurstin na saluhin ako.

Napailing na lang ako kay Thurstin dahil mukhang walang pakialam si Buja kung muntikan man akong mahulog sa sahig.

"So what can I help you two?" tanong ni Buja na tumayo sa tabi ng lababo.

"We need documents," maagap na sagot ni Thurstin.

"Like what?"

"Passport, visa. We need it A.S.A.P. Max said you're good at falsification "

"For the two of you--"

"No, just her..." muwestra ni Thurstin sa akin.

Matagal na tumitig si Buja sa akin. Hindi naman ako nailang dahil tila blangko ang expression ng mukha niya. Parang trip lang niyang titigan ako, ganun.

Mayamaya ay may hinugot na papel si Buja at inabot sa kin. "Fill it up. Just for information. What is your country?"

"Philippines," sagot ko.

"O! Filipino," ani Buja. "I'm sorry but i have no philippine passports available."

"You can use any country," sagot ni Thurstin.

"I'm using Spain then. You look a bit hispanic Mam," ngisi ni Buja sa akin. Hindi ako nagsalita. Medyo nahihilo ako dahil sa sikip ng lugar. Binasa ko na lang yung papel na inabot ng lalaki. Basic information lang ang kailangan doon. Pangalan, address, birthday etc.

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon