Kylies's PoV
It was such a great relief that I am five feet nine tall, medyo hindi ako nahirapan na kaladkarin---
I mean, alalayan ang bastardong Thurstin na 'to. Ang laki-laki pa naman niyang lalaki.
Nakakahiya lang kasi pinagtitinginan ako ng mga tao. May mga babae pang ang sama ng tingin sa 'kin, akala yata nila pinatulog ko tong unggoy na lalaking 'to para pagsamantalahan.
"Ibang klase na talaga ang mga babae ngayon. Gagawin ang lahat maakit lang ang lalaking gusto nila kahit ayaw sa kanila."
Susugudin ko sana ang nagsalita na yun eh, hindi ko lang mabitiwan si Thurstin. Hindi ako desperado sa lalaki gaya nila. Huwag nila akong itulad sa mumurahing babae. Cheap.
Kung hindi lang talaga ako nakokonsensya, iiwan ko na si Thurstinsa tabi ng kalsada dahil hindi biro ang bigat niya. Sumasakit ang balikat ko pero wala akong magawa kundi ang alalayan ang lalaki hanggang sa kalapit na hotel ng Bolivia, ang Marion.
Hindi naman ganun kalayo ang Marion, mga ilang metro lang siguro. Nahirapan lang talaga ako dahil halos hindi humahakbang si Thurstin kahit hinihila ko siya.
"Thurstin!" untag ko sa lalaki sa pag-asang mahuhulasan siya. But the man kept on sniffing my face and neck, ni hindi siya nagmulat ng mata. Gigil na gigil ako. Itatapon ko na siya sa basurahan kung hindi lang ako nakita nung guard sa Marion.
"Maam!" takbo nung guard palapit sa 'kin. "Tulungan ko na po kayo!" At kinuha niya ang braso ni Thurstin para alalayan ang lalaki.
Napangiwi ako sa sakit ng balikat ko. Geez. Hindi pwedeng magka-muscle cramp ako. Maaapektuhan noon ang paglalakad sa runway pag nagkataon. Buwisit kasing Thurstin 'to!
"Fvck you!" biglang sabi ni Thurstin habang papasok kami ng hotel.
Gulat na napalingon sa akin ang guard. "Minumura ba niya ako, Mam?"
Thurstin was pointing at nowhere. Umuungol siya at nagsasalita nang kung anu-ano.
"Why the fvck are you so stupid!? Lame! Coward. Bastard son-of-a... no, my Mom's not a bitch. Sorry, Mom."
Bumuga ako ng hangin.
"Minumura niya ang sarili niya, huwag kang mag-alala," sabi ko sa guwardiya na mukhang dinamdam ang pagmumura ni Thurstin.
"Boli tolkova mnogo! Mamka mu! Fvck!"
Sabay kaming nagtinginan ng guwardiya dahil sa binigkas ni Thurstin.
"Did he just mutter foreign words?" Sabi ko.
"Siguro Maam! Hindi naman tunog bisaya yung sinabi niya!"
Tumitig ako sa lalaki. Nakatungo si Thurstin pero kita kong nakapikit siya nang madiin. Namumula pa rin ang mukha at leeg niya patunay na lasing na lasing pa rin siya.
My god. Ang sakit sa batok ng lalaking 'to. At nagtutungayaw pa yata siya in foreign words. Ano bansa kaya yun? Pamilyar sa 'kin pero hindi ko matukoy kung ano sa partikular.
The words are like Russian but more breathy. Damn! Anong lahi meron ang Thurstin na 'to?!
Nang makarating kami sa lobby ng Marion ay agad akong humingi ng silid para sa lalaki.
"We have a deluxe room for two, Mam. Special for lovers like you," ngiti ng receptionist.
Umasim agad ang mukha ko. "Do we look like a lovers to you!?" singhal ko.
"We did!" singit ni Thurstin na halatang nagsasalita nang wala sa huwisyo. Kumukumpas-kumpas siya sa hangin. "We are! V mechtite mi. No, razbira se, ne sme."
BINABASA MO ANG
Trapped With you
RomanceShe's trapped with the man she hates the most... -- Kylie Leowfin is a beautiful, intelligent, and special model from Europe. She is living a happy life until she returns to the Philippines for the wedding of her cousin. While there, she meets Thurs...