15

5 0 0
                                    

Kylie's POV

"Thurstin?" I muttered.

Thurstin was standing tall separating me from press people as if protecting me. Napatitig ako sa mukha niya. His eyes were menacingly glaring at the media. Parang galit siya. Mahigpit din ang kapit ng lalaki sa braso ko.

"What's wrong with you people?!" sigaw niya sa natitigilang media. "She already answered your question, now give her rights and some privacy! Nakakahiya kayo."

Thurstin glared at the reported who grope my arm. "From what network are you, alam mo bang pwede siyang magreklamo sa ginawa mo? That's harassment! You touch her without permission!! Mawawalan ka ng trabaho!"

Gumuhit sa mukha ng reporter ang guilt at takot. "I'm sorry, Sir, Maam. Hindi ko sinasadya."

Hindi daw sinasadya. Bitch. Gusto niya yatang sapakin ko siya para maalala niyang sinadya niya ang lahat.

Tumingin si Thurstin sa mga guards. "What are you guys doing!? May hinaharass sa harap niyo, nakatayo lang kayo! You dare calling yourself security!"

"Sorry Sir!" sabi agad ng isa sa mga guwardiya.

"If you're sorry then do your job right!"

Napatitig lalo ako kay Thurstin. Wow. Galit siya? Galit siya kasi na-harass ako? Magpa-party na ba ako? Bati na kami? Last time i know, tinulak niya ako sa unggoy-- i mean, orangutan na kinatatakutan ko. He's mean as fvck. So why change now?

In all fairness, na-touch ako ng slight. This guy who probably hated me and my guts, heto at pinapagtanggol ako. He's acting like my personal guard. Very nice!

Biglang humigpit ang kapit ni Thurstin sa braso ko at bumaling siya sa 'kin. Napamulagat ako kasi ang guwapo niya-- i mean, ang hot niya-- este, nakakunot ang noo niya at parang galit siya sa 'kin.

"Are you okay?" sabi niya.

Na-offguard ako. Galit yung mukha niya pero parang nag-aalala yung tinig niya.

Ngumiti ako. "I'm good," sabi ko.

Lalong kumunot ang noo ni Thurstin. "Bakit ka ngumingiti?!" singhal niya.

"Huh? Bawal?" Nabaghan ako.

"Who are you, Sir?" tanong bigla ng isang reporter. "Are you her new boyfriend?!"

Lalong kumunot ang noo ni Thurstin. "And what if i am? Do we have a problem?"

Nagbulungan ang mga tao na tipong di makapaniwala sa sinabi ni Thurstin at napatawa na ako. Kahit nagulat ako sa sinabi niya, mas natawa ako. Yung expression kasi ng mukha niya.

"Huwag kang ngumiti dyan," sabi ni Thurstin at kinuha niya ang handbag na dala ko tapos bumaling siya sa press. "The interview is over so fuck off!!" sigaw niya.

Pinigilan kong tumawa. This man just doesn't care. He's just telling the media to fuck off. Watta brave man.

Hinila na ako ni Thurstin palayo sa media at papasok sa dereksyon ng departure area. Pangiti-ngiti lang ako dahil... wait. Bakit nga ba ako pangiti-ngiti?

"Hold up! Hold up!" sabi kong tumigil sa paglalakad. Hawak pa rin ni Thurstinang braso ko at nung makita niya yun ay binitawan niya din agad yun na parang napaso. "Anong ginagawa mo dito, Thurstin Laurence!?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

Tumaas din ang kilay ni Thurstin, at dalawang kilay pa, take note.

"Ano bang ginagawa ng tao sa airport?" sabi niya.

"Aba malay ko. Baka ini-stalk mo ako?" sagot ko.

Automatic na umikot ang mata ni Thurstin. "Excuse me? Mas gugustuhin kong i-stalk yung mga unggoy kesa sayo. Hindi ka naman maganda."

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon