44

6 0 0
                                    

Kylie's POV




"Stop!" galit niyang sabi sa mukhang manyakis na lalaking sunod nang sunod sa 'kin. Nakatutok sa kanya ang baril na hawak ni Thurstin. Napataas na lang siya ng kamay. Samantalang nagtatakbo palayo yung matabang kasama niya.

"Señor..." anang lalaki na naiwan.

"Why are you following my wife?" ani Thurstin.

Nakakatakot ang expression ng mukha niya. Kita ko ring habol niya ang hininga niya. Kanina pa ba niya ako hinahanap? He got this uneasy and tired expression on his face.

"Lo siento...lo siento!" nanginginig na sabi ng mukhang manyakis na lalaki.

"Thurstin!" sigaw ng kung sino sa may likuran namin. Paglingon ko, nakita ko si Maximilien na tumatakbo.

"M-Maximilien..." mahinang anas nung lalaking humabol sa akin. Gumuhit ang takot sa mukha ng lalaki at nang makitang papalapit si Maximilien ay bigla siyang tumakbo palayo. Bakas ang malaking pagkatakot sa lalaki. Halos madapa-dapa ito.

Oh? Takot siya kay Max?

Ibinaba ni Thurstin ang baril na hawak niya at iniabot kay Maximilien nang makalapit ito sa amin. "Thanks for this." Nag pasalamaat nitong tugon kay max.

Kinuha ni Maximilien ang baril at tumango bago lumingon sa akin. Saktong tumingin din si Thurstin sa akin kaya pakiramdam ko bigla ay nasukol ako. Lalo na at galit ang expression ni Thurstin.

"W-what?" Sabi ko. Sinubukan kong kumalas sa hawak ni Thurstin pero mas hinigpitan niya ang hawak niya sa akin.

"Anong nangyari? Bakit nawala ka dun sa garahe?" madiing tanong ni Thurstin sa akin.

"S-Sorry..." parang pusang sabi ko. Tumungo ako dahil nagbabaga ang tingin ni Thurstin. "Naiinip na kasi ako eh---"

"NAIINIP?! HINDI MO MAN LANG BA NAISIP YUNG TAKOT KO NUNG HINDI KITA MAKITA DUN?!" biglang sigaw ni Thurstin. Napapitlag ako sa gulat. "KYLIEEE NAMAN! YOU'RE NOT A KID ANYMORE! DON'T JUST GO AND WANDER ANYWHERE YOU WANT JUST BECAUSE YOU'RE BORED!!"

Lalo akong napatungo. Hindi ko naman alam na ganun siya maga-alala eh.

Humugot ng hininga si Thurstin at ibinuga yun.

"Kylie, please... Huwag mong gawin yun. You have no idea how worried i was nung hindi kita masumpungan! Akala ko kung napano ka na. So please!" Mahinahon na yung boses ni Thurstin.

Tumango tango ako. "Sorry. Kasalanan ko. Tumingin-tingin lang naman ako sa Market eh. Hindi ko naman intensyon magtagal. Naligaw lang ako at... at yun nga... may nangursunada sa 'kin kaya nagtatakbo ako sa takot---"

Next thing I knew, humigpit ang yakap ni Thurstin sa akin at nanlaki ang mata ko. Kumabog din lalo ang dibdib ko.

*Dug dug dug dug dug dug*

Narinig kong sumipol nang malakas si Maximilien. "Looks like the sandstorm is over," aniya.

Napangiti na lang ako at gumanti din ng yakap kay Thurstin. "Salamat. Salamat kasi nandyan ka. I never appreciated people before, really. But i'm saying this from my heart. Thank you, Thurstin Laurence Piers. For all your effort in saving me."

Biglang humiwalay ng yakap si Thurstin at weird na tumitig sa mukha ko. Nakakunot ang noo niya nung hawakan ang noo ko. "May lagnat ka ba ulit, Kylie? Bakit parang nagdedeliryo ka?"

Napatawa ako. Gumaan ang pakiramdam ko nung marinig na tinawag ako ni Thurstin na Kylie. "I'm good," sabi ko.

Lumingon ako kay Maximilien. "Muchos gracias, Max..." sabi ko sabay ngiti.

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon