17

7 0 0
                                    

Kylie's POV



Thurstin ordered different types of chinese food. Take note, dinamihan niya. Tipong the last kain na namin. Palibhasa malakas ang loob niya dahil hindi siya ang magbabayad.

"Kain ka lang dyan, Kylie. Sixteen hours ang next flight natin. Mabuti nang busog habang nasa ere," aniya.

"Kakain talaga ako dahil ako ang magbabayad!" piksi ko.

"Ows?"

Sipain ko kaya ulit 'tong kumag na 'to!

Imbes na pansinin ay kumain na lang ako nang kumain. Pambawi dahil next days, diet na naman ako. Papatayin ako ni Rosie kapag kumain ako kahit konting kanin kaya susulitin ko na.

"Chinese dumplings are really good, especially with these spices..." nguyngoy ko habang sino-shoot sa bunganga ang mga pagkain. "Even this noodles, I don't know what this called---"

"Its Xian Xang Noodle," agaw ni Thurstin. "Southern dish 'to."

"Yeah. Ang sarap ng sabaw! Huhu"

I took the bowl and drink the soup from it. Walang poise pero i don't care. I just need to eat heartily.

"Matakaw ka pala?" manghang sabi ni Thurstin na nakatitig sa akin nung maubos ko yung isang bowl ng Xian Xang Noodle.

"Huh? Ngayon lang 'to," sagot ko. "Once na nandoon na ako Europe, baka kahit kapiranggot na kanin hindi ako makasubo."

Kinuha ni Thurstin ang plate ng stir-fry vegetables at nilagay sa tapat. "Kumain ka pa, nakakahiya sayo. Kawawa ka naman pala dyan sa trabaho mo. Bakit nagtiyatyaga ka dyan? Kung si Cole yan...." natigilan si Thurstin at nakita kong dumiin ang hawak niya sa chopstick.

Lol. Banggitin ba naman si Cole.

"Si Cole feeling ko hindi niya kaya ang trabaho ko. Pero yung kakambal niya, i heard model din yun..." sabi ko na lang.

Bumuntunghininga si Thurstin bago muling sumubo ng dumplings. "Nicky, yeah. She's quiet famous."

"Not as famous as me, i bet!"

Umikot ang mata ni Thurstin. "Because you're a giraffe. Kung hindi ka ganyan katangkad, hindi ka rin makakapasok sa modelling world."

Bakit ba napaka-blunt ng lalaking 'to? "Anong gusto mong sabihin, na matangkad lang ako ganun? Excuse me, Mister! Kailangan din ng talent sa pagmomodel!"

"Gaya ng ano? Talent sa paglalagay ng kolorete sa mukha? Pagsusuot ng mamahaling damit?"

Heto na naman kami.

"Alam mo malapit na kitang tusukin sa mata nitong chopstick ko," sabi ko. Grabe. Halatang ayaw niya sa kin eh.

Tumawa lang si Thurstin sa banta ko.

Bumaling ako sa pagkain ko dahil iinit lang ang ulo ko pag nakipagtalo ako sa lalaki, kaya lang nagulat ako dahil...

"Waah!"

Napatayo ako sa upuan ko. May katabi na kasi akong bata.

"Sino ka?!" sigaw ko.

Thurstin took my arms. "English, Kylie. Hindi siya mukhang Filipina," medyo nagtatawa ang lalaki at gusto ko talaga siyang batukan kung hindi niya lang hawak ang braso ko.

Hinila ako ni Thurstin palapit sa kanya bago bumaling sa batang babae na parang sumulpot lang doon sa puwesto ko. "Hey kid, what's your name? Where are your parents?"

Dumikit ako kay Thurstin at humawak ako sa braso niya. Nagulat kasi talaga ako dun sa bata. Ni hindi ko naramdaman ang paglapit niya. Ano? May sa engkanto ba ang batang 'to? Base dun sa damit na suot niya, siya rin yung batang sumusunod sa kin kanina pa.

Trapped With youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon