Kylie's POV
Tumagal ang pag-uusap ni Thurstin at Maximilien sa loob. At nainip ako kaya tumayo ako sa at naisipang lumabas ng garahe. Mukhang tatagal pa ang usapan nila kaya minabuti kong maglakad-lakad at tumingin sa paligid.
Sabi ni Thurstin, central commercial district daw ng Old Town ang lugar na 'to. Pansin ko naman yun dahil sa samu't saring paninda na nasa gilid ng kalsada.
Parang tiangge sa Pilipinas, mas kaunti nga lamang ang tinitinda at mamimili. May mga damit, kalimitan ay damit na pang-muslim. Palibhasa ay muslim din ang magtitinda.
Sa kanang bahagi ng kalsada ay naroon ang mga muslim. Marami silang tindang gamit sa bahay, mula sa mga lutuan, sandok, may mga batong inukit na hindi ko alam kung para saan. Hanggang sa carpet, vase at payong na kahina-hinalang binebenta nila samantalang di naman umuulan sa Sahara.
Nakakatuwang pagmasdan ang masayang kalakalan. Maya't maya ang sigawan ng mga mamimili at tindero. Siguro nagtatawaran sila sa presyo.
Sa kaliwang bahagi naman ng kalsada ay nanduon ang mga spanish merchants. Nagtitinda din sila ng kung anu-ano. Bagaman at napansin ko na large scale business ang ipinundar ng mga Espanyol sa Old Town, gaya ng Barber Shop, Salon, maliit na restaurant ng Churros, candy shop, sapateros. Meron ding tindahan ng modern appliances, cellphone at mga modern na damit. Mas maiingay mag-usap ang mga espanyol kesa sa mga muslim.
"Señora, una hermosa bufanda para ti," tawag bigla ng isang lalaking spanish merchant sa akin. Tinuturo niya yung scarf na binibenta niya. Lumapit ako sa puwesto niya at pinagmasdan ang mga lady scarf na may iba't ibang burda at kulay.
"These are pretty," komento ko. Maganda kasi talaga ang kalidad ng pagkakagawa nung scarf. Halatang handmade. "Wow, these are like Chanel's and Prada's scarf!" I know that because I owned several of them.
Humanga ako sa kung sinumang gumawa noon.
"Estos son importados de Cataluña!" masiglang sabi ng tindero. Import daw mula sa Catalonia ang mga scarf.
Wow. Kung mula Catalonia ito, sobrang swerte naman kung mabibili ko 'to. Catalonian scarf was considered as art and it was rare.
Malambot ang material na ginamit, parang silk. Pero high-grade silk. Ang mahal siguro nito.
"How much are these?" tanong ko. Type ko yung scarf na may golden sunflower stitches.
"Two thousand Moroccan Dirham each!"
"Two thousand?" Napangiwi ako.
Five dollar lang ang meron ako, yun ang binigay ni Thurstin sa kin kanina.
"I only have five US dollar here," sabi ko.
Natigilan ang tindero nang marinig ang sinabi ko. Halatang nagulat siya at tinitigan niya ako nang matagal.
What? Eh sa 'yun lang ang meron ako ngayon eh. Mayaman ako, oo pero nasa bangko ang pera ko eh anong magagawa ko?
Matagal na tumitig ang tindero sa 'kin . Medyo kinabahan nga ako ng kaunti eh. Pero maya-maya'y may tinawag siya mula sa may likuran. "Roberto, ¿cuánto es veinte dirham marroquíes en dólares estadounidenses?"
May ilang segundo ang nakalipas ay sumulpot sa isang maliit na pinto ang isa pang mas matandang lalaki. Tumingin siya sa akin gaya ng pagtitig nung tindero. Tapos ay ngumiti siya sa kasama niya.
Base sa pagkakaintindi ko, tinanong nung tindero kung magkano ang twenty dirham sa dollar currency. Yun ang tanong nung tindero kanina.
"Khmst dularat kafiat lilsayida," anang matandang lalaki. For some reason hindi siya sumagot sa spanish language. Mukhang arabic ata yun.
BINABASA MO ANG
Trapped With you
RomanceShe's trapped with the man she hates the most... -- Kylie Leowfin is a beautiful, intelligent, and special model from Europe. She is living a happy life until she returns to the Philippines for the wedding of her cousin. While there, she meets Thurs...