@ursinichi
Thank you again, until next time sky with an E.
Nagulat ako ng mag comment ang iba naming kaibigan sa kanyang tweet. Lalo na ang mga kaibigan niya.
@Axeitheo: follow back naman po papi @ursinichi.
@arenjace: wtf?
@axeitheo: nangyan, hope langis.
Natawa nalang ako sa mga comment na nakikita ko, lalo na sa kanyang dalawang kaibigan.
maka paniwalang tatawagin niya akong skye, binabawi ko na ang sinabi kong panget ang second name ko. Actually favorite ko na yung name kong 'skye'.
@Askyedez
Thank you din shi with an N。◕‿◕。
Naisipan ko rin mag tweet, gulat nalang ako ng mag comment ang mga kaibigan ko.
@c_acelopz: mga taksil!
@itzme_eli: spill the tea, atea
@yes_ash: akala ko ba tayo ang nag kakaintindihan dito? U betray ne
Napuno na nila ang notification ko, wala naman ibig sabihin iyon. Kumain lang naman kami mag kasama nanood lang ng movies, pero kung kay shin lang naman nila ako gagawan ng issue why not di'ba.
Tumawag pa sila sa akin pero dahil antok na rin ako hindi ko na sila pinansin. May klase pa kami bukas, iisang school lang naman ang pinapasukan namin ni elise kaya for sure mag tatanong yon ng mag tatanong sa akin bukas, or baka naman nasabi na ng kuya niya sa kanya.
"So you're with kuya last night, huh" elise smirked, nan dito kami ngayon sa cafeteria.
Walang araw na hindi kami nag kikita dahil nasa iisang campus lang din naman kami, tapos siya lang din naman ang kaibigan ko rito.
"Its not what you think, walang nangyare" kontra ko dahil naka tingin siya sa akin ng nakaka asar.
"Bakit? May dapat bang mangyare?" She laughed. Para bang hindi naniniwala.
Okay akeira ikaw ang gumagawa ng kahihiyan sa sarili mo. Gusto ko lang sila pangunahan dahil alam kong iba ang mga nasa isip nila.
"Nag eexplain lang ako" saad ko.
"Funny, pero hindi ka naman nag eexplain sa ibang bagay" natatawang sabi ni elise.
"Hindi kaya" pakikipag talo ko.
"Okay, fine" iling ni elise at patuloy pa rin sa pag tawa.
Hindi naman big deal sa akin ang makasama si shin, dahil nanood lang naman kami at kumain ng mag kasama.
Pag napunta ako sa bahay nila elise or pag sinasama ako ng parents nila mag outing palaging hindi kasama si shin, dahil busy raw ito sa kanyang readings or sadyang ayaw lang daw talaga niya.
"Elise" tawag ko sakanya habang nakain ng carbonara.
"Hmm?" Tumingin siya sa akin habang puno ang bunganga.
"May tatanong ako, pero wag kang mag isip ng kung ano ano ha" pangunguna ko sa kanya.
"About what?" She raised her brows.
YOU ARE READING
Frame Of Mind (Sapience Series #2)
RomansaSapience Series #2 even her own mind she cannot understand, I can be the frame of her mind no matter how difficult it is to understand. "even if you are confused, I will continue to understand you, even if you can't read your own thoughts, I will c...