Shinsamuel:
Are you free tonight?
Halos makalbo na ako sa kakasabunot sa buhok ko, hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang siyang mag tatanong.
Akeiraskye:
Nag ccrave ka nanaman?
Shinsamuel:
Maybe i am:) so are u free?
Akeiraskye:
Yes, pero aattend muna akong practice sa church
Shinsamuel:
Sure, i'll pick you up later. See you:)
Hindi ko alam kung anong meron baka wala lang siyang makasama, pero ang alam ko may mga friends naman siya. Pero mag iinarte pa ba ako.
Pumayag ako na sunduin niya mamaya sa church, nag linis lang muna ako ng bahay at inayos yung kalat ko kagabi, pagtapos non ay naligo na rin naman ako kaagad.
I'm wearing a black crop top, and high waist maong pants, I also put on light make up so I don't look pale later.
[Hey, dadaanan kita jan labas ka na maya maya]
Tumawag sa akin si elise para sabihing dadaanan niya ako, actually sanay na ako dahil araw araw na rin naman kaming magkasama at paulit ulit na rin ang routine naming dalawa. Mag kikita kami sa campus at week ends naman ay susunduin niya ako rito sa bahay.
"Really? Kanina pa ako tumawag sayo tapos hanggang ngayon hindi ka pa rin bihis?" Reklamo ni elise, nakaupo lang siya sa sofa namin at halatang naiinip na.
"Sorry? Nag linis pa kasi ako ng bahay, tsaka maaga pa naman" ani ko.
"Yes maaga pa, 3:00pm ang practice akeira. 2:49pm na" buntong hininga niya.
Maaga pa rin naman hindi pa rin naman kami late. Nag seset sila ng call time pero sila mismo yung nalelate kaya mas okay na kami yung nalelate kesa kami yung nag iintay sa kanila.
"Anyway, may pupuntahan ako mamaya baka hindi ako makasabay" sabi ko habang nag lalagay ng eye liner.
"Saan ka naman pupunta? At sinong kasama mo?" Taas kilay na tanong ni elise.
"Secret" i chuckled.
"Ampota, sino nga?!" Sigaw niya pa.
"Your brother" i almost whispered but she already heard it.
"Holy shit! Really?!" Nag tatatalon pa siya.
Ito talagang babaeng to hindi na nawalan ng mura sa bawat sinasabi niya, bute nalang at kami lang yung nan dito sa bahay. Dahil sila mama at papa ay nasa trabaho ay si azriel naman ay sigurado akong kasama niya mga kaibigan niya.
"Oo pero wala naman yon" ani ko.
"Ulol" sabat niya.
"Ang iissue ah" napa iling nalang ako ay tumawa.
"Just kidding, okay lang yan samahan mo lagi si kuya para naman hindi siya nag iisa" aniya at kinindatan pa ako.
"Tara na nga" tumayo ako at nilagay ang sling bag sa aking balikat.
"Saan daw kayo pupunta?" Walang sawang tanong ni elise.
"I don't know, why don't you ask your brother instead" irap ko sakanya.
YOU ARE READING
Frame Of Mind (Sapience Series #2)
RomanceSapience Series #2 even her own mind she cannot understand, I can be the frame of her mind no matter how difficult it is to understand. "even if you are confused, I will continue to understand you, even if you can't read your own thoughts, I will c...