Chapter 23

19 58 3
                                    

"love, sleep for a while" nag aalalang sabi ni shin.



Nan dito kami sa condo niya, sabi nila mama ay lumabas na raw muna kami ni shin at sila na raw muna ang magbabantay kay azriel.




"Need ko mag review" sabi ko habang naka tingin sa reviewer ko.



"you can't understand anything if you don't rest your brain" he took my reviewer from me.



"Akin na! Kailangan kong mag aral" kunot noong sabi ko.



"You need to rest" he seriously said.



"Hindi ko kailangan magpahinga" kukunin ko na sana ang reviewer ko pero inilayo niya pa iyon lalo sa akin. "Ano ba, shin! Kailangan ko nga mag aral!" Sigaw ko.



"I want you to rest" inilalayo pa rin niya sa akin ang reviewer ko.



"Hindi nga kailangan di'ba! Hindi mo ba ako naiintindihan?!" I said out of rage.



"I'm sorry, love. I just want you to rest" nalungkot ang kanyang mukha. At bigla akong natauhan sa ginawa ko.



"Sorry" matamlay kong saad. "are you tired of understanding me?, Baka pagod ka na"


"No, of course not" tumabi siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisnge ko. "I love you" he kissed my knuckles.



Napangiti na lang ako ng tipid at kinuha ang reviewer sa kanya, hindi ko siya pinakinggan dahil kailangan ko na talagang mag aral. Ayokong bumagsak, ayokong madisappoint sila mama sa akin dahil ako ang inaasahan nila.



I don't know what to do anymore, I feel like my mind is very tired, pati pagod ko sa iba ko nalalabas. Walang ibang laman ang isip ko kung hindi paano matutulungan sila mama.




"Hi akeira" bati sa akin ni hyra, kaklase ko. Hindi kami masyadong close neto dahil ayaw ko sa ugali niya.



Nan dito kami sa room ngayon, may discussion bago mag exam, pero walang kahit na anong na pasok sa isip ko.



"Hi" bati ko pabalik pero hindi ako ngumiti.



"How are you?  Also, your relationship with Shin?" The side of her lips rose up.



Hindi ko alam kung bakit niya alam ang tungkol sa amin, at hindi ko rin alam kung bakit niya kilala si shin, dahil siguro lagi akong nagpopost ng picture naming dalawa ni shin.



"Ah, good" walang emosyon kong saad.



"Any ways, good luck sa exam" sabi niya bago umalis sa harapan ko.



Maayos naman ang trato ko sa iba kong mga kaklase pero itong si hyra ayaw ko sa kanya, sabi ng ibang estudyante dito ay bully rin siya.



After ng klase ay umuwi muna ako sa bahay para kunin ang ibang gamit na kailangan ni azriel, at para rin makuha ko yung iba kong reviewer. Bukas na yung exam kaya mag susunog ako ng kilay ngayon.



"Anak, umidlip ka muna" sabi ni mama habang nag titimpla ng kape.




"Hindi na po ma, bukas na po yung exam" sabi ko, hindi tumingin kay mama.



"Hindi ka namin pinepressure ng papa mo, gusto lang namin ay magaral ka ng mabuti" umupo si mama sa harapan ko. "Wag mo naman pabayaan sarili mo, anak"




"Opo" tumingin ako kay mama at binigyan siya ng tipid na ngiti.




Magdamag ako nag aral dahil exam na bukas, pinilit kong hindi matulog dahil ayaw kong mag sayang ng oras.



Frame Of Mind (Sapience Series #2)Where stories live. Discover now