Chapter 18

78 20 0
                                    


Good morning, Is your boss busy? tanong ko sa babaeng nasa frontdesk.

I'm here sa workplace ni Chloyd balak ko talaga siyang sorpresahin.

I know his place dahil minsan na niya akong dinala dito noon.

Nakakailang lang dahil sa mga titig ng mga taong nandidito ngayon.

Wala ba silang trabaho?

They should focus on their work at hindi kung saan saan tumitingin.

Bagong babae ni boss panigurado. rinig kong bulungan ng isa sa mga empleyado

Excuse me ma'am, ano pong pangalan niyo? May appointment ba kayo kay Mr.Learo? magalang na tanong niya sa akin

I don't have any appointment to him, but if he's busy then it's okay. Just tell him nalang na pumunta ako.

Sige ma'am, ano po ulit ang pangalan niyo?

Cassandra Le- hindi na niya ako pinatapos sa aking sasabihin sana nang bigla nalang itong sumabat

Ay! ma'am sorry po at hindi ko kayo nakilala. Girlfriend ka po ni sir diba? paniniguro niyang tanong 

Yes. simpleng sagot ko nalang sa kaniya

Sige ma'am ihahatid ko nalang po kayo. This way po..

Nakasunod lang ako kay ate habang naglalakad, pansin ko din na panay ang tingin niya sa akin.

May sasabihin kaba?

Ah ma'am kasi... ano po... huwag kayong maniwala sa mga bulong-bulongan kanina, hindi po yon totoo.

Ang alin?

Yung bagong babae ka po ni sir... Marami lang po talaga ang mga dumadalaw kay sir, ma'am. Makakaasa po kayong kahit isa sa kanila ay hindi niya kailan man pinatulan.

Bakit alam mo?

Kasi po, ako po lagi ang nag hahandle sa kanila pag-gumagawa sila ng mga eksena dito.

Ganun ba? buti at hindi sumasakit ang ulo mo sa kanila.

Kung alam mo lang ma'am! nang dahil sa kanila napagkakamalang playboy si sir.
napahinto na kami sa paglalakad

Ma'am hanggang dito ko nalang po kayo maihahatid.

Sige... Thank you, by the way may I know your name?

Adeline po ma'am.

You can go back to your work Adi, see you when I see you. nginitian ko muna siya bago ako nagpatuloy maglakad.

Habang papalapit ako sa opisina ni Chloyd, nakita ko siya mula sa aking kinatatayuan.

He's not alone, I saw a girl trying to sit on his lap.

Magagalit na sana ako nang bigla niya iyong itinulak dahilan para matumba ang babae.

Nang makatayo ang babae ay hindi lang man ito natinag at lumapit ulit ito kay Chloyd.

Nagulat ako ng bigla niya iyong sinakal, kita sa babae kung paano ito nagpupumiglas galing sa pagkakasakal ni Chloyd sa kaniya.

I can't stand there at panoorin lang sila, kaya ay nilapitan ko agad si Chloyd para itigil ang kaniyang ginagawa sa babae.

(Learo Series #1) Hello StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon