Kabanata 25

60 7 0
                                    

Dumaan ang mga araw at sobrang saya ko dahil wala lang ewan ko basta ang saya, gusto kong manatili na lang rito habang buhay kahit na medyo may hindi kaganhan sa mga nangyayari. May nagtangka nanamang dumukot sa akin habang nasa library ako. Mabuti at nasa banyo lang nun si Arcasio kaya nung lumabas siya mula ron, nagsialisan ang mga walang hiya.

Pinaghahanap ang mga nagtangkang dumukot sa akin sa librarya. Nang mahuli, ang rason pa nila e, nagbibiro lang naman. Katuwaan ba. Pero si Heneral, hindi nagustuhan kaya pinatapon sila sa rehas. Dalawang buwang pagkakakulong ang ibinigay sakanila ni Heneral.

Pero doon lang yata ako naging masaya. Masama ang mukha ko habang pinapanuod si Arcasio na nakikipag-usap sa isang matandang lalaki at isang dalaga na mukhang ka-edad lang rin namin. Narito ako sa ilalim ng puno, kumakain ng mangga na may bagoong kasama sina Kaloy.

"Sino 'yan?" tanong ko sakanila.

Bahagya silang umatras ng makita kung gaano kasama ang ekspresyon ko. Nakita ko pa nga ang paglunok ni Kaloy.

"Si Alyana at si Don Miguel." Sagot ni Kaloy. Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya dinagdagan niya rin ang sagot niya. "Yan yung dating...alam mo na, ano ni Heneral." Hindi niya masabi.

Sumama lalo ang tingin ko sakanila.

"May gusto dati iyan kay Heneral nung nag-aaral pa kami." Sabi ni Isagani. Magkaklase nga pala 'tong mga 'to. Pero ilang buwan lang nila nakasama si Arcasio dahil umalis raw ito sa pinapasukan nilang eskwela at nagkaroon ng sariling guro sa bahay nila. "Si Arcasio ganun rin."

"Ah, may gusto si Arcasio sakanya?" tanong ko at iritadong kumagat sa mangga-nasa dalawa na ang tingin ko. Ang babae malandi namang nagpapaypay ng abaniko. Alam ko ang iba't ibang galaw ng mga panyo kaya alam ko ang ginagawa ng babae.

"Oo." Deretsong sagot ni Isagani. Binatukan agad siya ni Kaloy. "Pero matagal naman na iyon Talisay," pagpapatuloy ni Kaloy. "Nakalimot na si Heneral puro na kasi ikaw ang nasa isipan."

Inasar nila ako pero tumigil din ng makitang nakangiwi ako sakanila.

"Manahimik ka nga. Ingay ingay mo." Nagtungguan silang dalawa at nagsisihan. Napailing na lang ako.

Maya't maya, lumapit na si Arcasio. Kumuha siya ng manggang inalok ni Kaloy.

Tumayo ako. "Wala kang may sasabihin?" pag-uusisa ko, naghahangad na sasabihin niya kung sino ang babaeng 'yon. Yun lang ang hinihiling ko.

Nagtaka agad siya. "Wala naman. Wala tayong pupuntahan ngayon. Dito lang."

"Patay, maling sagot." Rinig ko si Kaloy.

Umismid ako. "Sige." Tumango ako. "Maiwan ko na kayo. Sa loob na lang ako."

"May problema ba?" tanong ni Arcasio.

Mas lalo akong napaismid. "Wala." Tumalikod na ako at naglakad. Aba ang walang hiya, hindi man lang nangusisa.

"Meron 'yan." Si Isagani. "Heneral, magaling ka lang talaga sa pakikipag-digmaan."

Binagalan ko ang paglalakad para makinig at umasang hahabol siya para magtanong ng magtanong.

"Ano bang kasalanan ko? Naroon lamang ako." Rinig kong sagot niya. Nagtawanan sina Kaloy at Isagani.

Napailing na lang ako. Hindi man lang nangyari ang inaasahan ko. Sige, bahala ka na sa buhay mo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Heneral ng makalabas ako sa silid ng opisina niya habang may bitbit na buslo sa braso ko.

"Sa outer space." sagot ko at ngumisi kaya kumunot ang noo niya, "Sa batis maliligo kami ni Clarita." Sabi ko, hindi nakikipagbiruan. Naiinis ako sakanya hanggang ngayon, di ko nga siya pinansin buong gabi e-at hindi man lang siya nakipag-usap at nagtanong kung bakit hindi ko siya kinakausap o kung bakit masyadong tipid ang pagsasalita ko.

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon