Kabanata 23

99 9 0
                                    

Nag-lalakad ako ngayon paalis sa palengke dahil nag-papabili si Boss Heneral ng tinta at papel, mukhang na out of stock yata siya. At habang naglalakad, isip parin ako ng isip kung ano ang ibig sabihin niya. Hindi na tuloy ako nakikinig sa chismis nina Kaloy na nakabuntot sa akin. Ayaw akong hayaan ni Heneral na umalis mag-isa. Kaya't kung hindi siya ang kasama ko, sina Kaloy.

"Ang tagal mo naman." Reklamo ni Heneral pag-kapasok ko sa opisina niya. Kita mo, ang bait bait kahapon pero ngayon parang ang sarap niyang isumpa.

"Nag-titingin tingin pa kasi ako ron! Masyado kang sabik!" Inirapan ko sita at nilapag sa harap niya ang pinag-uutos niya. Ang totoo niyan, sina Kaloy lang dapat ang aalis para bilhin ang mga pinapabili niya pero matigas ang ulo ko at sumunod sa mga inutusan niya.

Sabi ko sakanya, isusumbong ko siya kay Donya Arcia pag hindi niya ako hinayaan, ayon pumayag. Halata ko ang pagiging mahigpit ni Heneral, ni ganon rin siya sa mga tao sa loob ng bahay nila. Naging strikto siya sa paglabas at pagpunta sa kung saan ng mga taong nakapalibot sakanya. Siguradong tungkol iyon sa nangyaring trahedya sa akin na ayaw niya nang maulit pa.

Umupo na lamang ako sa harap niya at bagot na napatingin sa libro na nakita ko. Inabot ko yon at binuksan. Hindi ko naman maintindihan ang nakasulat kaya binaba ko na lang at tumingin sakanyang nagsalita.

"Wala kang may ibinili para sa sarili mo?" tanong niya kaya umiling ako.

"Bakit? Sabi ko pwede kang bumili ng gusto mo." kunot na kunot ang noo niya nang sinabi niya iyon na para bang napaka-big deal non.

"Anong bakit? Hindi ako gumagastos ng pera ng iba, Hindi ko naman iyan pinag-hirapan eh bakit ko gagastusin aber?" isa pa, sampid lang ako sa pagpunta sa merkado, gagastos pa ba ako?

Tumahimik siya at may hinagis na maliit na bag sakin kaya sinalo ko. "Ano nanaman to?" tanong ko

"Pera mo." aniya kaya hinagis ko sakanya pabalik.

"Ayaw ko niyan."

Nagsalubong ang kilay niya. "At bakit?"

"Ayaw ko nga! Maraming pagkain sa librarya. Anong gagawin ko jan e hindi naman ako interesado sa mga nakikita ko sa palengke." Kumibit balikat ako at inisip ang kung anong bilihin na meron sa palengke pero hindi naman kainteres-interes.

"Napaka-tigas ng ulo mo. Tanggapin mo kaya kung ano ang binibigay sa'yo."

Nagseryoso ako. "Marami ka nang naibigay, ng mga Lopez... kung tutuusin hindi niyo ko kapamilya e." pinagkrus ko ang mga braso ko. "Hindi ko kailangan 'yan."

"Kailangan mo 'to. Sa takaw mo pa naman. Malamang sa malamang gusto mong bumili ng kung ano anong pagkain!" rason niya.

"Sobra sobra na ba ang pera mo at ipapamigay mo lang?!" singhap ko.

"Kung walang sira ang utak mo hindi mo maiisip 'yan."

Napasimangot ako. "Edi iderekta mo! Bakit mo ba kasi ako bibigyan ng pera?" tanong ko. "Wala akong pinatago sa'yo ni singko."

"Sweldo."

Napaismid ako. "Ang galing ko namang trabahador, may sweldo kahit di nagta-trabaho."

"Alam mo. Napaka-tigas ng ulo mo. Bakit hindi mo na lang tanggapin at huwag nang magtanong pa ng kung ano ano."

"Bakit nga ba kasi?" ayaw kong tumigil sa pagtatanong hangga't hindi niya ako sinasagot ng maayos. Isa sa mga dahilan ko kung bakit hindi ako tumatanggap ng sweldo na binibigay niya dahil nakakahiya. Lopez ang nag-alaga sa akin ng mga panahon na wala ako sa sarili. Utang na loob ko ang buhay ko sakanila kaya hindi ko matatanggap ang binibigay ni Heneral.

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon