Kabanata 30

54 6 0
                                    

Ayaw kong magsuot ng patadyong o anong bistida kung kaya't ginaya ko kung paano manamit si Heneral tuwing nasa bahay lang kami.

Maikling pantalon na kulay tsokolate at puting damit. Akin naman yung pang-ibabang suot ko e samantalang yung puting damit kinuha ko lang kay Arcasio.

"Sigurado ka ba sa damit mo?" tumawa siya at inayos ang damit ko.

Tumango ako. "Maganda 'to, presko."

"Pwede ka nang manlimos sa labas." Pinagtawanan niya ako. Hinampas ko agad siya sa braso. "Magbihis ka na nga! Dami mong alam."

Bumungisngis lang siya at sinunod ang sinabi ko. Kunot noo ko siyang pinapanuod habang inaayos niya ang buhok niya. Wala ako sa sariling napasimangot ng makita ang ginawa niya, pinatungan niya lang ng sombrero ang basa niyang buhok.

"Arcasio, naiirita ako sa pinaggagawa mo." Agad akong nagsalita.

Nilingon niya ako. "Bakit? Nagbibihis lang naman ako. Gusto mo bang hubad lang ako? Pwede rin naman, basta h'wag kang iiwas iwas ng tingin." Ngumisi siya.

"Tarantado!" asik ko. "Tignan mo kaya oh... lapit. Dito, umupo ka dito." Turo ko sa sahig. Nag-martsa naman siya palapit at naupo sa sahig.

Tinangala niya ako at ipinatong ang braso sa paa ko, nasa gitna siya ng mga binti ko nakapwesto. "Ayaw mo ba akong makitang nakahu—"

Tinikom ko ang labi niya gamit ang halik. Lalayo sana ako ng hawakan niya ang likuran ng ulo ko—hindi hinayaang lumayo.

Sinubukan ko ulit na lumayo pero ang gago mas hinawakan ako. Hinampas ko siya sa tiyan kaya napabitaw din siya pero tumatawa pa.

"Mamamatay ako sa pinaggagawa mo e!" reklamo ko.

"Ikaw ang unang halik ko, sinusulit ko lang."

"Anong sinusulit? May plano ka pa bang halikan ang ibang babae?" tanong ko na nakapagpa-tawa sakanya.

"Syempre hindi. Hindi 'yan ang nais kong ipahiwatig." Humalakhak si Arcasio, kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. "Pero malay mo, sa susunod, sa simbahan na tayo naghahalikan."

"Umagang umaga kung ano ano na ang nasa utak mo." Sabi ko at inabot ang lampin. Binawi ko ang kamay ko sakanya. Ipinatong ko ang lampin sa ulo niya at tinuyo ang buhok niya.

"Ikaw ang nasa utak ko, iniisip ko kung ano ang ipapabili mong pagkain."

"Gusto ko ng buwaya, mabibili mo ba 'yon?" sabi ko sakanya habang tinutuyo parin ang buhok niya.

"Bilhan pa kita lima."

"Yabang mo ah." Sabi ko at sabay pa kaming natawa. Natigil lang rin ng bumukas ang pintuan, iniluwa nun si Donya Arcia.

"Wala pa kaming anak." Agad na sabi ni Arcasio. Simula kasi nung makauwi kami, nagtatanong ito kung pwede na silang bigyan ng apo. Na stress naman ako don. Akala yata ng Donya nag-honeymoon kami.

Ngumiwi si Donya Arcia. "Hindi 'yan ang ipinunta ko rito."

"Ano nanaman ngayon, Inay?" tanong ni Arcasio. Tuyo na ang buhok niya kaya sinuklay ko muna at inayos bago lagyan ng sombrero.

"Kailan ang kasal?"

"Bukas." Sagot ni Arcasio. Binatukan ko siya. "Paano kami magpapakasal kung ito binabatukan ako kapag kasalan ang usapan." Sumbong niya pa sa akin.

Namewang ang Donya. "Isa lang ang kasagutan dyan!" aniya. Tutok naman kami ni Arcasio sakanya. "Hindi ka niya nakikita bilang asawa dahil ni buhok mo hindi mo maayos! Paano mo aayusin ang buhay niyong mag-asawa kung pati buhok mo ang nobya mo pa ang nagtutuyo. Hindi ka na bata, Arcasio!..."

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon