Kabanata 6

190 19 1
                                    

Katatapos ko lang maligo at kumain kaya ito ako ngayon naka-upo lang dahil pag-labas ko sa tagong silid ay wala si Heneral. Hindi ako radar na alam agad kung nasaan siya, isa pa, gustuhin ko mang malaman eh hindi ko magawa kasi hindi naman kami para i-update ang isa't isa.

Pero nga naman, uso naman sa kasalukuyang taon ang paga-update kahit walang relasyon. Aminin!

"Magandang umaga, Ate." Bati ni Nito, kakapasok niya lang.

"Magandang umaga." Bumati ako pabalik dahil baka masabihan akong walang manners at conduct.

Tumayo agad ako. "Si Heneral?" Tanong ko pero wala ring papatunguhan dahil pumasok si Heneral. Katulad lamang ng dati, suot suot niya ang mukha niyang suplado na akala mo pinaglihi ng ina niya sa sama ng loob.

"Gusto ni Inay na pumunta ka sa mansyon upang tulungan siya. Ayos lang ba sa'yo?" Iyan agad ang bungad niya. Sa totoo lang, parang hindi tanong, parang nangu-utos kahit may tandang pananong.

Namewang ako at nakipagtitigan sakanya. Wala naman siyang pakialam dahil sino nga ba naman ako, tinitigan niya lang ako pabalik na tila ba'y ako ang pinakatangang tao sa mata niya.

Tumango ako na rin ako dahil baka mapikon 'to at ihambalos ang hawak na baril sa akin dahil sa tagal kong magsalita.

"Oo naman, no problem!" Ngumisi ngisi ako. Maganda sa mansyon nila, maraming pagkain at ang bait pa ng nakakaharap ko. Kesa dito sa Heneral, araw araw nang bagot, wagas pang makatingin na akala mo alam niya lahat ng baho ko kahit hindi naman ako mabaho.

Tumaas ang kilay niya, hindi niya nanaman ako naiintindihan.

Napakamot tuloy ako sa ulo. Iiwasan ko na talagang magbigkas ng ingles para isahang salita na lang.

"Sabi ko, walang problema." Ngumiti ako.

"Maari ka nang umalis, gamitin mo ang kabayong nasa labas." Bilin niya kaya napatango ako at sumaludo. "Paalam! Kitakits!"

"Hi kabayo!" bati ko sa kabayo ng makasakay ako, hinampas ko na ito, kaya nag-simula na itong mag-lakad.

Napangiti nanaman ako ng malaya kong napag-masdan ang dating maynila.

Pano kaya kung ganito pa rin ang maynila sa bagong panahon? Siguro nag-papayabangan na kami ni Alirah ngayon kung sino ang may pinaka-magandang suot na patadyong. Pero, hindi pwedeng manatili sa ganito ang mga bagay bagay lalo na't hindi naman nananatili ang mundo sa iisang yugto.

Maya maya pa nakarating na ako sa harap ng mansion.

Itinali ko muna ang kabayo at pumasok na, mabuti na lang at kilala na ko rito kahit nung isang araw pa lang nila akong nakita.

Nakita ko si Donya Arcia na nakatayo sa may gilid ng bukal nila kaya agad akong dumulong sakanya. "Magandang umaga, Donya!"

Sa lakas ng boses ko napahinto siya sa ginagawa at binalingan kung nasaan ako. Nakangiti siyang nagbalik ng kaway sa akin.

"Magandang umaga Talisay, mabuti nga at napa-payag ko ang aking anak na mahiram ka ngayon." natatawa niyang sabi kaya natawa na rin ako kahit parang walang connect ang sinabi niya. Bat niya naman ako hihiramin sa anak niya kung hindi naman ako paga-ari nun?

Kuha muna ownership card si Heneral, payag agad ako.

"Ilang oras pa ang naging pilitan namin bago ko siya napa-payag, ayaw niya yatang humiwalay ka sakanya." aniya habang may nang-tutudyong ngiti.

Hindi ko naman maiwasang matawa. Donya ang tawag sa mga Marites sa panahon ngayon kung nasaan ako.

"Nag-iinarte lang si Heneral, Donya." Natawa ang Ina ni Heneral sa sinabi ko.

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon