Kabanata 10

192 15 0
                                    

Buong hapon yata nasa bundok lang kaming dalawa, panay ang turo ko sakanya pero minsan naiinis ako dahil tinatanong niya pa ako kung tama ba ang sinasabi ko.

"Sigurado ka ba sa salitang 'yan?" tanong niya sa akin.

"Kanina ka pa, tatadyakan na kita." Sabi ko. Pwede siyang tadyakan, walang gwardya. Hindi ako makukulong pagbinatukan at tadyakan ko 'tong Heneral na 'to na halos bawat Segundo kuwestyunin ako kung tama ba ang pinagtuturo ko sakanya.

"Sabi ko nga tama iyan." Agad niyang sabi ng makita ang mukha kong masama ang tingin sakanya. "Ano pa?"

"Wala na putangina, bahala ka sa buhay mo." Napikon na lang rin agad ako. Nangangati akong manapak ngayon. Siya itong nagpapaturo tas siya naman itong hindi naniniwala. Mga lalaki nga naman.

"Hoy, ito naman, biro lang."

Padabog akong tumayo. Kanina pa nananakit ang pwet ko kakaupo sa kahoy kaya wag niya akong mabiro biro.

"Maghanap ka na lang ng iba... babae ang hanapin mo! Para mas masaya." Umirap ako at naglakad.

"Biro nga lang. Alam ko namang tama ang tinuturo mo."

Napalingon na ako sakanya. Namewang ako. "Anong sabi mo?"

"Alam kong tama ang tinuturo mo...nag-aral ako sa amerika nung bata ako, isang buwan lang 'yon."

"Punyeta ka! Pinahirapan mo pa ako!" sigaw ko at kinuha ang bakyang suot ko.

Binato ko sakanya kaya agad naman siyang umilag. "Pero hindi ko sinabing tanda ko pa lahat!"

"Tangina mo talaga! Nakakainis ka."

"Ito na lang, kumain tayo sa labas para mawala na 'yang inis mo."

"Mukha bang masulsulan mo ako ng pagkain ha?!"

"Oo, mukha ka namang matakaw."

Sumama lalo ang mukha ko. Ngumisi siya sa akin. "Sabi mo galing ka sa kinabukasan...hindi bat magandang matikman mo ang mga luto sa taong ito?"

Ito ang rebuttal niya? Wow ha. "Naniniwala ka na talaga ha?"

Kumibitbalikat siya. "Oh? Tara, kain tayo."

"Tse!" umirap ako. "Oo na! Madami dapat." Pag-kondisyon ko. Napangiwi naman siya.

Tumayo ni Heneral, kinuha niya ang damit niyang puti na nakasabit sa sanga. Sinuot niya iyon at sinunod naman ang sombrero niyang gawa sa dahon ng niyog.

"Ganda ng sombrero mo ah." Sabi ko sakanya.

"Gawa ni Ina." Sagot niya kaya napatango tango naman ako. Tinanggal niya iyon at ipinatong sa ulo ko. "Itago mo mukha mo, nakakatakot e."

Sa sinabi niya, binilog ko ang papel at hinampas sa ulo niya. "Ang dami mong alam."

"Hindi ako katulad mong wala."

Napairap na lang ako sa ere. Ang dami niyang rebuttal, baka kaka-rebutt niya sa akin matadyakan ko na talaga siya.

Dahil nga ililibre ako ni Heneral, ito lang ako, parang tuta na nakasunod sakanya habang hawak hawak ang dulo ng sombrero sa ulo ko. Padulong kami sa merkado, hindi ko alam kung saan 'to pero pamilyar.

"Heneral, saan 'to?" tanong ko habang inikot ikot ang ulo ko. Mula sa bundok padulong rito naglakad lang talaga kami, dumoble tuloy ang gutom ko.

"Nasa Quinta." Sagot niya at tumango sa mga gwardyang sumaludo sakanya ng makitang dumaan kami.

"Quinta?" nag-isip naman agad ako. May alam akong Quinta e. Nanlaki ang mata ko. "Nasa Quiapo tayo?"

Tumango siya. "Nasa Quiapo nga, bakit?"

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon