Wala ako sa sariling humalakhak pero agad ring nagseryoso. "Nakakaurat 'yang pagmu-mukha mo."
Hinila niya bigla ang plato. "Anong sabi mo?"
Inagaw ko ang plato. "Wag mo 'kong aagawan ng pagkain!"
"Oo na. Masyadong mainit 'yang ulo mo. Hindi ka naman inaano." Inirapan niya ako at pinagkrus ang mga braso.
"Kanina mo pa 'ko inaano!" asik ko. Walang araw na hindi tumataas ang dugo ko sa uranggutan na 'to. Pinanganak yata talaga para maging isang katawa tawa ang buhay ko."Inaano?"
Aba nag-tanong pa talaga. "Iniinis!"
Umangat ang sulok ng labi ng Heneral. Una tuwang tuwa pa ako nung una ko siyang makitang ngumiti pero ngayon, nababanas na ako sa mukha niya.
Bumukas ang labi niya para magsalita ngunit naunahan iyon ng pintuang kakabukas lang. "HENERAL!"
Napalingon agad kaming dalawa. Pumasok ang mga gwardya sibil habang suot suot ang mga kabado ngunit matatapang na ekspresyon sa mukha. Mga bagay na ngayon ko lang nakita na nagpa-taas ng mga balahibo ko.
May away ba? Hindi mapagkakailang baka ganun nga ang nangyayari.
"Nilulusob ang Hacienda ninyo sa Laguna."
"Marami bang trabahador na nanatili ngayon don?" tanong ng Heneral. Hindi ko maiwasang mamangha sa pagiging kalmado niya. "Sino ang mga lumusob?" Sinuot ni Heneral ang uniporme niya at nagsuksok ng baril sa bewang. Nanatili naman akong nakaupo lang at nakikinig.
"Iyon nga po ang problema, Heneral. Ang iilang trabahador niyo roon kinokontrol ng mga hindi ko kilalang dayuhan para wasakin ang mga ari-arian niyo doon. Si Lita nandon base sa nakalap ko."
Naantig agad ang tenga ko. Inabot ko ang dyaket kong naka-sablay at agad na sinuot at tumayo.
"Umalis na tayo." Ani Heneral. Tinignan niya ako. "Mai-"
"Hindi!" mabili kong agap dahil alam kong hindi niya ako isasama. "Nandon si Lita! Sasama ako! Hindi ko hahayaan si Lita ron!"
"At hindi ko rin hahayaang mapahamak ang batang 'yon." Kalmado niyang sabi. Nauna nang umalis ang gwardya sibil.
"Sasama nga ako." Pagmamatigas ko at itinali ang buhok ko. Mariin akong tinitigan ni Heneral. Malalim akong napabuntonghininga at binigyan siya ng nagmamakaawang tingin kahit na halos sumabog ang mukha ko sa galit. Si Lita ang isa sa pinakamalapit sa akin, at gayong nasa delikado siyang sitwasyon, alam ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat makuha lang siya ron.
Sinuklay ni Heneral ang buhok. Bigla niya akong inabutan ng baril. "Siguraduhin mong hindi ka mapapahamak."
"At ano naman ngayon kung 'yan ang mangyari?" tinanggap ko ang baril na inabot niya sa akin.
"Magde-deklara ako ng digmaan." Nilampasan niya akong nakaawang ang labi.
Hindi ko naman siya makapaniwalang sinundan ng tingin at agad na lang ring napailing. Kinasa ko ang baril at sinuksok sa bewang ko. Agad naman akong sumunod kay Heneral.
Gamit ang kabayo, nakarating kami sa Hacienda Lopez. Sinasakop na ng apoy ang taniman ng mga palay. Sa kabilang banda, may hardin na tinutupok na rin ng apoy. Nilingon ko si Heneral, nakita ko ang pagtiim ng panga niya habang ang mga mata nakatutok sa hardin na kani-kanina lang ay tinitignan ko.
Galit ang Heneral. Galit dahil sa mga taong nadadamay at sa hardin niyang sinasakop ng apoy. Na-kwento na sa akin ng Ina ni Heneral ang pagkagusto nito sa mga halaman kaya naiintindihan ko ang galit sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Fiksi SejarahPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...