Bumilis yata ang oras. Pagkagising ko ang alam ko kasal ko na at ngayong nakatayo ako sa pintuan, alam kong magsisimula na. Hinihintay na lamang ako.
Ang buong pamilya nasa simbahan na kasama si Arcasio. Hindi ko maiwasang kabahan at manabik sa mangyayari. Kusa na lang ring lumabas ang ngiti ko dahil sa isiping magpapakasal ako...papakasalan ako ni Arcasio, ang Gobernador Heneral ng Pilipinas.
Malaki ang ngiti sa labi kong huminga ng malalim. Hinawakan ko ang kuwintas na binigay sa akin dati ni Arcasio. Sisipot ako tulad ng sinabi ko, ang kaso lang, ang tagal dumating ng karwahe. Mamaya baka mainis na don si Arcasio sa paghihintay, atat pa naman 'yon.
Kagabi, hindi kami pwedeng magsama sa isang kwarto dahil na rin sa tradisyon na hindi kami magkikita bago ang kasal pero ang siraulo, dumungaw sa bintana ng kwarto kung nasaan ako. Hindi naman siya nadakip, humingi lang talaga siya ng halik para raw makatulog siya. Minsan, hindi ko talaga alam ang liko ng utak niya e.
Pero aaminin ko, si Arcasio lang ang nagpadama sa akin ng kakaiba. Yung tipong wala naman siyang may ginagawa pero lalo lang akong nahuhulog, pero tuwing may ginagawa siya bilang isang maginoo, halos matunaw ako sa tuwa, hulog na hulog ako. Walang tabla.
"Talisay." May tumawag sa akin mula sa pinto. Agad akong lumingon. "Tara na. Magsisimula na ang seremonya." Ngumiti ito sa akin.
Napatango ako. Agad akong naglakad. Nakakapanibago lang na wala ang mga kasambahay rito. Kani-kanina lang kausap ko pa sila.
Paglabas, lumingon ako sa may bandang likod ng bahay. Kumunot ang noo ko ng makarinig ng sigaw. "Ano 'yon? Teka lang po—"
Aalis sana ako para puntahan ng hawakan niya ang kamay ko. "Naghihintay si Heneral. Paniguradong mga anak lang iyan ng kasambahay na naglalaro."
Tinabig ko ang kamay niya. Tumango na lamang ako. Sumulyap pa ako sa likod ng bahay. Wala na akong may narinig, mukhang mga bata nga lang talaga.
Pumasok ako sa karwahe. Sinarado niya iyon. Nagsalubong ang kilay ko. Parang hindi naman ito 'yung karwahe e. Sa pagkakaalam ko, bukas iyon at kulay puti. Pero ito, kulay itim, parang karwahe ng mga taong may mataas na titulo sa lipunan.
Napakibit balikat ako at nanatiling nakaupo. Baka pakulo ng Donya—gusto yatang magpalit ng karwahe sa last minute. Pero sa pagkakaalam ko tapos nang magawa ang karwaheng puti e.
Pinagliban ko na lamang iyon.
Maya't maya huminto ang karwahe. Pagbukas ng pinto, tinulungan niya akong makalabas. Wala ako sa sariling napamaang ng bumungad sa akin ang Palacio del Gobernador. Anong ginagawa ko rito?
Ilang minuto lang ang byahe papuntang simbahan a? Kaya siguro sobrang tagal kung dumating dahil ditto dumeretso.
"Manong." Tawag ko. Nilingon niya ako. May mga gwardya sibil na papalapit sa amin kaya nagsimula na akong kabahan. "Ano po ang ginagawa natin dito?"
Ngumiti siya. "Kinakailangan mong humarap sa iyong kaso. Pasensya na, napag-utusan lang."
Gumapang ang kilabot sa katawan ko. Napakurapkurap na lamang ako sa harapan niya. Hindi matanggap at hindi maproseso ang nangyayari.
"Hawakan niyo."
Nang hawakan ako sa magkabilang braso doon na ako bumalik sa reyalidad. Natulala ako. Blanko ang pag-iisip ko. Pero ngayon, napagtanto kong delikado ang buhay ko.
"Arrest warrant. Hindi niyo ako binigyan." Sabi ko kahit hindi nila alam ang salitang binigkas ko, sila ang mag-adjust hindi ko alam ang tawag non sa tagalog. Hindi sila nagsalita at dinarag lang ako papasok.
"Ang ganda ng araw." Pumasok si Heneral Trinidad mula sa pintuan. Kasunod niya si Don Trinidad at isang babaeng mukhang kaedad ko lang. "at pati na rin ikaw." Nginisihan niya ako.
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Ficțiune istoricăPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...