"Magandang umaga, Heneral Lopez." pagbati galing kay Don Gutierrez na kakapasok lamanag sa opisina ni Heneral.
Sinulyapan siya ni Heneral at binati. "Magandang umaga."
Tumayo ako at yumukod. Kailangan nating maging magalang rito bago tayo ma-isyuhan at ipatapon na lamang bigla sa rehas katulad na lamang ng nangyari sa akin noong nagdaang araw na ayaw ko nang maulit pa.
"Magandang umaga, Don Gutierrez."
Binigyan niya ako ng pagtango at iyon na an naging hudyat ko para makabalik sa inuupuan ko at magbasa muli sa librong pinapabasa ni Heneral.
"Ano ang iyong sadya, Don Gutierrez?" tanong ni Heneral kasabay non ay ang pag-pasok ni Maria Iklara habang nag-papaypay pa.
Hindi ko naman maiwasang mapangiwi. Siya ang bratdoll sa panahong 'to pero salamat na rin sakanya dahil siya pala ang dumarag kay Heneral at sinabing may kumuha sa akin. Si Clarita ang nagkwento.
"Heneral Lopez, maaari niyo bang samahan ang aking anak sa palengke?" tanong ng Don, nakangiti ito.
Sinulyapan ko si Heneral bago ituon ulit ang mata sa libro.
Ramdam ko ang pares niyang mga mata na tumuon sa akin ng iilang segundo. Nag-kunwari tuloy akong naiintindihan ang binabasa--sumasakit kasi ang ulo ko dahil mukhang salita galing espanya 'tong pinapabasa niya. Hindi ko rin naman maintindihan kaya parang binabalewala ko lamang ang pagdaan ng oras kahit na mukhang marami akong may magagawa kesa sa pagbabasa ng hindi ko maintindihan na libro.
"Marami akong gagawin." palusot niya kahit wala naman talaga. Alam ko ang schedule niya 'no, isa pa, sinasabi niya rin naman sa akin ang mga gagawin niya buong araw.
Simula nung makuha ako ni Heneral at napatunayang hindi ako kabilang sa mga rebelde, palagi niya na lang akong pinagsasabihan na huwag umalis sa tabi niya. Tuwing may pagpupulong siya, sinasama niya ako pero kung ayaw kong sumama may limang bantay sa labas na hindi ako hinahayaang makalabas dahil utos raw ni Heneral.
Naging mabigat na rin ang pagbabantay sa kabahayan ng mga Lopez, Gutierrez at kina Clarita at sa may librarya kung saan naroon ako. Doon na ako naninirahan dahil isa na rin ako sa nagbabantay sa tindahan na iyon. Gusto ni Donya Arcia na manatili ako sa bahay nila ngunit ako na ang umayaw dahil nakakahiya.
"Pwede bang ipag-paliban mo muna iyan upang masamahan mo ang iyong mapapangasawa?" hindi man ako nakatingin alam kong nakangiti ang Don samantalang umuusok ang tumbong ng bratdoll na 'to sa kilig.
Bakit pa ikakasal kung pwede namang himlayan na lang e pareho naman sa simbahan ang daan nun?
Napairap ako.
"Samahan mo na ako Heneral." malanding sabi ni Iklara. Pumasok nanaman sa utak ko ang nakita ko noon. Masyado siyang flexible at nakapagbukaka ng ganoon.
"Ipinag-paalam kita sa iyong ama kaya sana samahan mo na ang aking anak." ani ng Don, kahit kailan makulit rin 'to e. Narinig ko namang bumukas ang pintuan kaya mukhang lumabas na si Don Gutierrez.
"Tayo'y lumisan na at mag-pakasaya." Napairap ako ng marinig nanaman muli si Iklara.
"Talisay, sumama ka." pagtawag ni Heneral. Agad kong iniangat ang ulo ko para makita siya. Sinusuot niya na ngayon ang uniporme niya.
Umiling ako. "Hindi na po dahil oras niyo po iyan kasama ng mapapangasawa mo," hindi ko intensyong maging sarkastiko, natural lamang na lumabas iyon sa labi ko. Gumuhit ang inis sa mata ni heneral ng sinabi ko ang katagang mapapangasawa.
Ngumiti ako pang-bawi. "May ginagawa rin naman ako." itinaas ko ang hawak kong libro. Wala naman akong gingawa pero inirapan naman ako ni Iklara, the bukaka girl.
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Historická literaturaPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...