Kabanata 22

198 11 6
                                    

  Ala una na ng madaling araw pero gising pa kami ni Heneral, may ginagawa pa kasi siya na kailangang tapusin. At nag-papasama pa sa'kin kaya ito lang ako nakatihaya. Nasa opisina niya kami na nasa loob ng bahay nila. Ito rin daw ang kwarto niya. Kasama naman namin sa loob si Clarita na nakikipag-chismisan sa akin.

"Heneral nag-karoon kana ba ng relasyon?" tanong ko para hindi ako antukin. Bumalik na rin ako sa dati pagkatapos ng dalawang linggo. Kailangan ko lang raw talaga ng pahinga at kapayapaan at katahimikan na rin dahil sa takot ko nung mga nakaraang pangyayari.

"Oo." maikling sagot niya kaya nagising ang diwa ko. Sa mukha niya, mukha siyang nagsisisi kung bakit pa ako bumalik sa dati. Gusto kong matawa dahil halatang pagod na siya sa ginagawa pero pagod pa siya sa akin na bumalik sa pagkakausap sakanya.

"Talaga? Sino?" tanong ko, nangingibabaw sa akin ang kagustuhang malaman ang damdamin niya kaya naisip ko ang tanong na iyon. Isa pa, sa loob ng mga linggong pagpapahinga, hindi na normal ang tibok ng puso ko tuwing kami lang ang magkasama at wala akong naiisip na ibang dahilan kung bakit koi yon nararamdaman.

"Sa pamilya ko, sa'yo, kina Nito at Lita at pati na rin sa Republika ng Pilipinas." Sagot niya kaya napasimangot ako.

"Hindi iyan!" pinag-krus ko ang mga braso ko.

"Bakit? Relasyon kaya ang pamilya at kaibigan!" sagot niya rin sa'kin kaya napairap ako. Pataasan na lang kami ng pride sa pag-depensa ng kung anong nalalaman namin tutal dito naman kami magaling.

"Relasyon! Relasyon!?" tumingala ako. Hindi mahabol ang gustong sabihin, nasa dulo nan g dila ko pero di ko man lang masabi. Nang matahimik ako napasulyap siya sa akin kaya nagsalita na lang ako. "Yung mag-nobyo at nobya!"

"Wala pa." bumalik naman agad siya sa trabaho niya.

"Yung dati! Dati mong ka-relasyon." Dagdag ko pa.

"Wala akong may natitipuhan...pero meron namang nakakausap." Sa naririnig ko sakanya, halata talagang parang bagot na bagot na siya sa buhay. Ni wala man lang emosyon sa boses niya na para bang wala silang past nung nakakausap niyang babae.

Napairap ako. May kausap pala siya dati. Ano ba tawag jan? M.U, mutual understanding? No label relationship? FUBU FUBU lang?

Ayaw kong mag-isip ng may ka FUBU si Heneral. Di yata kakayanin ng isip ko.

"O nasaan na?" pang-uusisa ko pa.

Tumingin siya sa akin. Nanliliit pa ang mga mata niya na para bang nangtatansya sa akin.

"Sagutin mo na." utos ko sakanya, nakahiga lang ako sa kama habang katabi si Clarita na tulog.

"Umalis. Pumuntang ibang bansa, hindi na kami nagkausap."

"Ay na-jinx." Agap ko. Mabuti nga na-jinx kayo, haha! Hindi ko napigilan at natawa ako. Iniwan si Heneral. Napalingon siya sa akin kaya nag-kunwari akong hindi tumatawa.

"Anong nakakatawa?"

"Wala!"

"Meron. Sabihin mo." Utos niya din.

"Iniwan ka kasi." Ngumisi ako.

"Parang may pakialam naman ako ron." Napailing iling ito. "Hindi ko naman siniseryoso."

Bahagya akong natawa. "E ngayon?"

"Oh?"

"Ngayon kako kung may natitipuhan ka na...yung gusto mong maging nobya ganon." Sabi ko. Itong si Clarita tinandayan pa talaga ako.

"Meron. Hindi ko lang nasasabi." Deretsong sagot niya at inilapag ang mga papel sa tabi niya at kumuha ulit ng panibago para basahin. Ako lang yata ang inaantok sa ginagawa niya.

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon