Naglalakad lang naman ako sa tabi ng kalsada ng may karwaheng lumampas sa akin pagkatapos akong binuhusan ng tubig. Nang lumingon ako. Nakalabas ang ulo ni Iklara habang nakangisi sa akin at naka-taas pa ang gitnang daliri. Nanlaki ang mata ko. Hindi dahil binuhusan niya ako ng tubig kundi dahil marunong siyang magtaas ng gitnang daliri.
Pero agad ring nawala ang gulat ko at napalitan ng hiya dahil maraming nakatingin sa akin, tumakbo na lang tuloy ako. Kahit kailanan talaga napaka-gaga nitong si Iklara.
Pumasok ako sa silid tanggapan ng Heneral habang basang basa ng tubig. Inis kong ipinatong ang mangga na pinakuha niya sa akin sa bahay ni Lolo Ising.
"Basang basa ka yata?"
"Hindi ah! Hindi ako basa. Tuyot na tuyot nga e!" Sarkastikong sabi ko sakanya. Tumaas ang kilay niya kaya agad naman akong nagpilit ng tawa. "Basa nga." Nasabi ko na lang. Minsan talaga ang hirap makipag-biruan sa lalaking 'to.
"Anong nangyari sa'yo?" pag-uusisa niya pa. Minsan, chismosa rin.
Pinagkrus ko ang braso ko at umirap sa ere para makita niya kung gaano ako kairita. "Binuhusan lamang ng nobya mo ng tubig!"
"Multo yata ang nag-buhos sa'yo kung gayon." Prente niyang sabi, walang pakialam, hindi nagbibigay pakialam sa tinutukoy ko.
"Ha?!" agap ko.
Seryoso niya naman akong tinignan. "Wala akong nobya."
"Edi wow." Komento ko at naupo sa kahoy niyang upuan.
"Hindi kita naiintindihan."
"Sabi ko wala!" Sabi ko sakanya. Tumaas nanaman ang kilay niya. Kumuha siya ng punyal at binalatan ang mangga. "Wala kang pakialam." Dagdag ko. Infairness, pwede na siyang sumali sa Fastest Worker in the World na nakikita ko sa facebook dahil sa bilis niyang magbalat ng manga.
Binato niya sa akin ang manggang binalatan niya. Sinalo ko naman iyon. "Kahit kailan talaga bastos ng ugali mo." Bulong ko sa ere. Pwede niya namang ibigay ng normal pero ibabato niya pa talaga.
"May sinasabi ka ba?"
"May narinig ka ba?" umirap ako at kinagatan ang manga. Ang sarap!
"Kaya nga ako nagtatanong dahil may narinig ako ngunit hindi ko mawari kung ano dahil halos pwet mo lang ang nakakarinig!"
"Hindi ko naman alam na may tenga pala ang pwet ko!" sagot ko sakanya. Hindi naman siya mukhang galit ano? Parang tanga kasi.
"Nagmumukha kang mangmang." Sabi niya. Humawak ako sa dibdib ko, punong puno ng drama, iyong drama na pasok na pasok pang Hollywood, palitan ko na lang si Anne Hathaway pagbalik ko sa current Philippines. Pero parang ayaw ko nang umalis rito.
"Ako mukha lang, ikaw mangmang." Sagot ko naman agad sakanya.
"Kinokontra mo ba ako?" pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Oo!"
"Gusto mo bang mahatulan ng kamatayan sa kakasagot mo sa akin?"
"Patayin mo na lang kaya ako." Ako pa hahamunin niya e mahilig akong mag-retweet ng depressive tweets sa twitter sabay maging emo girl no. Anong akala niya sa akin? Weak? Pero napansin ko lang, mukhang masyadong sensitibo ang salitang pag-patay rito, kung sasabihin mo kasi ang salitang patay parang ang big deal.
"Tinatamad ako, bukas na."
Napairap ako sa sinabi niya. Tumahimik naman ako at nanatiling kumakain. Ubos ko na ang unang mangga na binigay niya kaya dumekwat ako ng isa, hinampas niya ang kamay ko gamit ang dyaryo sa tabi niya kaya hinampas ko rin siya pabalik gamit ang dyaryong binitawan niya.
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Historical FictionPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...