"Alirah, wag mo kong gigisingin ah, paki sabi na rin kay Sunny na hindi ako papasok dahil inaantok ako sobra." Paalala ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama dahil naabutan ako ng umaga sa pag-babantay, alas siete na kasi sila ng umaga dumating.
"Alright, i got you!" Sagot niya sa'kin.
Kakapikit ko pa lang, narinig ko ang pasigaw na pagtawag ni Sunny sa pangalan ko.
"Anong nangyari jan?" Tanong ni Sunny.
"Pagod ,hindi raw siya papasok dahil antok na antok." Si Alirah. "Ikaw kaya gumising ng alas kwatro tapos kinabukasan ka na matutulog."
"Ay Sarreeeh! Sige patulugin na muna natin ang ating pag-asa. Kahit ilang araw ka pang matulog riyan ayos lang." Rinig kong sabi niya kaya itinaas ko ang kamay ko para mag-thumbs up.
I was tired and didn't need any making of scenarios in my head. And, I was thankful for that. I was fluttered with all of the sudden. I know my body was asleep but not my senses.
"Nasaan ako?" Tanong ko na akala mo nasa teleserye lang. Nakita ko kasi ang sarili kong nakasakay sa isang kotse.
"Bienvinida al Pasado." He replied but I couldn't understand, nakikipaglokohan yata 'to sa'kin.
"Ika'y bumaba na, Binibini. Sulitin mo ang mga araw mo rito sa lumang Maynila." Lumingon siya at ako'y nginitian.
"Salamat!" Tugon ko at dali daling bumaba dahil excited ako, feeling ko ito na ang pinaka-masayang panaginip ko.
Kadalasan ang mga panaginip ko ay yung mga sinabi ko dati at pati na ang kamatayan ng aking mga magulang simula nung pinagkaisahan kami ng sarili naming kamag-anak para sa pera. They died...they killed them in front of me. Natatandaan ko pa ang pag-iyak nila sa libing ng mga magulang ko.
Pag-baba ko bumungad sa akin ang mga lumang kabahayan na tanging sa internet ko lang nakikita, may mga nag-titinda rin sa mga gilid ng kalsada.
Inikot ko ang aking paningin, hindi ko maiwasang mapangiti dahil napanaginipan ko ang dating Maynila kung saan payapa ang lahat, ang mga bilihin ay sobrang mura pa, lahat ng tao nag-kakaisa, at ang mga damit nila ay nag-papahabaan pa.
Napatingin ako sa damit ko natuwa ako dahil naka-patadyong ako, nabigla na lang ako ng may humila sakin patagilid pero agad rin naman akong binitawan.
"Alam mo ba na ika'y nakakagimbala sa mga dumaraan sa kalsada?" Usal ng lalaking nakasuot ng uniporme ng mga sundalo.
"A-ah. Pasensiya, hindi ko po alam." sagot ko, kinakabahan ako dahil baka isang maling galaw ko baka igarote nila ako.
"Heneral Lopez! Paki-kulong ang babaeng iyan masyadong nakaka-abala." Sigaw ng lalaking may karangyaan sa pananamit pa lamang at isa pa, siya'y nakasakay sa kalesa.
"Ipagpaumanhin niyo Don Gutierrez, ako na ang bahala sa babaeng 'to." Sagot nitong Heneral Lopez raw, napaubo ako bigla dahil sa usok ng mawala ang kalesa.
"Sumama ka sa'kin." Utos niya. Nagaalangan naman akong napatango.
Nang mag-lakad siya agad rin akong nag-lakad dahil may baka barilin ako ng mga sasama nitong si Heneral. Akala ko pa naman masaya na itong panaginip ko! Pero hindi dahil dinakip pa ako at inanyayahan ng isang Heneral.
Nanlaki ang mata ko ng mawari ko kung saan kami papasok-- SA FORT SANTIAGO! KUNG SAAN MARAMING MAY NAMATAY NA BILANGGO!
Ayoko pang Makulong!
Napaatras ako bigla kaya tinignan ako ng Heneral kaya kinakabahan akong ngumiti. "Hawakan siya upang hindi maka-takas." Biglang utos ng Heneral kaya may humawak sakin sa mag-kabilang pulsuhan.
"Hindi ako tatakas! Promise!" Sagot ko at pilit kumakawala ng bigla akong binatukan ng isa sa mga nakahawak sakin kaya napaubo ako dahil sa sakit.
"Ipasok sa opisina ko." utos ng Heneral kaya kinaladkad nila ako. Ayaw kong magpabigat sa paglalakad dahil baka ang nguso ko mapunta sa sahig--ayaw kong makaladkad na ganiyan ang lagay.
Nang makarating sa harapan ng isang silid binuksan nila ang pintuan at hinagis ako sa loob kaya sumakit ang balakang ko sa ginawa nila, pumasok naman ang Heneral at nadatnan ako sa ganung pwesto kaya pinilit kong tumayo kahit napaka-sakit ng balakang ko.
Pag-ako makalabas rito babatukan ko rin yun at ihahagis sa dagat!
Umupo na ang tinatawag nilang Heneral Lopez kaya pinag-masdan ko siya. Matangos na ilong, walang emosyong mga mata, mapupulang labi, malapad na likod, at may kataasan. Heart-throb to panigurado.
"Huwag mokong pag-masdan, ibigay mo sa akin ang iyong sedula." Utos niya.
"S-sedula?" Kinakabahan kong tugon dahil wala akong sedula.
"Ibigay mo ang iyong sedula kung ayaw mong maikulong." Aniya kaya ramdam ko ang panginginig ng labi ko kaya kinagat ko iyon.
"Akin na ang iyong sedula, 'wag mo na akong gawing radyong sira na paulit ulit ang sinasaad. Wala akong oras sa ganitong mga bagay."
Ang lalim naman niyang mag-salita pwede nang sisirin!
"A-ang t-totoo wala ako n-niyan." napalunok ako sa sariling sinabi.
"Sa kulungan na ang iyong bagsak." Bigla siyang tumayo kaya nagulantang na ako.
"Wait lang naman! Can you accept any explanation?" Natataranta kong sabi, kaya salubong ang madakmol niyang kilay. Nasa akin na ang mga titig niya, umusbong naman ang kaba sa akin.
"Tila kakaiba ang iyong pananalita, saan ka nang galing?" tanong niya at umupo muli na siyang ikinaginhawa ko. Akala ko ipapatapon na ako.
"Kapag sinabi ko bang panaginip lang ito maniniwala ka?" tanong ko. Parang tanga ang pagkakatanong ko pero wala akong pagpipilian. Gusto ko pang manatili rito kaya nagiingat ako.
"Binibini, hindi ito panaginip kung nahihibang ka maari kitang dalhin sa kulungan ng mga baliw dahil nararapat ka roon dahil sa mga pinag-sasabi mo." Aniya, kaya napailing iling ako
"Ipapa-liwanag ko ang sarili ko upang....upang.... upang hindi mo ako ma jail... ano ba 'yon!" gusto kong maiyak. Nasa dulo na ng dila ko pero hindi ko man lang masabi ng maayos. "Ano yung jail sa tagalog?!"
"Heneral patulong, ano yung I jail sa tagalog?" balin ko sakanya, kumunot naman ang noo niya. "Ganito oh! Ako example-- este kunwari! Nag-nakaw ako tapos nahuli ako ano ang gagawin sakin?" Tanong ko. Ginaya ko 'yung commercial ng boysen.
"Ikukulong." Sagot niya kaya napapalakpak ako.
"Ayown! Uilitin ko!" ngumisi ako. Tumaas ang kilay niya. "Bigyan mo ako ng oras upang ipaliwanag ang sarili ko, upang hindi mo ako ikulong!" Aniko.
"Kapag may sinabi kang kasinungalingan kamatayan ang ihahatol ko sayo." aniya kaya napaatras ako. Ang OA ha.
"Pano mo malalaman iyon?"
"Heneral ako, maraming nakakasalamuha at nakikilala, hindi mo ako madaling malilinlang." Aniya, puno ng pagmamayabang. Tumango naman ako.
"Heneral may mga nahuling tulisan na nanloob sa bahay ni Ginang Mildred, sa aking palagay kasamahan nila ang magkapatid na Padeo at Pajo." Ulat ng gwardya sibil na kakapasok lang.
Tumango ang Heneral. "Susunod ako." Nilingon niya ako kaya napaatras ako ng bahagya. "Wag mong subukang tumakas rito dahil mahahanap parin kita."
"Maliwanag pa sa sikat ng araw." sumaludo ako at nagpilit ng ngiti kahit takot na takot.
"Babalikan kita rito." huling sabi niya at lumabas.
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Fiction HistoriquePagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...