Kabanata 2

342 20 16
                                    

Narito lang ako bagot na nakaupo sa sahig dahil sabi nung Heneral wag daw akong aalis.

Hindi ako umupo sa upuan niya dahil baka tirahin ako nun ng straight sa bungo--naisip kong ganon ang mangyayari sa akin dahi hindi niya naman ako binigyan ng pahintulot na maupo sa isa sa mga upuan kaya dito na lang ako sa sahig umupo.

Hindi ko akalain na sa panaginip kong to eh makakapasok ako sa Fort Santiago tapos makakita pa nang Heneral. Pero palaisipan pa rin kung bakit isang sasakyan ang naghatid sa akin, hindi lang iyon--may driver pa. Parang totoo na na hindi ko alam, nakakakilabot at nakakapagtaka.

Sa kalagitnaan ng pangingilabot, pagtataka at pag-iisip tungkol sa nangyari bago ako mapunta rito, pumasok sa isipan ko ang mukha ng Heneral.

Moreno ito, ang katawan ay maskulado at may kataasan, siguro nasa 180cm. Ang mga mata niya parang isang ilog ng pulu-pukyutan, makinang at maganda. Kung tititigan ng matagal parang may tamis na nagtatago. Maganda ang labi, kakulay nito ay seresa. Matangos ang ilong na hindi kadalasan hugis ilong ng mga Pilipino. May itsura ito, natatakpan lamang ng kasungitan.

Tahimik lamang akong inaalala ang mukha niya ng marinig ko ang Boses ng Heneral na siyang ikinagulat ko.

"Huwag mong masamain ngunit mukha kang hibang na nakaupo riyan habang ika'y nakapikit." 

Agaran akong napatayo habang binabalot ng kahihiyan.

"P-pasensiya." napalunok ako dahil sa kaba.

"Maaari kang umupo." Utos niya. Binigyan ko naman siya ng tingin. Itinuro niya ang upuan kaya doon na ako pumwesto. "Simulan mo nang mag-paliwanag." 

Tinansiya ko siya, naghahanap ng lusot kung nagbibiro ba siya o seryoso. Inaayos nito ang suot na uniporme, mukhang nahahalatang wala akong balak na magsalita. Kaya nang balingan niya ako, agad akong nagsalita. Takot na marinig ang sasabihin niya.

"Ang totoo kasi galing ako sa present-- este sa bagong henerasyon." panimula ko. "Taong 2020 kung iyong mararapating malaman."

Wow, mararapatin. Feeling ko tuloy masyado na akong makabayan kasi alam ko na ang salitang 'yon.

Bigla niyang binuksan ang mga butones niya na para bang bagot na bagot siya sa'kin. Sa ganda kong 'to, sinubukan niya pa talagang mabagot ha. Pero wala sa mukha niya ang pagtingin sa kagandahan ng kung sino.

Para kasing hangin ka lang na bumubulong sakanya. Nandya ka pero tinatrato niyang wala. 

"Ituloy mo."

Hinubad niya ang uniporme niya at isinabit 'yon sa likod ng upuan kaya tanging puting shirt na lang ang natira sakanya, aaminin ko lalo niyang ikinagwapo ang naging suot. Mukha siyang residente ng BGC. Ay wait? Buhay ba si Bonifacio, this days? Sabihin ko lang sakanya na ginagawa nilang "Bad Girls Club" ang pangalan ng "Bonifacio Global City".

Umubo muna ako para iklaro ang lalamunan ko, nanunuyo e. "Nakarating ako rito dahil na nanaginip ako, una dumilim tapos pag-kaliwanag muli nasa isang sasakyan na ako... sa kotse ba."

"Kotse?" Nagtaka siya.

"Brroom, broom." Sabi ko at umakto pa na parang nagmomotor kahit kotse naman ang sinabi ko.

"Brum? Brum?" Tanong niya, muntik na kong matawa mabuti na lang at napigilan ko dahil baka bumulagta na lamang ako rito.

"Kung sa sinaunang panahon ay kalesa sa bagong panahon naman ay kotse." paliwanag ko, napatango naman siya sa sinabi ko. Bahagya akong nagulat sa pagtango niya pero hindi ko naman alam kung naniniwala ba siya o hindi.

"Tapos nun huminto ang sasakyan kaya bumaba ako, pag-baba ko bumungad sa akin ang lumang maynila tapos nung hinila mo ako nakatingin ako sa damit ko kasi na-mangha ako dahil naka-suot ako ng patadyong tapos nagulat na lang ako hinila mo ako at agad na binitawan tapos may kalesa na dumaan tapos--" mahabang sabi ko na pinutol niya rin.

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon