Hapon na kaya ito ako ngayon nakabuntot kay Heneral. Pupunta raw kasi kami sa Fort Santiago upang hatulan ang mga magnanakaw na nag-nakaw sa Bahay ni Gobernador Osias Agoncillo.
Lakas maka gangster ang name! Yung gangster na matanda na at retired na pero maraming bata.
"Bakit ka nakangiti?" Biglang tanong ni Heneral kaya napahinto ako sa pag-lakad at tumingin sakanya.
"Bawal bang ngumiti? Sayang naman ang ngipin kong maganda at kumikinang kung hindi ito ipinag-mamayabang sa pamamagitan ng pag-ngiti." Pawalang bahalang sagot ko at kumindat kaya napailing siya at tinalikuran ako, nag-lakad na ulit siya kaya sumunod na lamang ako.
Pag-pasok namin bumungad sa'kin ang napaka-daming bilanggo na sumisigaw dahil sa gutom at uhaw.
Sa hindi inaasahan na pangyayari nabigla ako ng may kumalmot sa pisnge ko at hinigit ang buhok ko. "HENERAL!" sigaw ko.
Naalarma si Heneral sa sigaw ko kung kaya't minadali niyang ikinasa ang baril niya at kinalabit ang gatilyo. Tumama ang bala sa balikat ng kumalmot at sumabunot sa'kin kung kaya't bumagsak siya at nag-sitahimikan ang ibang bilanggo.
"Sa susunod maging alerto naman kayo!" Tumaas ang boses niya. Nakita ko pa kung gaanong takot ang bumalot sa mga sundalong nakasunod sa amin.
"Halika na." Binalingan niya ako kaya dali dali akong sumunod habang nakahawak sa pisnge kong dumudugo. Pag-pasok namin sa opisina niya bumungad samin si Lita na may dalang pag-kain."Lita pakigamot si Talisay." Utos ni Heneral kaya tumango si Lita at hinila ako, pinaupo niya ako sa isang upuan ron kaya napapikit ako dahil ang hapdi ng pisnge at anit ko.
"General, ellos te necesitan ahi." ani ng isang Sundalo, Militar, Kawal o ano man ang tawag sakanila. Hindi ko naintindihan.
"Dame un minuto." sagot ni Heneral kaya tumango muna siya bago umalis.
Umupo si Heneral sa upuan niya at tinignan nanaman ako. "Kailangan ka na ron Heneral." aniko, kahit hindi ko alam ang pinag-sasabi nila eh parang nay clue naman ako.
"Alam ko, ngunit mas mainam na alam kong maayos ang kalagayan mo." sagot niya, kita ko namang palapit si Lita habang nakangiti.
May inilagay siyang bowl sa gilid ko na may lamang gamot yata, mukhang dahon yata ng bayabas.
"Hener-"
Padabog na tumayo si Heneral at nag-lakad, parang ayaw niya pang puntahan ang importante niyang gagawin parang gusto niya pang tumunganga sa akin na ginagamot. "Lita siguraduhin mong maayos ang pag-kakagamot mo." paalala niya.
"Ngayon ko lamang nakita na ganon kung mag-alala ang Heneral." aniya habang may pilyong ngiti sa mga labi. Napailing iling ako. Ano kaya ang nasa isip ng batang 'to?
Pumasok si Nito habang may dala dalang telang kulay bughaw. "Ayan oh si Nito ang iniibig nito." Pangaasar ko sabay turo sa dibdib niya kaya bigla siyang namula.
"Ay kinikilig!" pang-aasar ko kaya napailing siya habang namumula parin.
"Ilagay mo raw ito sa pisnge ni Ate Talisay upang hindi na muling mag-durugo." Sabi ni Nito at ipinatong ang kulay bughaw na tela sa gilid ko at umupo sa harap ko, katabi si Lita, na namumula parin hanggang ngayon.
"Alam niyo bang bagay kayo." Pang-aasar ko kaya napaiwas ng tingin si Nito habang si Lita naman ay lalong namumula, natawa ako ngunit agad din akong huminto ng kumirot ang sugat ko.
"Masyadong bata pa kami para sa bagay na iyan Ate." Sagot ni Nito kaya napatango ako at ngumisi.
"Ilang taon na ba kayo?" Tanong ko habang pinipiga ni Lita ang katas ng dahon ng bayabas sa pisnge ko.
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Tiểu thuyết Lịch sửPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...