Kabanata 37

48 5 0
                                    

"Tama na 'yan, Arcasio!" awat ni Arsio sa kapatid.

Kumunot ang noo ko ng makitang pinagsisipa ni Arcasio ang mga sako ng buhangin. Hangga't hindi mabutas, hindi niya tinitigilan.

Lumapit ako kay Arsio. "Anong nangyayari dyan?"

Tumingi siya sa akin. "Oh, Talisay." Humalakhak si Arsio. "Sabi ko sakanya umalis ka habang tulog siya para may kitaing lalaki. Natatandaan mo 'yung pinasulat ko sa'yo kagabi? Binigay ko 'yon sakanya at sinabing namamaalam ka na."

Binalot yata ako ng galit dahil kay Arsio. Agad ko siyang binatukan. "Siraulo!" tumawa lang siya at naupo sa damuhan.

"Hoy! Arcasio!" sigaw ko sa pangalan niya. Sinuntok niya ang sako at matalim ang tingin na binigay sa akin. "Wag mo akong tignan ng ganyan. Itutusok ko sa'yo 'to." Naka-amba na pangtusok ang hawak kong bulaklak.

Lumamlam ang tingin niya at agad na nag-martsa papunta sa akin. Hinapit niya ako sa bewang. "Totoo bang ayaw mo na sa akin? Isang linggo na lang ikakasal na tayo. Masyado bang matagal ang dalawang buwan na pag-aayos ko sa Bulacan kung kaya't ayaw mo na sa akin?"

Halos mapatampal ako sa noo pero hindi ko magawa dahil sa pagkakadikit ng katawan namin. "Alam mo, minsan hindi ko na alam gagawin ko sa'yo. Paniwalang paniwala ka naman sa kapatid mong hanggang ngayon wala paring asawa."

"Bakit pa nga ba ako nandito?" nagsalita si Arsio.

"E ano nga?" salubong ang kilay ni Arcasio. "Bakit wala ka na kanina pag-gising ko? Sino kinita mo?"

"Ang OA mo naman." Napangiwi ako. "Pumunta ako kina Senyora kasama si Mama. Nag-kape lang kami ron. Isa pa, anong kikitain? Mukha bang may oras ako dyan kung halos paalis alis ako sa bahay para tignan ang trahe de bodang pinagawa ng nanay mo na hindi ko man lang alam." Minsan, itong pamilyang 'to nakakapagod na. Si Donya Arcia, nagulat ako bigla na lang nagsabi na nagpapatahi na siya ng trahe de boda, samantalang si Lolo naman ang sabi sa akin may mga abay na raw kami at habang si Don naman ang sabi sa akin, sa rancho daw ang pagtitipon pagkatapos ng kasal.

Wala naman akong magawa dahil hindi sila nakinig sa akin na gusto ko lamang ng simple. Itong si Arcasio naman pinagsabihan ko na sabihan ang pamilya niyang simplehan lang pero hindi niya naman ginawa. Kaya ito ako tuloy, alis ng alis sa bahay para tignan ang mga ginagawa ng mga tauhang tumutulong para sa kasal, dahil tinatanong nila ako kung ano ang gusto ko.

"Isa pa kung tinulungan mo lang akong pagsabihan ang pamilya mong simple lang ang gusto ko, araw araw akong nasa bahay, tipong kakamulat mo lang mukha ko makikita mo o di kaya kahit saan makikita mo ako." Napairap ako. "Bitaw na Arcasio at magtigil sa pag-iisip ng kung ano ano."

Siya naman ngayon ang ngumiwi. Pero agad niya ring ininguso ang labi. "Halik muna."

Sumama ang mukha ko. Binatukan ko siya. "Bitaw na kasi."

"Ayoko."

"Anak nampu—" hindi ko naipagpatuloy ang pagsasalita ng biglang nagnakaw ng halik bago ako bitawan.

"Labas tayo mamaya?"

"Saan?" pinagkrus ko ang mga braso ko. Napahikab ako bigla, maaga kasi kaming umalis kanina at masyado akong ginagawa sa buong umaga bago makauwi rito. "Hindi ba't may trabaho ka?"

"Hah! Anong trabaho?! Wala ngang may ginagawa 'yan buong umaga pagkagising kundi ang suntukin at sipain ang mga sako dahil sa selos! Hindi magta-trabaho 'yan." Sulpot ni Arsio.

"Kasi kung anong pinagsasabi mo!" asik ko sakanya. Binato niya naman ako ng binunot niyang mga damo kaya winisik ko iyon paalis sa paa ko.

"Wala nang masyadong trabaho kaya bakante ako. Isa pa, nandyan sina Kaloy. Hindi na nila ako kailangan pa." sagot ni Arcasio.

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon