Kabanata 26

49 7 0
                                    

"Sa pagkakakilala ko sa iyo, ayaw mo nang sagabal."

Napailing iling si Heneral. "Siya'y aking no—"

"Kailangan niya ng kasambahay, Binibini. Kaya't narito ako." Pagputol ko kay Heneral. Masama ang mga mata niyang bumaling sa akin, hindi nagustuhan ang narinig. Ngumiti lang ako at pumasok sa aking silid.

Lumabas ako bitbit ang kagamitan ko pang-ligo. Nandun parin si Alyana. Si Heneral, sinundan naman ako ng tingin pero hindi ko na sinuklian iyon. Nilampasan ko siya na para bang isang hangin lamang ako.

Kakatapos ko lang maligo sa balon, bubuksan ko sana ang pintuan ng may naunang bumukas ro, si Alyana. Ngumiti agad siya sa akin. May konting inis man, ngumiti ako.

"Ano ang iyong pangalan?" tanong niya.

Humakbang ako palikod ng isarado niya ang pintuan. Masyado kaming malapit, ayaw ko ng ganon. "Talisay."

Aba! Ang magaling, hindi niya man lang ako pinakilala. Wow ha. Nakakatuwa yatang maging single ngayon.

"Talisay." Pag-uulit niya sa pangalan ko. "Salamat sa pagtulong sa pagmamando sa opisina ni Arcasio. Masyado siyang abala kung kaya't paniguradong hindi na siya nakakapah-linis."

Tumango ako. "Mmm, oo nga, abala." Mukhang abalang makipag-landian.

"Alam mo si Arcasio—"

"Mawalang galang," Putol ko sa sasabihin niya. Halata namang magso-story telling lang siya sa pagmamahalan nilang naudlot. "kailangan kong pumasok sa loob, baka magkasakit ako sa lamig... at hindi ko na maalagaan si Arcasio."

Napatango siya. "Pasensya na, iku-kwento ko sana kung anong meron sa amin kung kaya't napabisita ako."

Mukha bang may balak akong makinig? Ni History class nga namin di ko pinagtutuunan ng pansin love story pa kaya nila. "Pasensya na." hindi ako sinsero sa sinasabi ko, e wala naman akong pakialam sa sasabihin niya.

"Isa pa pala," sumeryoso ang mga mata niya pero nakangiti ito, halatang naging iritado. "Heneral ang dapat na itawag mo sa amo mo hindi pangalan nito. Matuto kang maging magalang." Mas lalo siyang ngumiti. "Iyon lamang. Mauna na ako."

Nang makaalis siya. Panay na ang irap ko. Ako pa ang sasabihan niyang maging magalang e siya nga itong tinawag akong katulong! Sana man lang nagtanong siya kung sino ako. Isa pa, pangalan naman iyon ni Heneral! Kahit "Unggoy" pa ang tawag ko sakanya hindi magrereklamo iyon!

Padabog kong binuksan ang pintuan sa inis ko. Dumeretso ako sa opisina niya at nakita siyang nagpupunas lang ng baril.

"Mag-bihis ka na. Baka magkasakit ka pa." paalala niya habang hindi man lang ako tinignan.

Sarkastiko akong umismid. "Naka bihis na ako."

Napatingin siya sa akin. "Ah—"

Nginisihan ko siya. "Ganyan talaga pag may nakikitang iba, hindi man lang magawang tumingin."

Kumunot ang noo niya. "Ano ang ibig mong ipahiwatig?"

"Yung pagong nasagasaan." Sagot ko at umirap bago maglakad papunta sa silid ng opisina niya kung saan ako minsan namamalagi.

Pipihitin ko na sana ang pintuan para buksan ng marinig ko siyang magsalita.

"Kamusta yung pagong?" tanong niya. Walang bahid ng kung ano sa boses niya, walang bahid ng pangaasar o pangdududa man lang kung bakit ko sinabi iyon.

Sumiklab yata ako sa iritasyon, kung umaapoy lang 'tong katawan ko baka nasunog na kami rito. Puno ng inis, binuksan ko ang pintuan. Pagpasok ko, tumalon talon ako sabay tigil at yukod sa kama sabay sigaw sa unan para hindi masyadong madinig.

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon