Kabanata 33

54 6 0
                                    

Hindi na rin tumagal ang pagtatampu-tampuhan ng Donya pagkatapos kong ipaalam sakanya ang nangyari sa silid bago umalis si Arcasio.

"Magkaka-apo na ba ako niyan?" tanong niya agad, hindi mabitaw-bitawan ang kamay ko.

Napakamot ako sa ulo. Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Gusto ko ng apo, Talisay! Kahit babae o lalaki. Pwede nga ring dalawa."

"Grabe naman po 'yon." Napanguso ako. "Pero alam mo Donya, magluto kaya tayo ngayon." Sabi ko para hindi na siya mamilit tungkol sa usapang apo apo na 'yan. Mas lalo lang akong nase-stress. Napakasiraulo kasi ni Arcasio.

"Maganda ngang gawin iyon! Magluto tayo ng kakanin. Damihan natin."

"Bakit po? May pagbibigyan ka po ba?" bumuntot naman ako kay Donya na naglalakad na ngayon papasok sa kusina.

"Papadalhan ko sina Arcasio. May mga sundalong susunod doon kaya't ipapadala ko na lamang."

Nagsimula nga kaming magluto ng Donya at habang naghihintay, nagsulat ako sa papel dahil ipapadala ko na lamang kay Arcasio 'to. Wala namang kwenta ang sasabihin ko pero magpapadala parin ako ng sulat.

To Arcasio,

Nag-aya ka man ng kasal baka ibang babae mapanaginipan mo ha. Hindi ko alam bakit ako nagsulat sa'yo. Wala e, gusto kong maranasan ang sulat na papel at hindi text text. Kanina nga sa bintana sumipol ako kasi baka may kalapating pumunta sa akin at kunin ang sulat para ibigay sa'yo kaso walang may dumating. Sayang lang ang hangin ko.

Mag-ingat ka jan. Wag ka sanang umuwi ng kulang ang parte ng katawan kasi baka mahimatay ang ina mong kanina pa ako pinagsasabihan na gusto niya raw ng apo.

L@bYu mWuAh

-Talisay

Tiniklop ko ang papel at humiyod. Pumunta naman ako sa lababo. Hahawakan ko sana ang plato ng iniusog ako ng isang kasambahay. "H'wag po kayong masyadong magalaw. Baka mapano ang bata."

Nawala nanaman yata ang enerhiya ko. "Hindi ako buntis. Nagdadalang tae lang." sabi ko at iniwan siyang nakangiwi para puntahan ang Donya na tinitignan ang niluluto.

"Grabe nga naman ang salita ni Arcasio. Napapaniwala ang lahat. Bunso nga talaga." Sabi ni Arsio at umakbay sa Ina. "Meron ba ako dyan?"

"Wala, hindi mo ako tinulungan kanina." Agad kong sagot sakanya.

"Ang sama mo naman! Tinulungan kaya kita!"

Namewang agad ako at pinagtaasan siya ng kilay. "Anong itinulong mo sa akin?"

"Ang pananahimik." Humalakhak siya. Sinapak ko agad ang balikat niya kaya mas napatawa siya. Ang magkapatid na Lopez halos hindi nagkakalayo ang ugali sa pang-aasar sa akin.

"Bakit ka nandito?" tanong ng Donya kay Arsio. Natawa ako sa tanong ng Donya dahil sa mukha na rin ni Arsio ng marinig ang tanong na iyon.

"Hindi ko ba bahay 'to?"

"Hangga't wala kang—"

"Ang ganda mo ngayon, nay." Putol agad ni Arsio sa Nanay niyang gusto rin magka-apo galing sakanya.

"Magtigil ka Arsio. Naunahan ka pa ng kapatid mo."

"Aba naunahan talaga ako!" sinulyapan ako ni Arsio. Napailing na lamang ako at kumuha ng bilao, ipinatong ko muna iyon sa lamesa bago lagyan ng dahon ng saging kung saan ipupwesto namin ang niluto naming biko.

Ako ang nagtimpla nun kanina. Si Donya Arcia lang ang tumapos.

"Talisay, Arsio!" tawag ng Donya sa amin. Binaba agad namin ni Arsio ang mga baraha na pinaglalaruan namin at nagpaunahan sa pagpunta sa kusina.

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon