Kabanata 39

49 5 0
                                    

Lugmok akong nakaupo sa loob ng rehas. Isang araw na ang lumipas. Isang araw na rin kaming kasal, hindi pa pinagbigyang magsama.

Napabuntong hininga ako at tiniis ang mga kagat ng lamok at gutom. Panay ang luha ko habang paulit ulit na hinahaplos ang kuwintas ko.

"Talisay."

Napahikbi ako ng marinig ang boses ni Arcasio sa kalagitnaan ng aking pagdamdam sa gitna ng kadiliman at kalungkutan.


"Mahal?"

Sa pananatili rito ng isang araw, siguradong baliw na ako. Paulit ulit ko kasing naririnig ang boses ni Arcasio na tinatawag ako. Nakakabaliw nga talaga ang umibig. Kahit wala siya rito, naiisip at nararamdaman ko na lang siya bigla.

Humikbi ako at pinunasan ang mga luha ko. Sa pag-aakala ko, maganda ang parte nang kwento ng buhay ko sa sinaunang panahon. Iyon pala, may nag-hihintay na ganito. Sa simula't gitna masyadong masaya, hindi ko man lang naisip ang katapusan.

Pero ito nga ba ang katapusan ng kwento ko? Ito nga ba ang katapusan ng buhay ko? Dahil kung ito man ang katapusan, gusto ko na lamang magmakaawang baguhin. Pero kahit siguro h'wag nang baguhin, kundi ibalik na lamang ako sa umpisa at sa kalagitnaan. Magmamakaawa akong h'wag kaming dalhin sa katapusan.

Sa umpisa kung saan kami unang nagkita ni Arcasio at sa kalagitnaan kung saan kami nagmahalan.

Ang magandang katapusan lang yata ng buhay ko ay ang panunuod namin ni Arcasio na matapos ang araw sa bundok ng Baguio. Ang magandang katapusan sa mundo ay tanging ang pamamaalam ng haring araw.

"Mahal... nandito ako, mahal."

Napalingon ako sa gawi ng rehas. Nanlaki ang nanlalabo kong mga mata dahil sa luha nang makita si Arcasio na nakaluhod habang nakahawak sa rehas.

Agad akong tumayo at lumapit sa rehas. Lumuhod ako at agad na hinawakan ang kamay niya. Idinikit ko 'yon sa aking pisnge, dinamdam ang init ng kamay niya pagkatapos mangulila ng matagal kahit isang araw lang naman ang lumipas.

"Mahal," narinig ko ang paghikbi ni Arcasio.

Akala ko guni guni o baliw ako dahil sa pag-aakalang iniisip ko lang na narito siya perto ang katotohanan naman ay narito nga siya. Masaya ang damdamin ko, nabawasan ang pangungulila ko. Umiiiyak sa tuwa at galak ang dibdiban ko, pero hindi ko maiwaglit ang nararamdamang pait at sakit na namumuo.

Pero kahit naghalo halo ang nararamdaman ko, hindi ko na alintana iyon, ang importante ay nandito siya. Nahawakan ko muli ang kamay niya, naramdaman ko muli ang init ng mga palad niya, narinig ko muli ang boses niyang tinatawag ako at naramdaman ko muli ang prisensensya niyang sinakop ang buo kong pagkatao kahit may harang.

"Inaayos ng kaibigan ni Arsio ang binabato nilang kaso sa iyo." Aniya. Hindi ko binitawan ang kamay niya. "Diniin rin si Arsio kung kaya't...hindi siya ang hahawak—"

"Mahal," tawag ko na siyang ikinatigil niya sa pagsasalita. Tinignan ko siya habang hindi parin mabitawan ang kamay niya. Mula sa sulo niyang dala nakita ko ang mukha niya.

Kusang lumabas ang ngiti ko kasabay ng mga luha. "S-salamat naman at nandito ka. Mababaliw na yata ako kapag nahiwalay pa ako sa'yo ng maraming araw."

Hinaplos ni Arcasio ang pisnge ko. Hindi ko matandaan pero unang beses ko yata siyang nakitang umiyak. "S-sobra ang pangungulila ko sa iyo, mahal... H-hindi na ako makatiis na makuha ka rito."

Ngumiti ako. "Mukhang wala na tayong pag-asang makalabas ako rito."

"H-hindi, makakalabas ka. Tinaya ko na lahat ang meron ako." Sabi ni Arcasio habang patuloy na dumadausdos ang mga luha sa pisnge. "Hindi ko kayang magpatuloy ng wala ka sa tabi ko. Kahit mawala na sa akin ang lahat h'wag ka lang."

"Arcasio..." tanging pula na lamang ang nakikita ng mga mata ko. Hindi na ako makakita ng maayos dahil sa mga luha kong buhos ng buhos na aakalain mong mga patak ng ulan na humihingi ng isang pag-asa.

Hinawakan ni Arcasio ang kamay ko at hinalikan ang likod nito, hindi alintana ang duming mga dumikit. "Mahal, bibitawan ko ang ko lahat, pati ang katayuan ko. Magmukha man akong masama ngunit handa akong talikuran ang bayan para unahin ang sarili ko... para unahin ang buhay ko. Para unahin ka."

Tinignan ko ang kasuotan niya. Nakakapanibago dahil hindi na siya nakasuot ng uniporme. Teka? Ito ba ang sinasabi niyang tinaya niya ang lahat ng meron siya.

Umawang ang labi ko ng mapagtanto iyon. "A-arcasio, ikaw pa rin diba ang Gobernador Heneral?" pag-usisa ko.

Bumagsak ang mga mata niya sa ibaba. "Arcasio! Aminin mo! Sagutin mo ako! Ikaw parin diba?!" kapag mawala sakanya ang titulo maraming masama ang mangyayari. Sasakupin ang bayan ng kasamaan. Hindi pwede ang kung ano man ang binabalak ni Arcasio! Mali!

"Ipagdamot ko muna ang sarili ko, kung ano ang naiisip mo, iwaglit mo muna." matutunugan ang hindi pagsisi sa boses niya. Tinignan niya muli ako. May kaseryosohan at tapang sa mata niya. "Wala na akong pakialam sa kung ano pa, Hope. Kahit buhay ko itataya ko para sa'yo. Hayaan mo akong magdamot sa pagkakataong 'to. Hayaan mo akong itaya ang lahat para sa'yo. Desisyon ko ito at wala akong pagsisisi."

"Pinagpalit mo ang pinaglalaban mo mula sa umpisa, Arcasio!" sinubukan kong agawin ang kamay ko pero hindi niya ako hinayaan. Mas humigpit pa ang hawak niya.

"Tapos ko nang ipaglaban ang lahat maliban sa'yo!" agap niya. "Simula't sapul hawak hawak na nila ako, hawak na ako ng bayang parati kong pinaglalaban. Ngayon, hindi ko na kailangan pang ipaglaban sila kung gayong ikaw lang ang parating dahilan kung bakit ko pa gustong magpatuloy sa mga bagay na gusto kong gawin... wala nang importante sa akin kundi ikaw."

Hindi ako makapagsalita ng yumukod si Arcasio at umiyak.

"B-bukas," pabulong niyang sabi sa kalagitnaan ng pagluha. "sumama ka kay Padeo. Magkikita tayo sa daungan ng mga barko. Aalis tayo. Magpapakalayo tayo."

Nagtaasan ang balahibo ko. "P-paano ang mga Lopez? Ang pamilya natin?"

"Gusto nila ang gugustuhin kong mangyari. Gusto ni Inay na lumayo tayo." Hinalikan ni Arcasio ang kamay ko bago bitawan at tumayo. Agad akong tumayo kahit hirap magbalanse dahil sa pagod. "Magsasama tayo bukas, mahal. Lalayo tayo."

Tumitig ako sa mga mata niya. Agad akong tumango ng walang pag-aalinlangan. "M-magkikita tayo bukas. Hihintayin mo diba ako?"

Tumango si Arcasio. "Maghihintay ako kahit gaano katagal, basta't sumipot ka lang."

Tumango ako. Sinakop ni Arcasio ang magkabilang pisnge ko at binigyan ako ng halik sa labi. Sa halik na ito, kungkreto na ang mangyayari kinabukasan. Kailangan ko lang sumama kay Padeo at dadalhin niya ako kay Heneral.

Nang makaalis si Arcasio ay siyang pagbalik ko sa kadiliman. Sumandal ako sa haligi at nakinig sa mga boses na galing sa mga kampon ng Demonyo.

"Binabati kita anak bilang bagong Gobernador Heneral!" Si Don Trinidad.

Narinig ko ang paghalakhak ni Riyal Trinidad. "Sa wakas, nalampasan ko na rin si Arcasio. Konti na lang at babagsak na siya sa lupa, matagal ko itong hinintay."

Umismid ako at napailing na lamang. Ang mga buwaya at payaso ay nagsama. Magandang palabas iyan sa carnival. 

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon