Halos tatlong araw akong nanatili sa bahay ng mga Lopez at ngayong maayos na ang kalagayan ko makakabalik na ako sa dati kong tahanan na hindi gusto ng Donya.
"Dito ka na lang kaya mamalagi, Talisay?" nakakapit sa braso ko ang Donya at nakasandal ang ulo nito sa balikat ko habang nasa hapag kainan kami.
"Maraming salamat po pero babalik po ako sa librarya. Doon po kasi ako nagta-trabaho." Ngumiti ako, palusot ko lang kahit ang totoo naman wala akong may ginagawa ron kundi panuorin sina Nito at Lita na ayusin ang mga libro.
"Huwag ka na lang kaya mag-trabaho, maging asawa ka na lang. Pili ka na lang sa mga anak ko." Suhestisyon ng Donya, nakanguso pa, malawak ang ngiti nito at tila ba'y napupuno ng bitwin ang mga mata dahil sa ningning.
Nasamid agad ako samantalang nagkatinginan sina Arsio at Heneral. Si Clarita tinago ang pagtawa.
"Ay, ayoko po ng asawa. Grabe naman po 'yon." Sabi ko at napakamot sa ulo. Natawa ang Don. "Tsaka ayoko po sa mga anak mo po hehe." Nag-pilit ako ng tawa.
Nagtaka ang mukha ng Donya. "Ha? Bakit naman?"
Tumingin ako kay Arsio na pinagtaasan agad ako ng kilay. "Masyadong matanda." Sabi ko patukoy kay Arsio, sumimangot naman siya. "Yung isa naman po pakiramdam ko mamamatay na lang ako bigla, tinutusok sugat ko e."
Inirapan ako ni Heneral at pinagtuunan ang biko na paborito niya nga. Ako ang nag-timpla samantalang ang kasambahay ang humalo halo para daw huwag ako masyadong magalaw dahil sa sugat ko. Hilom naman pero wagas lang talaga sila mag-alala.
"Grabe ka sa matanda! Limang taon lang ang agwat ko sa'yo." Ani Arsio habang nakangiwi. Madrama itong humawak sa dibdib. "Masakit na ang damdamin ko, Talisay, kasalanan mo 'to."
"Kaya walang nagtatagal sa'yo, masyado kang maraming sinasabi." Agap agad ni Arcasio sakanya.
"Kaya wala ka pang asawa kasi masyado kang seryoso sa buhay!" sagot ni Arsio sakanya. "Ni-hindi ka man lang nagkaroon ng nobya."
"Hindi ko kailangan." Walang pakialam na sagot ni Heneral. Wala siyang nobya? Hah! Nakakapagtaka iyon. Iyong mukha niya kasi tipikal na habulin ng babae...ni isa wala man lang siyang natipuhan.
Umismid ako habang nakatingin sakanya. Bigla niya akong nilingon kaya tinuon ko na ang paningin ko sa pagkain ko. Baka mamaya umandar nanaman ang radar ng pagiging pikunin niya dahil sa pagkakatingin ko sakanya.
Pagkatapos kumain, nakasunod na ako ngayon kay Heneral. Nangako na lang ako kay Donya na palagi ko siyang bibisitahin dahil ayaw niya talaga akong umalis kanina.
"Pasensya na kay Inay, kapag gusto ang tao lalo na kung babae halos gusto niyang patirahin sa bahay." Ani Heneral. Naglalakad lang kami dahil wala siyang dalang kabayo. Ayaw niya namang magpasundo, o magpahatid kahit may kalesa sila. Akala ko tapos na ang sasabihin niya pero hindi pa pala. "Hindi ko nga alam bat ka gusto ni Inay, napaka-ingay ng bunganga mo. Masyado ka pang matakaw."
Kahit kailan hindi na lang pinapanatili sa maayos na paggamit ng salita ang sinasabi e, dinadagdagan pa talaga ng pang-iinsulto.
"Tigilan mo nga ang pag-insulto mo sa'kin! Konti na lang talaga sasabihin kong gusto mo 'ko kasi araw araw mo 'kong binu-bwisit!" iritado kong sinipa ang bato sa dinadaanan namin, sana pala sinadya ko sa gawi niya para matamaan siya. Naririndi ako kay Heneral, walang magawa sa buhay kundi galitin at asarin ako.
Tumawa siya. "Ang lawak din ng isip mo. Bagay nga sa'yo ang titulong baliw."
"Mas baliw ka." Umirap ako at pinagkrus ang mga braso ko.
Nilingon niya ako. "Hindi ako sa'yo magkaka-gusto sa isang baliw." Umismid siya.
Umirap ako. Kumunot na lang rin agad ang noo ko. "Nakaka-inis talaga pagmumukha mo. Mukhang pinanganak ka lang para inisin ako."
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Historical FictionPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...