"Wala talaga kayo ni Alyana?"
Natawa si Arcasio. "Ang kapal naman yata ng mukha kong magloko kung gayon ikaw ang kasintahan ko."
Napairap ako sa ere. "Tsh, sa susunod—"
"Magsasabi na ako sa iyo at magpapaalam." Putol niya sa akin. Ngumiti pa ito. "Pasensya na sa hindi pagsabi."
"Oo na. Bitawan mo na ako."
"Mamaya na, komportable ako sa pwesto natin, ayos lang ba?"
"Mmm." Hinalikan ko ang kamay niyang hanggang ngayon ay hawak hawak parin ang sa akin. "Arc, may nakakaaway ka ba?"
"Meron, ang mga nasa gobyerno na ayaw sa pamamalakad ko. Bakit?"
"Masama ang panaginip ko."
"Kaya ba sinigaw mo ang pangalan ko at umiyak ka?" tanong niya, tumango ako. "Ikwento mo sa akin."
"Kagabi kung saan tayo nagkausap doon din nangyari ang panaginip ko. Nag-aaway din tayo,"
"Iba ang dulot sa iyo ng ginawa kong hindi pagsabi. Pasensya na. Mararapatin kong maging mabuti pang kasintahan sa iyo."
Napangiti ako. "Pero Arc, nilusob tayo. Binaril ka pa nila samantalang ako pinatakas mo, dalawang araw kang hindi umuwi nun at hindi ko na alam ang nangyari sa iyo," natawa ako pero bumagsak ang luha ko. "A-ayaw ko ng ganun... kapag nasa trabaho ka, m-mag iingat ka parati. Ipangako mo."
"Hindi mangyayari ang napanaginipan mo, mahal. Pangako ko ring magiging maayos ang lagay ko araw araw para hindi ka na mag-alala. Halatang halata kasi na mahal na mahal mo ako."
"Ang kapal talaga ng mukha mo." Sabi ko. Napatawa naman siya kaya natawa na lang rin ako. Bigla siyang tumigil pero may ngising naiwan sa labi kaya sinamaan ko siya ng tingin. Subukan lang niya talaga akong asarin babatukan ko na siya.
"Tumatawa ka na. Bati na ba tayo?"
"Hoy! Ilang gabi akong nag-iisip sa mga katarantaduhan mo. Wag mo 'kong kausapin."
"Sungit." Aniya.
"Edi wag kang yumakap."
"Wala akong sinabing masungit ka, kaya yayakap ako." Mas hinigpitan niya pa ang pagyakap sa akin. Hinalikan niya ako sa pisnge at hinayaang sumandal sa katawan niya.
"Bakit ka dikit ng dikit ngayon? Linta ka ba?" inis kong tanong. Hindi ko na yata kaya, naiinitan ako.
"Bakit ang sungit mo? Niyayakap ka lang naman e."
"Ang init kaya." Reklamo ko sakanya. May inabot siya mula sa lamesa.
"Mahal na Reyna, ayos na ba?" tanong niya habang pinapaypayan ako gamit ang abaniko.
"Hindi ko sinabing paypayan mo 'ko."
"Edi maiinitan ka. Hibang ka ba?"
"Hindi! Ang ibig kong sabihin, may manliligaw bang nauna pa ang yakap kesa sa sagot?" pinagtaasan ko siya ng kilay.
Humaba ang nguso ni Arcasio. Hindi naman siya makapagsalita. Umangat ang sulok ng labi ko. Ngayon mo ako asarin.
"Bakit ba? Kailangan ko ng mayayakap."
Napailing na lamang ako. Di kalaunay nagsawa din. Kumain kaming dalawa sa loob ng silid niya at ngayon, nasa hardin kami nakaupo lang sa damo... siya lang pala yung nakaupo dahil nakahiga ako at ginawa kong unan ang binti niya.
"Nasaan si Arsio?" tanong ko habang nakatingala sakanya.
Tinignan niya ako ng masama na para bang may mali sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Historical FictionPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...