Tatlong magkakasunod na araw, bisita ng bisita si Donya Arcia. Palihim lang iyon kaya ng madakip siya ni Heneral sa ika-apat na araw, hindi na muli siya nakabalik. Mukhang pinagbawalan na.
At base sa mga naririnig ko sa mga gwardya sibil na daan ng daan rito habang nag-uusap. Marami raw ang naging problema sa labas. Kaliwa't kanang pagsabog galing sa mga tinatawag nilang rebelled. At tuwing dumadaan rito si Don Trinidad, aba ang gago, sa akin pa tinuturo ang gulo na akala mo may kapangyarihan ako para magpasabog.
Sa loob ng limang araw, wala akong pagkain. Mababaliw na yata ako. Kung ito lang naman ang parusa nila para mamatay ako, sana nag-bigti na lang ako, voluntarily pa. Hindi ko kaya ng walang pagkain, nanginginig ang katawan ko. Baka kapag gutom na gutom na talaga ako rito, ngatngatin ko na lang ang rehas bigla.
At sa loob ng limang araw na nag-daan, parang naging pipi ako. Hindi ako makapagsalita. Takot na takot ako. Si Donya Arcia kinakausap niya ako ngunit hindi ako makasagot—mukha tuloy siyang kinakausap ang sarili sa salamin.
Ang tagal kong mamatay. Nag-hanap ako ng matalim na bagay at nakita ang parte ng rehas na kinakalawang at matalim. Mukhang naputol.
Gumapang ako ako papunta ron. Umupo ako paharap at tinansya muna kung sakto ang pagtama sa ulo ko para deretso na ang kamatayan ko.
Nang masiguro kong sakto. Bumwelo ako at inihampas ang ulo ko para tumarak sa parte ng rehas pero hindi natuloy dahil may sumabunot sa akin para hindi ako matuluyan.
"Siraulo ka ba?"
Agad kong inagaw ang ulo ko. Tumingala ako. Sa loob ng limang araw padaan daan lamang siya. Hindi ko siya sinagot at gumapang palayo. Gusto ko lang namang mamatay, bakit niya pa ako pinigilan?
Mas siraulo siya.
Mula sa malayo, matalim ang mga mata ni Heneral sa akin. Agad akong umiwas at niyakap ang mga binti ko. Dahil sa pwesto ko, ibinaon ko na lamang ang mukha ko sa binti ko at doon umiyak.
Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako magpapaliwanag dahil halata namang hindi na siya naniniwala sa akin pero ito ako, gusto siyang paniwalain, gustong gusto ko siyang maniwala sa akin pero hindi ko man lang magawa dahil bawat subok kong magsalita ni ako walang may naririnig na boses.
Narinig ko ang pagbukas ng rehas. Maya't maya, ramdam ko ang presensya niya sa harapan ko. Tiningala ko siya. Nawala na lang yata ang emosyon sa mukha at naging blanko ang mata at pag-iisip ko ng makita ko ang pagsisisi sa mga mata niya.
May halong pag-aalala at takot. Sa bawat araw na dumaan, hindi ko 'to nakita at ngayong nakahain na sa harapan ko...nanigas na lamang ang katawan at puso ko.
"Hope." Tawag niya sa pangalan ko.
Tinapik ko siya sa balikat para paalisin siya. Hindi siya gumalaw sa pwesto niya kaya tinulak ko siya kahit na alam kong hindi siya natinag. Ni hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya.
Kanina iniisip ko na gusto ko siyang maniwala sa akin pero ngayon gusto ko na lang siyang umalis para sa ikakabuti niya. Napagtanto kong kaya ako nakuha dahil sakanya, dahil nakikita sa labas na araw araw akong nakabuntot sakanya. Importante ang buhay ni Heneral kaya marami ang nagtatangkang kunan siya ng hininga.
Naiintindihan ko na kung bakit naging ganon ang trato niya. Ayaw niya akong mapahamak. Pero kung mali ang pagkakaintindi ko, hindi ko alam ang dahilan. Hindi ko na alam pa. wala na akong maisip. Pero ito ang kakapitan ko. Iintindihin ko na lang dahil simula't sapul, siya ang nag bigay sa akin ng proteksyon, hindi maling ibalik sakanya iyon ngayon...kahit ikulong pa ako ng matagal rito...o kahit mamatay na lang ako rito. Basta maayos lang ang kalagayan niya. Kailangan siya ng mga tao.
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Historical FictionPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...