Patungo kaming apat ngayon—Heneral, Ako,Nito at Lita sa mansion ng mga Lopez dahil nga may hapunan kasama ang kanilang Lolo.
Habang naglalakad, pasulyap sulyap naman sa akin si Heneral. Araw araw kong napapansin na palagi siyang parang timang na sulyap ng sulyap pagkatapos mangyari ang kaganapan na iyon. At, unang araw din namin biglang magka-relasyon.
"Hindi ako dudukutin kung tuwing kukurap ka!" Asik ko sakanya. Sina Nito at Lita payapa lang na naglalakad ng magkasabay sa unahan namin. Kainggit naman. Sabagay, unggoy tong katabi ko pero ayos lang, mahal ko naman.
"Masyado naman yatang makapal ang pagmumukha mo para sabihing nag-aalala ako sa'yo." Sabi niya sa akin at namulsang naglakad pero ang isang kamay nasa bewang ko. Halatang ayaw naman akong pakawalan.
Napairap ako. "Ang sabi ko, hindi ako mawawala! Hindi nag-aalala ka!" Agap ko. "Baka kamo nag-aalala ka talaga hanggang ngayon. Panay ang tingin mo sa akin, gandang ganda ba?" Ngumisi ako.
"Ano pa ang ginawa nila sa iyo doon?" Biglang tanong niya, iniwasan ang tanong ko. Tinanguan niya ang mga gwardyang dumaan na nakasakay sa kabayo. Nakita ko pa ang mga mata nilang nakatitig sa amin ni Heneral na halos magka-dikit.
Umiling ako kahit nagtataka dahil sa pagbago niya ng usapan. "Wala naman, tinadyaka—"
"Mas kumapal yata ang pagmumukha mo." Putol niya sa akin kaya nawala ang pagtataka ko.
Nakakita ako ng stick kaya pinulot ko kaya napabitaw siya--hinampas ko 'yon sakanya. "Aray!" Reklamo niya.
Napalingon sa amin ang dalawang bata pero pinabayaan lang din kami. Hindi yata kami mahal, hindi biro lang—sanay na yata sa amin.
Inirapan ko na lang siya at umamba pa ng paghampas ng akmang gaganti siya. Inirapan niya rin ako pabalik. Kita mo, mas babae pa kung umasta kesa sa akin.
Hindi ko na siya pinansin at pinagtuunan na lang ng atensyon ang hawak hawak kong biko na nasa bilao dahil gusto kong iregalo to sa lolo niya para naman mapa-good shot ako, dahil baka barilin ako nun Gobernador Heneral raw kasi yun dati. Isa pa, tinanong ko kung anong paboritong pagkain ng Gobernador Heneral at sabi ni Heneral, biko daw.
"Sigurado ka bang biko talaga ang gusto ng Lolo mo?" Tanong ko ng may pagdududa. Tinignan niya ako habang hinahampas hampas ang stick niya sa dinaraanan namin. "O baka ganito ang sinabi mo para ikaw nanaman ang may maraming kain!"
Umismid siya. "Yan nga ang paborito ng Lolo."
Inismiran ko din siya. "Sabihin mo ang totoo o di na ako magluluto ulit." banta ko pa.
"Suman." Sabi niya at tumingin sa daan. "Ang paborito ni Lolo."
Agad ko siyang pinatid pero mabilis naman siyang nakaresponde kaya hindi siya natumba. Siraulo talaga. Sana kay Donya na lang ako nagtanong. Hindi ako magtatanong kay Arsio dahil baka sabihin na chicharon bulaklak ang gusto e yon naman ang paborito niya.
Nung nakialam kasi ako ng kusina nila at nagluto ng chicharon, nakikain si Arsio pero inagaw niya sa akin yung niluto ko kaya di din ako nakakain ng madami.
"Magandang Gabi." bati ni Heneral pag-pasok namin. Tinanggal ko ang braso niya sa bewang ko bago pa kami lingunin ng buo niyang pamilya. Agad siyang napalingon sa akin na para bang isang malaking krimen ang nagawa kong pagtanggal sa braso niya sa bewang ko.
Nginitian ko lang siya.
"Magandang Gabi rin po." bati ko at yumuko bilang paggalang. Ganun rin sina Nito at Lita pero agad naman silang lumisan at dumulong bigla sa kusina.
Hindi ko nga alam bakit pa ako nasali sa pagtitipon nila e di naman ako pamilya. Nobya pa lang naman ako.
"Magandang gabi iha, maupo na kayo." ani ng Lolo ni Heneral, bigla akong natakot dahil napakalalim ng boses niya, yung feeling na isang pag-kakamali mo lang sisigawan ka agad tapos may kidlat na lalabas sa bibig niya, waaaaaaaah! Medyo OA na tayo don pero ganun ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Ficción históricaPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...