Kabanata 7

194 17 4
                                    

Ilang araw ang naka-lipas at sobrang toxic rito...Hopital lang ang peg ganern!

Sobrang abala si Heneral dahil may mga nahuling rebelde, kasabay niyon ay ang paghanap niya sa mga gwardya sibil na pumatay sa dating pari ng bayang ito.

"Wassap! Boss Heneral!" bati ko pag-kapasok ko sa opisina, ke--aga aga pa lang kasi pumunta ako kay Risa para kunin itong mga ginuhit niya na suspect.

Kung sa bagong mundo 'to, magtatanong ka lang sa mga marites alam na alam na agad nila kung sino ang involve, may dala pa iyang side comment at prediction kahit hindi mo naman tinanong.

Ipinatong ko na ang papel sa harap niya at umupo na rin dahil napapagod ako. May gagong mag-nanakaw kasi ang humabol sakin kani-kanina lang, akala niya yata eh may pera ako.

"Kapagod!" usal ko at humiyod.

Napasulyap siya sakin. Tuwing tinitignan talaga ako nito napapatanong na lang ako kung deserve ko bang mabuhay o ano, ang sama ng tingin eh.

"Pagod kana agad?" may sarkasmo sa tono nito. "Kumuha ka lang naman ng papel kay Risa." aniya. Napasimangot ako.

"Ikaw kaya habulin ng mag-nanakaw!" saad ko, tinanggal ko ang pagkakayapos ng bugkos ko sa buhok at ginawang pabilog ang buhok ko. Napatitig naman siya ginawa ko, pero agad din namang umiwas ng tinitigan ko siya sa mata.

Wala namang ibig sabihin 'yon. Gusto ko lang makipagtitigan, pero natalo na agad siya, nauna kasing umiwas.

"Pero mabuti na lang talaga may poging lalaki ang pumigil sa mag-nanakaw." tumawa ako. Mala-Adonis ang nakabungguan ko kaya kung habulin man ako ng sandamakmak na magnanakaw, ayos lang, basta siya ulit yung sumagip sa akin.

Nabigla ako at tinignan siya. Ang lakas ng topak, binagsak talaga ang librong hawak. Mabuti na lang at hindi marmol ang lamesa niya kundi basag talaga ito.

Tumayo siya pero padabog rin. Kawawa naman ang upuan niyang nadamay sa init ng ulo nito ng wala namang dahilan.

"Drama mo Boss?" hindi ko napigilang magtanong kasi ganon naman talaga ako. Napangiwi ako, hindi man lang ako pinansin at umalis lang.

Sa mga nagdaang araw mas lalo kaming naging malapit ni Heneral kahit mukhang may tantrums siya sa tuwing naikipagusap ako sa ibang mga gwardya rito. Hindi na nga din siya nag-sasalita ng pormal kung kaming dalawa lang ang mag-kaharap.

Minsan nga nag-hahampasan kami ng stick dahil napikon kami sa isa't isa at hindi ko na siya tinuturing na Heneral. Tinuturing ko na siyang demonyong bigay ng may kapal para subukin ang pananampalataya ko araw araw.

Nananahimik ako sa sarili kong mundo ng bigla niya na lang akong hinagisan ng makapal na libro mabuti na lang at kampon ako ni The Flash at nasalo ko.

"Ay nanghahagis?" lumaki ang butas ng ilong ko pati na rin ang mga mata ko. "Gusto mong isapak ko sayo 'to?" tumayo ako at namewang.

"Hoooooy!" tawag ko pero deretso lang siyang umupo, hindi ko siya makalabit syempre bawal yon, sa tingin ko lang naman bawal, kasi diba, hindi basta bastang maghawak hawak kung hindi naman magkasintahan o asawa.

"Heneraaaaaaaaaal." mahabang tawag ko habang yakap yakap ang librong hinagis niya. Umupo ulit ako. "Ganiyan ka na ngayon ha! Friendship over na tayo ngayon!" umirap ako pero hindi talaga siya namansin.

"Hindi mo 'ko papansinin?" paguusisa ko habang nakamasid sa kanyang may isinusulat gamit ang tinta at pluma.

"Doon ka mag-papansin sa natitipuhan mong nag-pahinto sa magnanakaw." walang bakas na emosyon sa boses niya. Agad kong napatawa.

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon