Kabanata 11

201 16 0
                                    

Nagising ako alas tres ng madaling araw dahil sa katok sa kwarto ko. Kanina pa naman ako gising, maaga kasi akong nakatulog dahil sa kalasingan. Hindi ko na nga matandaan yung nangyari kagabi.

Suot suot ang patadyong ko, binuksan ko ang pintuan. Bumungad sa akin si Lita. "Tawag ka na po ni Heneral, Ate."

Tumango ako at lumabas na.

"Salamat po pala sa mga kakanin kagabi. Busog na busog kami ni Nito." Ngumiti siya. Ngumiti lang ako sakanya pabalik.

Paglabas ko sa librarya, bumungad si Heneral nan aka-uniporme na at nakasakay sa kabayo. At sa tabi ng kabayo niya, may hawak pa siyang lubid ng isang kabayo.

"Tara na."

Agad akong lumapit. Hinila ko naman ang sarili ko paakyat sa kabayo. Hindi ako marunong pero sumakay parin ako, ang galing ko talagang maging tanga. "Hindi ako marunong."

"Kaya nga kabayo ang dinala ko para matuto ka. Hahawakan ko naman ang lubid kaya umayos ka ng upo." Sabi niya sa akin. "Ayusin mo ang patadyong mo dahil baka makitaan ka."

"Dapat pala nagpantalon ako e." sabi ko habang iniipit ang palda ko sa binti ko. Nang maayos na ako tinignan ko siya at tinanguan.

Gumalaw ang kabayo niya at sumunod rin ang kabayo ko kaya kabado akong humawak sa pwedeng mahawakan pero hindi sa buhok ng kabayo dahil baka ihagis ako nito bigla.

"Kumalma ka lang. Nakakaramdam ang mga kabayo. Isipin mo na lang na isa itong kahoy na upuan."

"Hindi naman komportable iyon." Sabi ko sakanya at pinapakalma ang sarili ko dahil masakit ang sipa ng kabayo. Nasipa na ako nung elementary ako e. Pumunta kami sa Bagiuo nun.

"Hindi ka nga komportable pero maayos ka paring nakakaupo. Nakakaupo ka ng hindi natatakot kahit sa isip mo na baka iilang segundo bumigay ang upuan. Ganyan rin sa pag-sakay ng kabayo. Hindi mo alam ang mangyayari pero kailangang kumalma."

Tumango ako. Binigay niya sa akin ang lubid. Kinuha ko na lamang iyon at ginaya kung paano niya hawakan ang lubid. "Nasipa na ako ng kabayo nung bata ako." Hindi dapat ako matawa pero natatawa ako sa naalala ko.

Napalingon siya sa akin. "Gusto mo bang sumakay na lang sa-"

Umiling ako. Nagbago yata ang isip ng sinabi kong nasipa ako. "Ayos lang. Maganda 'tong pagkakataon na sumakay ako ng mag-isa lang. Isa pa, bata pa ako nun, hindi naman ako iyong tipo ng tao na yung takot ko nung nakaraan na pisikal dadamdamin ko." Pero kapag emosyonal ang paguusapan baka umiyak na lang ako bigla, pero ayokong pag-usapan 'yon, move on na lang, malayo naman ako sa mga taong nanakit sa akin e.

Binigyan niya ako ng pagtango at hindi na muling nagsalita pa. Habang tinatahak naming ang mabato at mausok na daan, ayan naman ang radar ko. Pakiramdam ko may nakatitig nanaman sa akin. Lumingon ako at katulad ng dati...may nakita nanaman akong babaeng nasa puno at may hawak na baril habang deretso ang mga mata sa akin. Hindi ko makilala ang mukha dahil may tabon ang labi nito.

Aabutin ko sana si Heneral para sabihin ang nakita ko pero hindi naman to naniniwala sa akin e kaya wag na lang. Tinalikuran ko na lang ang nakita ko at umaktong maayos kahit kinakabahan ako dahil baka bigla na lang akong bumulagta.

Huminto kaming dalawa sa isang tindahan. Nauna siyang bumaba at itinali ang kabayo niya. Pinuntahan niya naman agad ako. Kinuha niya ang lubid sa akin kaya bumaba na ako. Kakababa ko pa lang agad akong napayakap sa kabayo dahil muntik na akong madali ng kalesa. Hindi nga ako nabaril, muntikan naman akong mabangga.

"Hoy! Tumabi ka nga! Sagabal ka sa daan! Wala ka bang utak?! O gusto mong magpabangga para magkapera ka?!"

Agad akong napalingon sa likod. Lakas ng apog nito ah. Anong gagawin ko sa pera aber? Hindi ko kilala iyon, lalaki siya na may balbas at nakasuot ng sombrero. Halatang kabilang sa pamilyang may mataas na estado. Mga maharlika.

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon