Sana ginawa na lang akong mangkukulam sa buhay kong 'to para makulam ko 'tong mga habol ng habol sa akin.
Ayaw talaga nilang tumigil. Isang oras na yata kaming naghahabulan. Pagod na pagod na ako pero hindi parin tumitigil. Mukhang naubusan na rin sila ng bala dahil wala nang may bumabaril.
At ito na nga ang chansa ko. Itinali ko sa bewang ko ang pisi ng kabayo at paharap na umupo sa likuran ng kabayo. Kinuha ko ang nakakabit na baril at kinasa. Ayaw kong pumatay ng tao kaya ang mga kabayo ang pinagbabaril.
Nagsisibagsakan tuloy sila.
"Tang ina..." pagmumura ko nanaman at humarap na. Sumusunod pa rin ako sa aso. Ang tibay rin ng kabayong 'to, hindi takot sa tunog ng baril at nakakatakbo parin kahit kanina pa kami nag-lalakbay.
Pagdating ng hapon, hindi na gumana ang swerte namin. Malapit na sana kami pero bumigay na ang kabayo kaya iniwan ko na. Kaya ito ako, tumatakbo kasama 'tong aso.
"Malayo pa ba?" pagod kong tanong. Kinagat niya ang dulo ng bistida ko at binitbit ako kaya hindi na ako nakapag-angal at tumakbo ng tumakbo.
Halos malagutan ako ng hininga. Huminto na rin sa wakas ang aso.
"Ang tagal mo namang makarating."
Tumingala ako. "Clero? Anong ginagawa mo rito?"
"Ako nga." Ngumisi ito. "Nagamit ko ang katayuan ko sa bayan bilang Doktor kung kaya't hinayaan akong makalakbay. Pero may mga kasama akong sundalo kaya hindi rin ako makapunta kung nasaan sina Arcasio."
"E-eh paano mo nala—" hiningal ako kaya hindi na ako nakapagsalita.
"Sinabi sa akin ni Arsio ang nais niyang gawin. Kaya tumayo na riyan. Tumakas lang ako sa mga kasama ko. Kailangan ko na ringbumalik."
Agad akong tumayo kahit nanginginig na ang mga binti ko.
"Nasa bundok Bulaylay Cuyapo sila. Mahigpit na rin ang seguridad rito sa nueva ecija dahil sa mga bantang paglusob."
"Paano ako makakapunta ron? Hindi na yata kaya ng paa ko." Sabi ko at huminga ng malalim.
"Alam ng asong 'yan kung saan pupunta. Kunin mo ang kabayong 'yon." Turo niya kaya tinignan ko rin. Tinapik niya ako sa balikat. "Mauna na ako. Mag-ingat ka."
Inabutan niya ako ng baril at bote ng tubig kaya kinuha ko na lamang iyon. Ininom ko ang kalahati ng tubig at ang natitira ay binigay ko sa aso. Nang makaalis si Clero hindi na ako nagpahinga, pinuntahan ko na agad ang kabayo.
Naka-akyat kami sa bundok at kaliwa't kanan rin dito ang putukan. Bumaba ako at nilagay sa ilalim ng puno ang kabayo.
"Hanapin mo nga si Arcasio." Sabi ko sa aso. Tumahol ito kaya agad kong nilagay ang hintuturo ko sa labi ko. Mamaya may makarinig pa samin rito, madamay pa kami sa barilan.
Pero dahil kaliwa't kanan ang putukan hindi ko na alam ang pinaggagawa ko, iwas ako ng iwas sa bala habang nakasunod sa aso na hindi man lang ako mahintay hintay.
Kakaikot ikot ko kasama tong asong halos dumikit ang ilong sa damuhan natagpuan ko na ang hinahanap ko.
Kunot na kunot ang noo nito habang may hawak hawak na dalawang baril sa magkabilang kamay. Gusot na gusot at sobrang dumi din ng damit. At may dugong dumadausdos mula sa noo.
Mas lalo yatang lumaki at naging maskulado ang katawan niya.
Ang tingin niya nasa kanan kaya hindi niya pa ako nakita.
"ARCASIO!" sigaw ko, kuha sa atensyon niya.
Napatingin siya sa gawi ko. Ang kunot niyang noo nawala. Hindi ko alam kung nagagalak ba siyang makita ako o ano...pero kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Tarihi KurguPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...