Sa pagmulat ko ng aking mga mata natagpuan ko ang sarili kong nakatali sa isang poste. Kumukurap kurap pa ako dahil sa sakit ng sinag ng araw na tumatama sa akin. Nang maayos na ang paningin ko, binaba ko ang pagtingin ko sa katawan ko.
Wala ako sa sariling napasinghap ng makita ang lagay ko. Puro ako pasa at sugat! At habang tinititigan ko ang sarili ko ay siyang unti-unting pag-gapang ng sakit sa katawan ko.
Inilinga linga ko ang ulo ko para makita kung nasaan ako. At habang ginagawa iyon, paulit ulit na tumutulo ang luha ko. Hindi ako pamilyar sa lugar. Malayo na ako kay Heneral.
Sino ang dumukot sa akin? Yung sumusunod sunod ba sa akin? Si Iklara nandito din ba? Naaalala kong may humahawak sakanya kagabi at pinuntahan ko siya. Nasaan na siya? Ako lang ba ang mag-isa rito? Kamatayan ko na ba?
Masyado akong napagod kakaisip at idagdag mo na rin ang gutom kung kaya't nawalan ako ng malay, nagising na lamang ako at natagpuan ang sarili kong nakahiga sa kamang kahoy. Tinignan ko ang lalaking nakaupo sa tabi ko. Hindi ko makita dahil sa salakot at suot nitong tabon sa mukha.
Nanginig ang mga kalamnan ko sa takot kung kaya't wala ako sa huwisyong umusog ng umusog palayo hanggang sa bumangga na lang ang likod ko sa kahoy na pundasyon ng kubo.
"Hwag kang lumapit!" pilit kong tinaas ang boses ko para huwag nga siyang lumapit pero hindi iyon sapat para hindi niya ako hawakan sa paa at hilahin palapit sakanya.
Sino nga naman ang susunod sa akin kung gayong ako naman ang bihag. Gusto kong magwala at magsisisigaw ng hawakan niya ako sa buhok, ngunit hindi na kaya ng boses ko at ang tanging nagagawa ko lamang ay lumuha ng lumuha at pagtatawagin ang pangalan ni Heneral sa isip ko.
"Isang sagot." Aniya at mas humigpit pa ang hawak sa buhok ko. Masyado nang mahapdi ang anit ko, ni hindi ako maka-alma dahil sa kawalan ko ng boses. Pero hindi ako sigurado doon, kaya ako walang boses dahil sa takot. Natatakpan ng takot ang mga salitang gusto kong isigaw.
"Saan ka nanggaling at kailan kayo ikinasal ni Heneral Arcasio Lopes?"
Napahikbi ako at agap na umiling. Sinubukan kong ibuka ang mga labi ko pero ayaw nang gumalaw ng mukha ko. Mas humigpit pa ang pagkakasabunot niya sa akin ngunit ang mas hindi ko inaasahan ay ang pagtayo niya at ang malakas na pagsampal sa akin.
"SAGOT!"
Tangina, paano ako makakasagot sa sitwasyon na 'to kung halos humiwalay na ang anit ko sa ulo ko? Dagdagan mo na rin ang panginginig ng katawan ko at ang pamamanhid ng mukha ko dahil sa sampal na ginawad niya sa akin.
"Saan ka nagmula at kailan kayo kinasal nang Heneral?!" ulit niya pa. Naibuka ko na ang labi ko pero tatlong magkakasunod na sampal nanaman ang natanggap ko. Pumikit na ang kaliwang mata ko habang may dumadausdos na dugo pababa sa labi ko.
"H-hindi..." konti ang galaw ng labi ko. Binitawan niya ako kaya bumagsak ang katawan ko sa kama. "ko...asawa ang H-heneral..." dahan dahan akong nagsalita ng matagpuan ko na ang boses ko.
Mariin niya akong tinitigan, bigla siyang may hinugot na Panay tenegre. Gumapang nanaman sa akin ang takot para sa buhay ko. Hindi ko alam kung mamamatay muli ako tulad sa mga dating panaginip ko pero ito yata ang unang pagkakataon na takot akong mamatay sa panaginip at magmulat sa totoong mundo...baka hindi ko na masilayan si Arcasio.
At hindi ko man lang alam kung bakit iyon ang masyadong inaalala ko!
"Sagot! Kailan kayo ikinasal ng Heneral?!" itinutok niya sa akin ang sandata. "Walang may nagtala sa kahit saang simbahan na ikinasal kayo...itinago niyo ba?! Kailan?!"
Tanginang 'yan. Kasal? Hibang na yata 'to. Ginawa nila akong bihag para tanungin kung kailan kami kinasal ng Heneral? Na hindi naman nangyari at hindi naman talaga mangyayari!
Tinitigan ko lamang siya para ipakita na kung ano ang unang sagot ko, iyon na talaga iyon. Hindi na ako sumagot kaya pinagtatadyakan niya ako. Tuyong tuyo ang labi ko at lalamunan na halos magasgasan kakasuka ko ng dugo sa bawat tadyak niya sa akin.
"Tama na iyan. Maghapunan na muna tayo."
"Wala tayong may makukuha ritong sagot." Tumigil siya sa pagtadyak sa akin. "Magkakapera ba tayo rito?"
"Aba syempre."
"Baka mamaya, pinagloloko lang tayo ni Don—"
"Manahimik ka! Buhay pa 'yan! Huwag kang magsalita ng kung ano anong pangalan!"
"Pasensya na. Patayin na lang natin kaya to?"
"Sabi ng Pinuno, huwag raw muna at siya ang gagawa mamayang madaling araw kapag hindi pa sumagot iyan ng matino at kung hindi papaunlakan ni Heneral ang kagustuhan nito."
Nang iwanan nila ako hinayaan ko muna ang sarili kong makahinga. Hindi ako maayos pero gusto ko nang umalis kaya pinilit kong umupo sa sahig. Ginilid ko ang katawan ko hanggang sa maitapat ko ang pisi sa matalim na kahoy na suporta ng kama.
Kiniskis ko iyon ng kiniskis. Balagon ang itinali nila sa akin, baging ito na palaging nakikita sa mga talon o bundok. Mas matatag pa 'to sa kung ano mangbagay kaya hirap na hirap akong tanggalin. At nang matanggal sinunod ko naman ang mga nasa kamay ko.
Nakawala na ako kaya mabilis akong tumayo pero agad ding bumagsak sa may kama pero nagpupumilit ako at agad na lumabas sa kubo. Walang katao tao pero sa parteng kaliwa ng lugar rinig ko ang mga tawanan kaya tinahak ko ang kanan.
Nasa bundok ako, sigurado ako. Hinakbang ko ang paa ko ngunit kalakip niyon ay siyang pagtarak sa akin ng panay tenegre, mula sa likod ay lumampas iyon sa dibdiban ko. Napahawak ako sa dulo ng patalim sa dibdiban ko at napaluhod.
Napaubo ako ng dugo pero pinagsasalamat kong hindi iyon sumaksak kung saan nakalugar ang puso ko dahil kapag nakaalis ako rito baka pilitin ko lang ang sarili kong makabalik kahit hindi ko naman alam kung paano.
Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Nakaluhod lamang ako at iniwan na ng lalaking sumasaksak sa akin.
Sa bawat pag-ihip ng hangin ay siyang paglamig ng dibdiban ko. Hindi ko na kaya at naitukod na lamang ang mga braso ko sa lupa hanggang sa bumagsak na nga lang rin ako. Nagpaunahan sa pagtulo ang mga luha ko, hindi ko na kayang manlaban kung kaya't naitikom ko na lamang ang aking mga mata.
Nakahiga ako sa sarili kong dugo habang may ngiti sa labi. Mamamatay na lang ako si Heneral pa ang pumasok sa utak ko. Lahat ng nangyari sa mga araw kong nandito sa lugar na 'to naalala ko.
"Hope!"
At ang pinaka-importante sa lahat ay ang pagtawag niya sa akin ng totoo kong pangalan. Hindi mapagkakailang maganda naman ang naging relasyon ko kay Heneral. Malapit kami sa isa't isa at pinagpapasalamat ko lahat sakanya ang kung ano man ang naranasan ko sa panahong 'to.
"Hope!"
May minsan ding iba na ang tingin ko sakanya pero pilit kong winawaglit dahil wala namang may patutunguhan kung sasabihin pa. Kuntento naman ako sa relasyon na meron kami at sapat na rin ang mga araw na nakakaramdam ako ng kakaiba.
"Hope!"
Pero kung ako ang tatanungin, hindi pa sapat ang mga araw kong namamalagi rito. Gusto ko na lang tumira rito kasama ang mga Lopez, ang mga bata at higit sa lahat ni Heneral.
"Hope! Gising!"
Tang ina. Kanina pa 'to tawag ng tawag.
Niramdaman ko ang sarili. Maayos akong nakakahinga pero mahina pa rin. Dahan dahan kong minulat ang mata ko.
Sa gitna ng kadiliman at matingkad na ilaw ng buwana, nakita ko sa harapan ko ang lalaking iniisip ko sa gitna ng kamatayan. Kumurap ako at kinapkapan ang sarili. Wala na ang sandata sa dibdib ko at may balot na rin ang katawan ko.
"Heneral..." humagulgol ako. Binaon ko ang mukha ko sa tiyan niya at mahigpit siyang hinawakan sa uniporme.
Bakit hindi pa ako patay?
Naramdaman ko ang braso niyang yumakap sa akin. "Tahan na. Nandito na ako." Bulong niya. "Wala na ang nanakit sa'yo. P-pasensya. Nasaktan ka muli."
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Fiksi SejarahPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...