Kabanata 27

48 8 0
                                    

"ARCASIO!" sigaw ko sa pangalan niya ng buksan ko ang mga mata ko. Inilinga ko ang mga mata ko at natagpuan ang sarili ko sa silid ni Heneral sa kabahayan ng mga Lopez.

"May masakit ba sa iyo?"

Napatingin ako sa pintuan. Nangilid ang luha ko ng makita si Arcasio na kakapasok lang habang may dalang pagkain. "A-arcasio..."

Agaran siyang lumapit at inilapag ang hawak sa lamesa na nasa tabi ng kama. Naupo siya sa tabing kama at malalim ang titig sa akin.

Hindi ko nagugustuhan ang katahimikan kung kaya't inangat ko ang kamay ko hanggang sa maabot ko ang puting damit niya. Mahigpit kong hinawakan iyon at hinila siya palapit. Kusa na lang na yumukod ang katawan ko kung kaya't nakabaong ang mukha ko sa tiyan niya.

"A-arcasio..."

"Hmm?" lumapat ang kamay niya sa ulo ko. Dahan dahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Nawalan ka ng ulirat kagabi. Hindi ko alam kung anong nangyari sa iyo, wala ka namang trangkaso. Nang inuwi kita rito sa bahay natin, ang sabi ni Ina, pagod ka kung kaya't hindi na kaya ng kata—"

Humagulgol ako kaya naputol ang pagsasalita niya.

"Mahal?"

Natigilan ako, pati na rin ang paghinga ko, ang pagkurap at ang paggalaw ko, at naapektuhan rin yata ang pag-iisip ko dahil biglang nablangko. Tumigil ang buong mundo ko.

Pero nakabalik rin ang ulirat ko ng maalala ko ang nangyari kagabi. Agad ko siyang tinulak palayo. Umusog ako ng umusog hanggang sa nakapwesto ako sa pinakadulo ng kama at kung saan naroon ang bintana.

Namumula at humihikbi akong tumitig sa labas ng bintana. "W-wag mo akong tatawagin ng ganyan."

"Bakit?"

Natutunugan ko ang pangungutya sa boses niya at ang pagpipigil ng tawa. Iritado ko siyang binalingan, nakaismid pa siya! Pero ng makita kung gaano kasama ang tingin ko sakanya, umayos ang ekspresyon niya.

"Pagkatapos mong umalis tuwing gabi, ang h'wag akong pansinin, ang pagharap mo sa dati mong ka-relasyon at ang pagpunta mo sa plaza—nakikipaginuman ka pa talaga sa mga babaeng 'yon!" asik ko sakanya. "Edi sana hindi ka na lang nakipagrelasyon! Kapag ako ang may kausap na lalaki halos lumuwa yang mata mo kakatingin ng masama sakanila! Ni kapatid mo sinasamaan mo ng tingin e nagku-kwentuhan lang naman kami!"

Tumango siya. "Yun lang ba?"

"Anong yun lang ba?!"

"Akala ko may nakita ka pang iba e." sabi niya sa akin suot suot ang nangaasar niyang tingin na siyang ikina-pikon ko.

Hindi ko na yata kaya ang ugali niya. Naiinis na ako at halata naman iyon pero nakukuha niya pa akong inisin lalo. Ni hindi man lang klaro ang usapan namin kagabi. Nagising ako dahil sa takot dahil sa panaginip ko tungkol sakanya tapos ito siya mas lalo lang akong ginagalit.

"Maghiwalay na lang tayo, Arcasio." Sabi ko sakanya.

"Sigurado ka ba?"

Aba, walang hiya din.

Walang emosyon ko siyang tinignan. "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Kukunin ko mamaya ang gamit ko. Wag ka nang magtanong kung saan ako pupunta dahil wala ka nang pakialam ron." Seryosong sabi ko. "Maghiwalay na tayo."

"Biro lang!" agap niya. Mabilis pa sa alas kwatro niyang tinanggal ang sapatos niya at tumabi sa akin. Niyakap niya ako sa gilid, hindi lang ako gumalaw at sa labas nanaman ang tingin. "Inaasar lang kita. Kung makikipaghiwalay ka, sige payag ako."

"Tang ina mo." Pagmumura ko sakanya at akmang tatanggalin ang braso niya ng halikan niya ako bigla sa pisnge. Nanlambot yata ako. "Susuntukin kita. Wala na tayo, bakit mo pa ako hinahalikan? Bastos!"

Impulsion de Sueños (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon