Nakarating kami sa barangay ng page-ensayuhan. "Ihinto mo sa may don...sa may puno." Sabi ko sakanya habang nakasilip mula sa likod niya. Sa buong paglalakbay ang tanging ginagawa ko ay ang sumilip silip, wala namang may tumitingin sa amin...maliban doon sa hukbo ng gwardya sibil na dinaraanan namin.
Ginawa naman ni Heneral ang utos kong sabihing may sakit ako kaya hindi rin naman kami na pag-suspetsahan.
"Idederetso ko na 'to."
"Wag nga, sa may puno mo nga ihinto." Sabi ko at kinuha ang pagkakatalukbong ng uniporme niya sa akin. "Makikita tayo niyan kapag doon mo mismo ihihinto."
"Oh ano naman ngayon ang problema kung makita nilang nakasakay tayo sa iisang kabayo?" tanong niya at bahagya akong nilingon.
Walang araw na hindi ako nakakasimangot tuwing siya ang kaharap ko. "Malaking problema 'yon! Si Iklara nandun! Masabunutan pa ako. E di mo nga inawat nung binagsak ako sa upuan e! Ngayon pa kayang nandito na. Gagawin mo pa akong kabit!"
"Hindi ko naman inaasahan 'yon. Isa pa, bakit ko aawatin kung baka pati ako mukhang masusuntok mo." Sagot niya pa sa akin. "Atsaka, kalian pa kita naging kabit?"
"Araw araw! Sa mata ni Iklara!" asik ko. "Isa pa, hindi lang 'yon ang nagkakagusto sa'yo. Tanginang 'yan, lahat yata ng babae rito nahakot mo na." napailing ako. "Mangasawa ka na kaya para naman manahimik na ang buhay ko."
"Inuutusan mo nanaman ba ako?"
"Syempre, halata naman."
"Kanina lang inuutusan mo 'kong kumuha ng pagkain mo tapos inutusan mo pa akong ihatid ka pagkatapos ngayon uutusan mo 'kong mangasawa?" suminghal siya. "Utusan kaya kitang asawahin mo 'ko para makabawi naman?"
Binatukan ko siya. "Gago, hindi tayo talo. Isa pa, ayoko sa'yo, araw araw akong mabi-bwisit."
"Tsh... sa bagay, puro dayuhan ang nasa isip mo." Sarkastikong sabi niya. Agad akong napangiwi. "O siya, bumaba ka na. Baka gusto mong sunduin pa kita mamaya?"
"Aalis kami ni Clarita." Sabi ko at bumaba. Mabuti na lamang at sa may puno niya nga inihinto, may hindi kalayuan mula sa kung nasaan sina Clarita.
Inabot ko ang uniporme niya kaya kinuha niya rin. "May hindi yata ako alam. Saan kayo pupunta? Anong oras ka uuwi? Si Clarita lang ba kasama mo? At bakit kayo aalis?"
"Ang dami mong tanong." nag-give up na lang yata ang braincells ko bigla. Mas malala siya kay Tito Boy sa dami ng tanong niya. Nahiya pa siya, sana nag-fast talk na lang kami. "Basta aalis kami. Iyon na 'yon."
Aalis na sana akong ng ipulupot niya ang uniporme niya sa bandang balikat ko kaya hindi agad ako nakaalis. "Tinatanong kita. Hindi ka pwedeng lumabas basta basta. Mainit init pa ang nangyari."
Napangiwi ako. Tama nga naman siya pero nagmumukha siyang tatay ko e. "Una, sa may palengke lang kami pupunta at kakain. Medyo mag-gagabi na ako uuwi. Oo, si Clarita lang ang kasama ko. At aalis kami dahil gusto naming umalis."
Binitawan niya ako. "Kapag hindi ka pa nakauwi ng alas sais, lagot ka sa'kin."
"Ulol! Banta mo mukha mo! Alas siete ako uuwi!" agad na akong tumakbo bago niya pa ako hilahin ulit.
"Alas sais!" narinig ko siya. Tinaas ko lang ang gitna kong daliri. Hindi ako uuwi sa oras na 'yan no. Ano ako? Bata? Tse! Neknek mo Heneral!
Pumasok ako sa isang compound at nakita si Clarita. "Clarita!" tawag ko kaya agad niya akong nilingon. Lumawak ang ngiti niya at agad na kumaway sa akin.
"Dumating ka pa talaga." Hinarangan ako ni Iklra pero si Clarita tinulak siya at hinawakan ako sa braso sabay darag palayo.
"Ang tagal mo, sinong kasama mong pumunta rito? May naghatid ba?" tanong niya. Naupo kami sa may tanggapan. May mga kalalakihan ron na nag-uusap usap, tatlo sila.
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Historical FictionPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...