Nang matapos ang pagsasayaw, ito ako ngayon kasama ang sina Kaloy, Isagani, Clarita at si Heneral sa isang tindahan ng mga pagkain. Kumakain kami para mapuno ang mga tiyan namin at hindi kami gutumin sa kung ano man ang pwedeng gawin sa pyesta.
Si Iklara sa sobrang ka-artehan niya umalis. Ayaw niya raw kumain rito dahil masyadong maalikabok kaya di rin siya nakasama.
"Hindi ba kayo aalis?" tanong ko sa mga kalalakihan. Nilingon naman nila ako. Tinunggo ni Kaloy si Heneral—para siguro siya ang sumagot sa akin. Masyado kasi siyang tutok sa biko na luto ko. Nagdala talaga siya at pinahawak sa Ina niya na kasama lang namin kanina.
"Pinapaalis mo ba ako?" pasiring akong tinignan ni Heneral. "Kita mong kumakain."
"Hibang ka ba?" pasiring ko ring responde sakanya. "Nagtatanong ako, hindi ko sinabing umalis ka na. Isa pa, sabi ko kayo hindi ikaw. Kahit kailan—"
"Manahimik ka muna, kumakain ako." Putol niya sa sasabihin ko. Inabot ko ang kutsarang malinis at pinitik sa noo niya. Tumingin agad sina Kaloy sa malayo para hindi mahuling tumatawa habang si Clarita nabulunan na yata.
"Nagtatanong ako, sagutin mo." Utos ko sakanya.
Umismid siya. "Hindi pa. Alangan naman kayo lang ang pwedeng mag-saya sa pyesta." Inirapan niya ako. "Sabay tayong iikot."
"Ha?! Ayoko nga!" agad akong dumikit kay Clarita. "Aalis kami ni Clarita na kami lang. Hindi ka kasama, hindi KAYO kasama!" inisa isa ko silang tinignan. Pinitik ni Heneral ang kutsara sa noo ko kaya masama nanaman muli ang tingin ko sakanya.
"Huwag kang umalma. Iuuwi kita. Sinasabi ko sa'yo."
"At sino ka para iuwi ako?" namewang ako at tumusok ng kutsinta. Kakain ako ng madami, si Heneral naman ang magbabayad.
Tumaas ang kilay niya.
"Oo nga naman, Heneral." Ani Isagani kaya tinunggo tunggo siya ni Kaloy. "May kayo ho ba?"
"Siraulo, wag ka nang magtanong. Walang sila." Rinig kong bulong ni Kaloy. Nilingon silang dalawa ni Heneral kaya umaktong walang may ginawa at sinubuan na lamang ang isa't isa ng suman.
Nilingon ako ni Heneral, pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Wala." Sagot niya. Sumimangot ako. Tumalim ang tingin niya sa akin. "Sumunod ka na lang."
Umirap ako sa ere. "May pisi ka ba dyan? Itatali ko lang 'tong pinsan mo sa puno para makaalis tayo." Bulong ko. May tumalsik sa aking kutsara kaya nanahimik na lamang ako at kumain habang masama parin ang loob.
Nang matapos kaming kumain nag-ikot agad kami. At sa pag-iikot masama ang tingin na pinupukol ko sa Heneral na naglalakad sa harapan namin ni Clarita. Nilingon niya ang gawi ko, may inabot siyang pagkain. Tinanggap koi yon pero masama parin ang tingin ko sakanya.
Lumingon ako sa bandang kanan. Wala ako sa sarili humagikgik at hinampas si Clarita. "Iisa ang nakita nating dalawa." Aniya at tumawa kami. Hindi ko alam ha kung meron ba talagang ganito—pero may nakita kasi kaming kalalakihan na may hawak na mga kabayo. Mga wala pa silang damit.
"Sakyan kaya natin sila." Sabi ko. Napabulalas ng tawa si Clarita. "Hindi! Yung kabayo kasi!"
"Gusto ko din!" bulong niya. Mahinhin lang talaga 'to pero ang utak nito pareho lang kami. Nasa loob lang ang kulo. Mas malala pa 'to sa'kin e, pero syempre sa aming dalawa lang iyon, alangan naman isali pa namin ang kapatid at pinsan niya. "sakay tayo...sana sila ang taga-hawak ng pisi, magku-kunwari talaga akong madudulas sa kabayo para masalo nila ako."
Umismid ako at natawa. Sabi na talaga. Mas malala talaga 'to kesa sa akin.
Habang naka-masid kami ni Clarita sa mga kalalakihang may hawak ng kabayo biglang sumulpot si Heneral sa unahan ko. Sumama agad ang timpla ng ulo ko ng makita ko ang pagmumukha niya.
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Historical FictionPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...