"Heneral! May sedula na ako!" bungad ko pag-labas ko sa kwarto, kakatapos lang naming mag-pananghalian at kaninang umaga nag-ensayo kami.
Ang pinagawa niya sa akin pinabuhat yung sako ng buhangin tapos mag 100 laps, oh diba ang hirap!
"Saan mo iyan nakuha?" Tanong niya. Nakaupo lamang siya habang may patong patong na papel na tinatrabaho.
"Nakita ko sa kama ko kagabi." Naupo ako at nilahad sakanya ang sedula. Kinuha niya naman ito.
"Talisay Villa. Bente uno. Apatnaput walo ang timbang...." pag-basa niya kaya agad ko yung kinuha dahil nakakahiya.
Napatawa ako. "Wag mo nang basahin." aniko kaya napailing siya, itinago ko na lang iyon sa bulsa ko at naupo.
"San ang punta natin ngayon, Heneral?" tanong ko habang nangungulangot. Normalize picking your nose lalo na kung 'di ka na makahinga sa dami ng yaman mo jan sa loob ng ilong mo.
"Sa Mansion ng mga Lopez, gusto kang makilala ni Ina at Ama." sagot niya habang inaayos ang damit, pinitik ko naman kung saan ang nakuha kong kulangot. hehehe.
"Ano to? Getting along with the family." sabi ko at napatawa. Naguguluhan niya kong binalingan.
Napatawa na lang ako. "Ang sabi ko bakit raw ba?" Pag-iiba ko ng sasabihin.
"Gusto nilang makilala ang kanang kamay ko at susubukan ang galing mo." Simpleng sagot niya.
"Baka ipalapa ako sa Lion!"
"Sa Tigre, para mas mainam." sagot niya kaya napasimangot ako. Ngumisi naman siya.
Kinuha niya na ang baril niya at nag-lakad palabas kaya sumunod ako, ang cute ng suot kong bakya ngayon tapos ang cute rin ng suot kong patadyong dahil color brown na may pula tapos may yellow rin.
"Alalahanin mo lahat ng itinuro ko." bilin niya sa akin, may humintong kalesa sa harap namin kaya sumakay siya ron sumunod naman ako at umayos ng upo, bigla akong naexite dahil first time to!
Kahit naman nakasakay ako sa dokar na meron ang Vigan eh mas maganda paring sumakay ng dokar sa sinaunang panahon no.
"Narinig mo ba ang sinabi ko?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Sa dalawang araw ano nga ang tinuro mo?" tanong ko na lamang kaya naka rinig ako ng kasa ng baril. Panay naman pagbanta niya gamit ang pagkasa ng baril. Parang tanga lang.
"Alam ko na kasi!" Maagap kong sabi. "Marami rami na akong nalaman." Inisa-isa ko lahat habang pasulyap sulyap sakanya. Nang matapos, nginitian ko lang siya at nakangiting nagmasid sa dating Maynila, tumahimik naman siya kaya pinag-patuloy ko ang pag-mamasid.
Ang astig pala talaga ng sinaunang panahon, 'yong tipong kahit meron kang piso makakabili ka ng tinapay at panulak, ang linis pa nang paligid, tapos maraming kalesa, maraming nag-titinda sa gilid gilid, masagana pa ang life ng mga fishy fishy, kasi walang basura sa mga ilog rito.
Pero may hindi maganda rin ritong nangyayari katulad ng mga politikong uhaw sa yaman, mga Don na mayayabang na akala mo napaka-yaman, mga Hukom na hindi patas, mga taong nakakasala at kamatayan ang hatol, hindi katulad sa bagong panahon na ikukulong ka lang hanggang sa mabulok ka ron pero hindi rin makakaligtaan ang mga buhay na nasawi dahil sa maling akala at dahil sa maling pamamahala.
Pero kahit naman sa kasalukuyan may mga uhaw parin naman sa yaman na nakaupo.
Pero alam niyo, kahit naman ipatupad ang death penalty sa taong pinaggalingan ko, hindi parin maibibigay ang hustisya. Naka-pokus lang naman ang hatol ng kamatayan sa mga mahihirap na nagkakasala o minsan nga, na-aakusahan na lang kahit insosente.
BINABASA MO ANG
Impulsion de Sueños (COMPLETED)
Historical FictionPagtatatuwa: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyayari o mangyayari sa totoong buhay. Sa anumang pag-kakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nag-kataon lamang. Buod:...