→▲☼▼←
Kabanata 40
Pagkakawatak
ILANG LINGGO na rin ang lumipas simula ang araw na paguwi namin mula sa beach.Naging maayos naman ang takbo ng bawat araw ko – paranng dati pa rin, pumupunta si Kluney rito, nambubwisit. Pero mayro'n akong isang bagay na napapansin – iyon ay nagbabago na ang kilos ni nanay, kung dati'y parati niya 'kong iniinis ngayo'y napapadalang na at madalas siyang matamlay.
"ANINA!" nabalik ako sa wisyo ko nang marealize kong kausap ko pala si Kluney sa telepono.
"Oh?"
"Narinig mo ba 'ko kanina?"
"Hindi, e. Ano ba 'yong sinabi mo?" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya nang iyon ang sinagot ko, at sa mga nagdaang araw na ito'y ako ay parati na lang lutang o bangag.
"Nangangamusta lang," natatawang wika niya.
"Huwag ka ngang mamb'wisit, may ginagawa ako rito, e!" singhal ko sa kaniya mula sa kabilang linya.
"E, ano ba 'yang ginagawa mo?" tanong niya sa 'kin.
"Bye," pagpapaalam ko habang 'di na sinagot ang tanong niya sa 'kin. Umakyat na lamang muli ako sa kuwarto ko upang tawagan si Lina.
Sinagot kaagad ni Lina ang tawag ko sa kaniya. "Hoy, anong kailangan mo?" tanong niya na para bang ginambala ko siya sa kaniyang ginagawa.
"Lina. . . ang ganda ko," sabi ko sa kaniya at agad niya 'kong pinagbabaan ng tawag. Leche. Insecure ba siya sa 'kin?
At dakilang walang magawa ako'y muli akong bumaba. Ngunit 'di ako makapaniwala sa nakita ko nang ako'y bumaba. Nakita ko na lamang si 'nay na nakahandusay sa sahig. Nanginig ako at 'di alam ang gagawin.
Tumakbo agad ako sa kaniya at paulit-ulit na nigyugyog. Nang malaman kong walang mangyayari ro'y agad akong tumawag ng ambulansiya.
Bilisan niyo, please. Halos manlabo na ang paningin ko sa sobrang dami ng luhang tumutulo sa aking mata. Bumagal ang bawat pangyayari at naramdaman ko ang unti-unting panghihina ng aking katawan.
→▲☼▼←
NAGISING na lamang ako nang nakahiga sa kama ng ospital. Nang muli kong isipin kung ano ba ang nangyari ay agad akong nagpanic. Tinanggal agad ang suwerong nasa akin at tumakbo sa kung saan-saang kuwarto.
Pumunta kaagad ako sa baba upang magtanong. "S-Saang kuwarto po rito si Amelia Klonita?"
"Room 182." Nang marinig ko ang naging sagot na iyon ay tumakbo kaagad ako sa iba't-ibang palapag upang hanapin iyon.
At nakita ko na ng tuluyan ang room 182. Binuksan ko ito kaagad at sobra akong nanlumo sa aking nakita. Nanghina ang aking tuhod at napaluhod na lamang. Pero kailangan kong tumayo, tumayo ako't pumunta sa kaniyang direksyon.
Ibang-iba siya, kung dati'y ang lakas-lakas niya para asarin pa 'ko'y hindi man lang siya makagalaw ngayon. Sobra siyang namumutla.
'Nay. . .
"'Nay! Huwag ka na pong tatamad-tamad diyan. Gumising ka na po, please. Gumising ka na! Nahihirapan na po ako rito. Papayagan niyo na lang po ba na mahirapan ang dyosa niyong anak?" bulong ko sa kaniya dahil nawawalan na 'ko ng lakas upang lakasan pa ang boses ko. "Nay! Nay! 'nay. . ." pagyugyog ko sa kaniya at sabay-sabay nang tumulo ang luha ko.
Habang patuloy akong umiiyak rito'y naka-tanggap kaagad ako ng mensahe sa aming boss.
Pumunta ka rito. Ngayon na.
Tumakbo na 'ko palabas ngunit hinarangan ako ng doktor. "Kayo po ba ang kaniyang anak?" tanong niya sa 'kin. Tumnago ako at narinig ko ang kaniyang buntong-hininga.
"Nasa kritikal ang kondisyon niya ngayon at kinikailangan niya ng operasyon ngunit malaki ang magagastos niyo rito," aniya sa 'kin at umalis na kaagad.
Mas unti-unting nabawasan ang pag-asa ko nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Wala akong sapat na pera upang gawin at magbayad. . . pero gagawin ko ang lahat.
At agad kong naalalang pupunta pa pala ako sa Agency.
→▲☼▼←
"BAKIT niyo po ako pinatawag?" tanong ko kay boss. Umiling na lamang siya habang binibigyan ako ng nakakdismayang ngiti.
"Anina. . . lumabag ka sa rule, lumabag kayo sa rule." Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon, alam na niya ang nangyayari ngayon?
"P-Per—"
"Now, it was stated in the contract na kapag lumabag ka sa rule, you cannot get your full movie and monthly salary, kakalabas pa lang naman ng pelikula niyo, so, now, decide."
"But I can't leave Kluney!" and I can't leave my mom, too.
Pero kung 'di ko tatapusin ang lahat ay hindi ko mababayaran ang pang-opera ni 'nay. Kaya wala na 'kong choice.
"Tatapusin ko na po ang lahat."
"Good. Hindi na rin kayo magiging love team, by next month, I'll send you in the Cebu region TimeHopper Agency and you'll be an individual actress, again."
→▲☼▼←
NASA bahay ako ngayon at nakatulala lamang, mawawala sa 'kin si Kluney, hirap na hirap na si 'nay, ano pa? Ano pa bang aalis niyo sa 'kin?
Siguro nga'y para maligtas mo ang isa'y kailangan mong pakawalan ang isa. Mahal ko si Kluney, pero hindi iyon sapat na rason upang pabayaan si nanay.
Tumayo ako't pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain, nagluto ako at umupo na kaagad sa mesa. Kukuha sana ako ng tubig ng bigla na lamang mahulog ang baso sa aking paa. Kaya naman punong-puno ng dugo ang paa ko. Ngunit wala ito, wala ito sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko iyon pinansin at bumalik sa pagkain kahit dumudugo na ang aking paa.
Ngunit habang ako'y kumakai'y may nakita akong kutsilyo.
BINABASA MO ANG
Love Team
Teen FictionSimpleng pamumuhay ang natamasa ni Anina, kuntento na siya kung ano ang mayro'n siya—kaligayahan, pagmamahal at kapayapaan. Nag-ta-trabaho siya bilang isang artista, pero hindi 'yong mga artista na bu-mi-bida sa mga palabas, pero nag-bago ang lahat...