Kabanata 2

466 20 30
                                    

        KABANATA 2

        Ayoko Talaga..

        Nakauwi na ako ng bahay ng medyo nahihilo-hilo pa nang dahil sa inanounce ng aming boss. Ang hirap kayang paniwalaan a parang ang hirap din magtrabaho ng mayroon kang ka love team.

        Humiga nalang ako dito sa kama ko habang iniisip ang lahat ng nangyayari, Parang kanina palang kasi ay wala lang ang nangayari at Okay pa ang lahat sa akin kaya nakapirma na ako ng kontrata pero nung nakauwi na ako sa bahay ay prang pinagsisihan ko na ang lahat. Kung puwede lang bawiin ang pirma ay baka ginawa ko na ito.

        "Ghhhad! bakit ba kasi nagpadalos-dalos ako sa mga naging desisyon ko?! Pinagsisihan o lang tuloy sa huli." Sambit ko sa sarili ko habang ako'y nakahiga at nakatingin sa kisame ng silid ko.

        Napasabunot naang ako sa sarili ko sa sobrang inaiinisan ko ang sarili ko sa pagkakamali at katangahan na ginawa ko. 1 year contract of being a love team rin 'yun. Okay na lang ngayon sa akin kahit wala munang project basta wag lang magka love-team

        Waaah! Masyado akon naging tanga sa mga naging desisyon ko kanina. Dapat talaga di ako nagpapadala at nagpapauto sa walang hiya kong boss na iyon. Sarap niyang sapakin ngayon.

        Dapat talaga laging nandyan ang mommy ko pag gagawa ako ng desisyon. Dahil baka maita niyo nalang ako na tumatawa mag isa sa mental institute.

        Hay nako! Pa'no na ako ngayon nito? Baka isipin niyo na pakipot pa ako pero gusto ko naman 'yung magiging ka love team ko kasi guwapo siya at hot. pero hindi iyon ang dahian kung bakit ayoko magkaroon ng loveteam.

        Kasi naman eh, Ayoko rin kayang gumawa ng sweet na bagay sa harap ng madaming tao tapos madami pang makakakita noon?

        Tapos mas rarami rin 'yung bashers ko kasi pagkukumparahin kami sa iba't-ibang loveteams, Kasi ganoon 'yun diba? I wanna back-out.

        Narinig ko na lang na mayroong kumatok sa pintuan ko, sino na naman kaya iyan? Kitang nag sesenti ako dito tapos biglang makikigulo?

        "Paso--" Hindi pa ako tapos sa nais kong sabihin ng bigla nalang nagbukas ang pinto at nag dire-siretsong pumasok si Mom sa loob.

        "Anak! Ano ba naman iyan! Kanina ka pa nakahilata diyan aba! baka gusto mong mai-stroke?" Pagrereklamo ng inay ko sa aking harapan. Kung alam lang niya ang kautuang pinasok ko ngayon. Naku!

        "Ano ba naman iyan? Wala namang dahilan para bumangon ako diba? Kaya dito nalang muna ako." Pangangatwiran ko naman sa kanya, Napapagod pa kaya ako.

        "ANONG WALA?! KANINA PA KAYA NAGAANTAY SI LINA SA'YO SA BABA! ABA! WALA KANG UTANG NA LOOB NA BATA KA AH!" Sigaw ng nanay ko. Eto na nga, tatayo na.

        "Eto na nga, Baba na nga, Di naman kailangan sumigaw." At dahil may respeto akong bata, Inirapan ko siya habang pababa na ako ng hagdan.

        Tuluyan na akong bumaba ng hagdan kahit sobrnag sakit pa ng ulo ko, Mas sumasakiit pa kasi ang ulo ko sa sigaw ng nanay ko na iyon eh.

        Nakita ko na nakaupo si Lina sa sofa namin, As usual, Sobrang feel at home pa rin siya dito, Nakapatong pa 'yung paa niya sa table namin.

        At dahil sobra siyang busy sa kanyang pinapanood ay hindi niya napansin ang aking presensya na nakaupo na pala ako sa tabi niya.

        "Hoy! Wala ka na naman sa sarili!" Sigaw ko dito na nagpatili sa kanya na konti nalang ay magpagulong-gulong ito sa sahig sa sobrang gulat niya

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon