Kabanata 34

89 5 0
                                    

Kabanata 34

Drunk

            SUMAPIT ang kinabukasan at nahihilo-hilo akong bumaba ng aming bahay, nakita ko ang aking ina na may panyo na nakatali sa ulo at naka-apron. “Ayos ba ang outfit ko, anak?” masigla na wika niya at may himig ng pang-a-asar, pero nang makita ko ang kaniyang namumungay na mata’y nag-iba ang paningin ko sa kaniya. Imposible ‘yon. Isip-isipan ko nang may kung ano-ano nang konklusyon ang pumasok sa ‘king isip.

            “Sa’n ka naman ba pupunta?” walang ganang tanong ko sa kaniya. Pabiro at mahina niyang tinapik ang pisingi ko at nagsasayaw. Halos humagalpak  at mahulog ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang kaniyang ginagawa.

            “Cheer up, Anina!”

            “I will, seeing your crazy steps?” nauutal pa ‘ko sa ibang linya nang dahil sa pagpipigil ko ng tawa, bumalik na Siya sa kusina upang mag luto uli.

            →▲☼▼←

NAKATANGGAP agad ako ng mensahe mula kay Kluney, pinindot ko ‘to upang makita ang kabuuan ng kaniyang mensahe sa  akin, ano na naman kaya ang nais niyang sabihin sa ‘kin?

            See me at the nearest bar in your house, 3 PM, okay? If you didn’t come there I’ll shot you. . . kidding.

            One PM pa lang naman ngunit nasaabik na ‘ko kaya umalis na ka’gad ako sa bahay ng walang paalam at naglakad patungo sa bar na kaniyang tinutukoy.

            Nang ako’y makarating do’y nadatnan ko agad ang sobrang ingay ng mga tao ro’n, unang beses ko pa lang kasi ang pumunta rito kaya medyo na co-conscious pa ‘ko.

            Narinig ko ang malakas na musikang umaaligid sa buong bar na ito, halos sirain nito ang tainga ko, lalo na sa tunog ng musikang hindi ko naman maintindihan ang lirikong inihahatid sa ‘min.

            Sa ‘king paningin nama’y nakita ko ang malalaswa o ‘di kaaya-ayang pagsasayawan nila, ito pala ‘yong bar na sinasabi nila. Halos masilaw din ako sa mga ilaw dito.

            Nakaramdam ako ng takot at pagsisi na bakit ba pumunta agad ako rito ng walang three PM? At bakit ba dito pa ‘ko papauntahin ni Kluney? Ayoko namang umalis na dahil maaiipit na naman ako.

            Pumunta ako sa pinakamalapit na counter table, um-order ka’gad ako ng isang wine then ibinigay na ‘to sa ‘kin, pagbukas pa lang nito’y naamoy ko na ang masangsang amoy nito.

            Sinubukan ko itong inumin at halos masuka ako sa naging lasa, pero ipinagpatuloy ko lang ‘to. Nang una’y mahilo-hilo ako nang ito’y inumin ko.

            Patagal ng patagal ay may kakaibang sensasyon dito na nagbibigay sa ‘kin ng init, hindi ko na alam ang nangyayari, bakit ba ‘ko uminom basta basta?

            “ISA PA!” sigaw ko at agad naman akong binigyan nito ng isa. Mabilis ko itong binuksan at nilaklak agad ito. Mas lumabo at nahilo ang paningin ko.

            Paulit-ulit ako sa “isa pa” ko. Hanggang hindi ko napansing ang dami ko na palang nainom, ang daming bote ang nakalapag sa ‘king mesa ngayon.

            Nang dahil sa kadiliman ng aking paningi’y hindi ko masyadong naaninag ang taong nakatayo sa harapan ko, nakita ko na lang ang pagkunot ng kaniyang noo at ang galit niyang ekspresyon.

            Um-upo siya sa tabi ko, akmang iinumin ko na ito nang bigla itong kunin ng taong nakaupo ngayon sa harapan ko na may galit na eskspresyon.

            “Ba’t mo ‘yan kinuha? Magnanakaw ka, ah! Kung gusto mo, bumili ka riyan. Mura lang naman ‘yan! Ha, tanga ka talaga! Katulad mo ‘yong gagong tanga na kakilala ko, lecheng gago ‘yon! ‘Yong lalaking ‘yon! That asshole racist dumbass jerk flirty filthy guy!” Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyan dulot ng kalasingan ko ngayon.

            “First, who allowed you to drink alcoholic things? Nobody! And I won’t even. And who’s that guy? I should only be the one you know, Anina.”

            “Talaga?” bahagya akong tumawa at ipinagpatuloy, “Ikakanta ko pangalan niya.”

            “Kluney Stupid~ Kluney Stupid~” natatawang kinanta ko, nakita ko naman ang pagngiti sa taong nasa harapan ko ngayon, ba’t ba siya ngumingiti? Dahil naka-insulto ako?

            “Ba’t ka ngumingiti? Ha? Ang pangit mo! Hindi ka nakapasa sa standards ko. Ano pa? Ipapa-abduct mo ko?”

            “Malapit na ‘pag ‘di ka tumahimik, Anina. I-u-uwi na kita’t lasing na lasing ka na ngayon.” Sinamaan ko siya ng tingin, hindi naman kam close kaya ‘di niya alam kung sa’n ‘yong bahay ko, e.

            “May hinihintay pa ‘ko rito, buwisit ka. Hindi kita kilala, hindi mo alam kung sa’n ‘yong baahy ko. ‘Pag ‘di ka tumigil papatawag na ‘ko ng pulis at ipapakulong kita, I’ll also file an TRO para ‘di ka na lumapit sa ‘king gag—”

            Natapos ang sinasabi ko ng madiin niya ‘kong halikan, ngunit kahit sa diin na ‘yo’y nakakaramdamn pa rin ako ng pagmamahal, at sa isang ginawa niyang ‘yon ay nakilala ko na ka’gad siya—siya si Kluney.

            “Stop cussing, Anina.”

            “Why would –”

            Hinalikan na naman niya ‘ko ng mas mariin at pareho na kaming napatayo, he pinned me in the wall and kiss me more.

            “Go home, Anina. Okay?”

            “Okay!” marahan na ‘kong lumakad palayo ngunit agad na ‘kong muntikang buagsak mabuti na lang at nasalo ako ni Kluney, “You careless princess!”

            Binuhat na niya ‘ko sa kaniyang likod at nagsimulang maglakad papunta sa kaniyang kotse, nang kami’y maka-rating na ro’y ipinikit ko agad ang mata ko dahil sobra na ang pagod at sakit ng ulo ko.

            Naramdaman ko ang paghawi ni Kluney sa ‘king buhok at narinig ko ang pagbulong niya sa ‘kin. “You’re really adorable, Anina. But I don’t want you to be like this again, okay?”

            He pinched my cheeks, “Thanks for the kiss, Anina. That made me forget what I’m going to tell you.”

→▲☼▼←

NAGISING na lamang ako na dala-dala ang sobrang pananakit ng aking ulo, hinawakan ko ito at sobrang bigat nito sa pakiramdam, pero may mas bumabagabag sa ‘kin, humawak ako sa ‘king labi, para bang may kakaiba. Umiling na lang ako pero nakita ko agad ang pagod na pagod na ina kong nakaupo sa tabi ko.

            Pinagpapalo niya ‘ko ng malakas sa braso at pinagsisigawan, here we go again.

            “Ba’t ka uminom na bata ka? Tignan mo nangyari sa ‘yo!”

            “Sino nag hatid sa ‘kin dito?”

            “Loka ka ba? Syempre si Kluney!”

            Seryoso?

        →▲☼▼←

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon