Kabanata 29

176 8 9
                                    

Kabanata 29

Why are you not here?

            KINUSOT ko ang mata ko habang unti unti kong minumulat ang aking mata, pero biglaang may ngiting puminta sa aking mukha tuwing maalala ko ang nangyari kagabi, ang saya niya pala kasama.

            Tumingin ako sa katabi ko ngunit wala akong nakitang kahit ano—wala si Kluney, sa’n naman siya pumunta? Hindi manlang nagpaalam, napaka bastos nga naman talaga.

            Tumayo nalang muna ako at dumiretso sa banyo para mag toothbrush, nakita kong may letter do’n na nakalagay sa isang paper bag na nagsasabing, “Nandyan ‘yong tootbrush, toothpaste mo, binili ko ‘yan. J” With matching happy face pa ‘yong nilagay niya.

            Kinuha ko na ang tootbrush at tootpaste na binili niya sa akin, grabe. Napaka-fame whore, kailangan pang sabihin na siya ang bumili no’n? Ang landi talaga.

Nakatulala lang ako dito sa baba, ‘di malaman kung ano ba ang gagawin ko, as in. Tapos na rin kasi kaming kumain pero wala talaga akong magawa, nasaan na ba kasi ‘yong Kluney na ‘yon? Sasapakin ko ‘yon pag siya talaga ay nagpakita sa akin, humanda lang siya.

            May pumasok na maliit na bata rito, dalawa sila at kambal sila, parehong pareho sila ng physical apperance pero ‘yong isa may bangs samantalang ‘yong isa naman ay wala, mukhang mataray ‘yong may bangs ha.

            “Nasaan si kuya Kluney?!” Mataray na tanong no’ng may bangs, masungit nga siya, tinignan niya ako saglit at tsaka tinignan from toe to head.

            Sasapakin ko sana siya ng may ma-receive akong text, si boss pala.

            Pumunta kayo next week sa office, 8AM Sharp!

            Hindi ko siya ni-reply-an at tinago nalang ang cellphone ko sa bulsa ko.

            “Hello ate!” Masiglang bati sakin no’ng batang walang bangs, “Ako nga po pala si Klowy, siya naman po ang kambal ko na si Alowy.”

            “Ako nga pala si Anina, kaano-ano niyo nga pala si Kluney?” Feeling close na kung feeling close na pero nakakatuwa talaga si Klowy pero si Alowy, naka cross lang ng arms at umi-irap-irap pa.

            Ang sarap dukutin ng mata! Pero dahil mabait naman ako, ‘di ko na lang s’ya pinansin at mas itinuon ang pansin ko kay Klowy.

            “Kaaway ko ‘yon, Ikaw ba?” pag-si-sinungaling ko sa kaniya Half lies half truth. Pero nasa’n na ba talaga ‘yong lalaking iyon? Ayokong mag-hirap ang buhay ko sa kaka-tiis ng sarili ko na masapak si Alowy, hindi ko na kaya, e.

            “PINSAN po namin ‘yon. Talaga po? Minsan nga po nakakainis talaga siya, e. Ang sarap niyang paluin. Pero love na love po namin ‘yon!” Nakangiting usal ni Klowy. Napangiti ako sa kaniyang inasal. Ibang-iba ang kaniyang ugali sa kaniyang kambal na si Alowy.

            “Kaaway mo siya? Ba’t ka nandito? Umalis ka na. Hindi ka naman namin kailangan,” she madly stated and angirly slammed the door which caused it to echoed the whole room. Nagkatinginan kami ni Klowy at sabay kaming napa-iling.

            “Pag-pasensiyahan mo na po siya ate, huh? Ganiyan lang po talaga ang kaniyang ugali, pero mabait din naman po ‘yan. . .” saglit siyang tumigil at ipinagpatuloy, “Kapag tulog po.” Sabay kaming napatawa sa kaniyang sinabi, may saltik din pala ‘to.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon