Kabanata 22
1st day of shooting
“Okay guys? Sige go, memorize mo na script mo Anina diba? Ready ka na ba?” Tanong ni director Sean.
“Yes! ready-ng ready na!” I cheerflly answered.
Timingin ako kay Kluney, nag flying kiss pa siya at nag wink—ang landi.
Tinulak na anila ako papuntang white background—ang sama nila, puwede namang sabihin nalang sakin, nakakaturn off tuloy sila, ayan, baliw na ako! fit na fit na ako sa role.
“Lights, camera, ACTION!” Saktong pag-sabi nila ng “Action” ay imbis na ako’y kabahan ay mas na-excite ako at mas nagkaroon ng confident, lakas ng impact no’n ah.
“AKO si Vanilla Vucket Sterly, Naghihirap ako ngayon. Mahirap ang buhay ko. Punong puno ng sakripisyo ang dinanas ko, Puro paghihirap na'rin ang pinagdaanan ko pero binalewala ko lahat ng ito para lang mabuhay ako ng mapayapa, Matiwasay at Maayos,” at kungwari’y naglulumpasay pa ako sa sahig para mas effective ang pangangawa.
At bigla nalang ako tumayo ng pabiro pero ay bigla akong nadapa.
“CUT!”
“Take 2! Do’n ka na sa shot na secong dialogue.”
Tumango ako—porsigido na ako. “Joke lang! Kayo naman! Nagpauto kayo sa'kin! Sa ganda kong to?! Mukha akong uto-uto?! Hindi noh! Walang sinabi ang kaitiman ni dora sa Ganda ko!” Sabi ko at gumalaw ng malandi.
Tapos ay lumakad ako papuntang table dahil may kukunin ako—part of the act—pero dahil sinusuwerte ako, ibang table ang nahawakan ko.
“CUT!”
“Take 3!”
“Mayaman talaga kami, pero hindi ko gusto ang buhay namin. Puro business ang inaasikaso ng mga magulang ko, kahit ang kuya ko. Parang kulang at wasak rin ang pamilya namin dahil ng sa pesteng business na 'yan. Ok lang sa'kin na mahirap na buhay basta sama-sama kami kesa naman ganito na mayaman nga magkakahiwalan naman kami.” This time, medyo seryoso na ako at ginagalaw galaw ko nalang ang kamay ko.
And this time may sumeryoso na ako, magsasalita sana ako ng bigla akong napahiyaw—para akong baliw na nasilaw kasi sa mga ilaw sa gilid ko.
“CUT! TAKE 1”
Sumeryoso na ako, dahan dahang naglakad sa iba’t-ibang kulay ng backround at sinusundan ako ng mga camera man.
“Kaibigan? Mayroon ako, madaming salo-salo ang nadamayan, maraming adventures ang nasamahan, madamaing lessons ang natutunan, madaming pagsubok ang dumaan pagitan sa amin, pero, dahil sa isnag pagkakamali, nasira ang lahat—na inlove, saan nga ba iot mag fofocus? sa Love o Friendship? We also come with the fantastic efffect between love and love of friendship, but what title will win?”
“CUT!”
“Good Job Anina! A job well done for introduction! nagawa mong pag-iba-ibahin ang emosyon sa isang sitwasyon! kudos!” pagkasabing pagkasabi ni Director no’n ay tinaggal na lahat g lights, cameras and mic’s.
Bigla akong inakbayan ni Kluney, haharapin ko sana siya pero hindi ko maigalaw ang ulo ko sa higpit ng pagkaka-akbay niya, papatayin ata ako ne’to eh, sinasakal na ako.
BINABASA MO ANG
Love Team
Teen FictionSimpleng pamumuhay ang natamasa ni Anina, kuntento na siya kung ano ang mayro'n siya—kaligayahan, pagmamahal at kapayapaan. Nag-ta-trabaho siya bilang isang artista, pero hindi 'yong mga artista na bu-mi-bida sa mga palabas, pero nag-bago ang lahat...